ONE

2K 38 4
                                    

Akemi



SAMPUNG taon na ang nakalipas matapos ang war. Sampung taon ang ginugol namin para makabangon at makapagsimula ulit.

Maraming nangyari sa loob ng sampung taon na iyon. And I can say that we got stronger.

Two years after ng nangyari, umalis ang Atama ng Tantei High at nagtungo sa mundo ng humdrums.

Ginusto naming mamuhay na lang ng normal pero bumibisita pa rin naman kami sa Tantei buwan-buwan.

Ano nga ba ang nangyari sa Atama makalipas ang sampung taon?

Reiji and Riye are now in a relationship. They've been dating for six years at binabalak na rin nilang magpakasal.

As for Ken and Akane, nagulat kami sa nangyari sa kanilang dalawa. Ken met Akari, 'yung top student ng Hana Family. Nagkakilala sila noong na-assign si Ken bilang mentor ng Hana for six months.

Okay naman ang lahat kay Akari. Well, at least. Aaminin ko na hindi talaga namin siya vibes lahat. Ewan namin, ayaw namin sa kanya pero hindi na lang namin sinasabi. Pwera lang kay Hiro na napaka-blunt magsalita. Naiilang tuloy si Akari sa kanya.

Si Akane naman ay MIA pa rin hanggang ngayon. Nag-aalala na kaming lahat sa kanya dahil matagal na siyang nawawala pero may tiwala kami sa kanya.

Sa amin ni Hiro? Eto. Eight years nang kami and three years nang kasal. Yes, we're married.

And now, buntis ako sa panganay namin. Kabuwanan ko na ngayon.

Sa ngayon ay masasabi kong para na talaga kaming humdrums. Magkasama pa rin kami nina Riye at Reiji sa iisang bahay dahil ayon ang napagkasunduan namin. Si Ken naman ay naiwan sa Tantei.









"Hiro! Hiro bumaba ka dito!" Sigaw ko sa asawa ko.

Maya-maya ay nakarinig ako ng malakas na kalabog. Dali-dali naman akong nagpunta ng sala at nadatnan ko si Hiro na plakda sa dulo ng hagdan.

"What happened, love? Is baby gonna come out? Oh, God! Manganganak ka na ba?!"

Hindi ko naman naiwasang matawa sa itsura ni Hiro. Pano kasi, tabingi pa ang pagkakasuot niya ng boxers at baligtad ang suot niyang sando. Halatang nagmadali talaga siya sa pagbaba niya dito.

Ang praning talaga ng asawa ko kahit kailan.

"Why are you laughing?" Bigla namang naging seryoso ang mukha niya at nakatayo na rin siya sa pagkaka-plakda niya.

Hindi ako natinag kahit halos magsalubong na ang kilay niya kakakunot.

Maya-maya pa ay nag-pout siya. Ang cuuuuuute talaga ng asawa ko! Hindi ko napigilan at napisil ko ang magkabilang pisngi niya.

"Ang cute mo kasi mahal. Hahaha."

"Why did you call me? Are you having contraptions again?" Tanong niya sabay hawak sa tiyan ko.

"Eh kasi naman po, hindi ko mahanap sa ref 'yung ice cream na kinakain ko kahapon. Alam mo ba kung saan napunta 'yon?"

Bigla naman siyang natigilan at naramdaman kong nanginig siya. "U-um y-you told me you d-didn't like it, r-right?"

Nilingon ko siya at pinanlisikan ng mata. Lalo naman siyang nataranta pero bumuntong hininga na lang siya at tumigin sa sahig. "Reiji and I ate it."

Huminga ako ng malalim at napapikit naman siya. "NATHAAAAAAAAAAAAAN!"

Dali-dali naman siyang umakyat at nagkanda-dapa dapa na siya sa may hagdan.

Pagod akong umupo sa sofa at agad naman akong inabutan ni Riye ng tubig na noo'y nagluluto ng lunch. "Relax ka lang, Rainie. Baka mamaya mapaanak ka na talaga niyan."

Napangiti na lang ako ng marinig ang sinabi ni Riye. Excited na akong makita ka, anak.

"Ang saya kasing asarin nitong si Hiro eh. Ang cute-cute niya!" Natatawa kong sabi kay Riye.

"Hay nako, Akemi nee-san. Grabe mo talaga paglihian si Kuya Hiro eh. Baka mamaya kamukhang-kamukha na niya 'yun pati ugali. Naku, may Hiro version 2.0 na!"

Napahagalpak ako ng tawa sa sinabi ni Riye. Maya-maya lang ay biglang sumakit na naman ang tiyan ko.

"Ate, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Riye.

Tinanguan ko lang siya dahil humihilab talaga ang tiyan ko. Mas matagal ngayon. Manganganak na ba ako?

Inihanda ni Riye ang sofa bed at nahiga ako roon. Itutulog ko muna siguro 'to.

Unti-unti na akong hinila ng antok. Kasabay nito ang pagkalma ng batang nasa sinapupunan ko.

Kapit lang, baby. Wag mo masyadong pahirapan si Mommy.



~*

A/N:

What do you think? Sobrang bilis ba ng mga pangyayari at magkaka-anak na agad sina Hiro at Akemi? Hahaha. Ano nga ba ang nangyari kina Ken at Akane?

May pagka-lame ang chapter na 'to dahil nangangapa pa ako. Wala pa akong concrete plot sa kung paano talaga ang flow ng story na 'to. I guess I'll just surprise myself and you guys. :)

Suportahan niyo sana ang panibagong buhay ng Atama! :)

After Tantei High (Semi-Hiatus)Where stories live. Discover now