(Fiona's POV)
Hanggang ngayun yata natatakot pa din ako dun sa kwento ni Clyde, langya talaga. Sakto pang kumulog at kumidlat tapos umulan kagabi, so creepy at pati sila Niccolo tuloy ay parang nabakla na. Natulog narin lang naman kami kagabi nung lalong lumakas ang ulan at pinagkasya na lang din namin ang mga sarili namin sa maliit na bahay, buti na lang din at umulan kagabi kung hindi ay baka tuloy tuloy ang kwentuhan namin kagabi.
Ngayung umaga naman ay kung ano-ano lang ang pinag-gagagawa namin, muka naman kasing okay na si Blake kaya hindi narin kami masyadong nagalala. Ako narin ang nagsabi kay Clyde na patulugin na siya kagabi dahil sa kulog at kidlat kasi hindi siya matutulog, gaga yun eh! Takot naman sa kidlat at Kulog.
Hinayaan na lang rin namin na matulog si Luke sa tabi ni Blake kagabi kasi halatang halata naman na nag-aalala ang mokong sa Blake namin. Imagine sila lang sa kama at lahat kami ay sa lapag natulog, so sakit sa katawan pero masaya naman.
Nag-boodle fight lang din kami ng breakfast and even lunch saka kami muling naipon sa pwesto namin kagabi habang nagku-kwentuhan. Ang buhay probinsya talaga, minsan nakaka-miss din. Sobrang nakaka-miss ang ganito at talaga palang masarap rin sa pakiramdam.
"kayo Blake nung mga bata kayo anong madalas niyong gawin rito?"
Brix suddenly ask habang nagkakasiyahan na naman kami.
"Ako? Makipag-away sa kuya ko," Blake said to him sabay tawa kaya pati kami ay natawa din, see? Magaling na siya, nakakatawa na naman eh.
"ikaw Clyde?" Red then asks Clyde.
"referee ng magkapatid, syempre"
Lalo kaming nagtawanan dahil naman sa sagot ni Clyde.
"sus! Parang hindi naman pinagtutulungan niyo nga ako noon eh"
Reklamo ni Blake sa kanya and Clyde just glared at her habang tumatawa kami.
"aba lugi naman kasi kami sayo, kapag nasaktan ka yari kami at kasalanan namin kahit ikaw naman ang bully tsk!"
Reklamo ni Clyde na tinawanan lalo namin.
"lugi nga naman Blake"
Kantyaw namin kay Blake na tinawanan niya lang.
"boss eh!"
BINABASA MO ANG
I Hate That Bad Boy - Completed.
Dla nastolatkówHe was, Luke Rio Rosenwell. Pangalan pa lang sosyal na. Hinding hindi rin maipagkakaila na mayaman. Ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig ang lokong yun, masasabi mo ring nasa listahan ng mga gwapo, macho at matalino, Perfect na ika nga nila. ...