Chapter 1

24 2 1
                                        

Chapter 1



Anjeanette's Point Of View

Luminga linga ako sa paligid para mahanap ko yung hinahanap ko. Aba?! Siya na nga yung nag-imbita tapos ako pa yung paghihintayin niya? Abusado na siya ah.


Meron naman akong napansing isang babae na parang may hinahanap. Seriously? Mukha siyang batang nawawala. At mukhang hindi din niya kasama yung dalawa.


"Jean!"


Pumasok ako sa National Bookstore na nasa likod ko lang nang marinig ko yung sigaw niya.


Ghad!


Hindi ko po siya kilala. Nakakahiya yun. Nagtago ako sa mga bookshelf dito para na rin tumingin ng pweding basahin. Abnormal talaga yung babaeng yun. Nakakahiya grabe.


"Huy girl! Grabe ka naman. Iniwan mo ako doon, pinagmukha mo pa akong tanga. Ang dami pa namang tumingin saakin. Tapos parang may balak na paalisin ako ng guard kanina!"


Baliw ka kasi.


"Mukha kang tanga. Tara na nga. Nagugutom na ako."


Hinila ko nalang siya paalis sa NB dahil nagutom rin ako kakahintay sakanya.


"Kain kaagad girl? Ayaw mo ba munang mag shopping. O kaya mag arcade?"


"Ginutom mo ako. Tara na."


Pumasok kami sa Greenwich dahil dito ko napag isipang kumain. Tagal ko ng hindi nakakakain dito.


"Ayaw mo sa Starbucks?"


Napabusangot nalang ako sa sinabi niya. Hindi ko nalang siya sinagot at pumasok na ng tuluyan sa loob. Hinakbang ko ng isa pang beses ang paa ko sakto namang nakita ko silang lahat.


The Hell?! Bakit magkakasama sila? (T__T)


Nakatingin lang ako sakanila. Wala na yata ako sa sarili ko. Hindi ako makapili. Mahal ko silang lahat.


Pero isa lang ang dapat. Isa lang ang dapat kong piliin.


Pumikit ako at pinagdikit ang dalawa kong kamay. Sana tama tong desisiyon ko.


Hay. Ang hirap naman.


"Girl, pumili ka na. Ang dami pang bibili oh, baka pumuti na lahay ng mga mata nila ay hindi ka pa nakakapili ng makakain mo. For pete's sake, nagugutom na rin ako."


Napabusangot nalang ako sa sinabi ni Catherine. Ang hirap kayang pumili.


She's Catherine Salvenia. 16 years old katulad ko. Same school. My bestfriend.


Tinignan ko naman yung mga ibang customer na mukha na ngang naiinip, wala naman sila kanina dito ah. Tumingin na ulit ako sa cashier na mukhang naiinip na rin. Wala akong pakealam sa cashier na ito dahil nagtratrabaho lang siya dito. Manigas siya jan.


Tinignan ko ang mga pagkain na napakahirap kong pinagpilian at sinabi na ang napili ko.


"One pasta and ice tea nalang."


Binigay ko na sakanya ang bayad ko at kinuha na ang order ko pagkabigay nila. Kahit masakit, iniwan ko nalang yung mga iba pang pagkain doo.


Goodbye. Tandaan niyo na mahal ko kayo forever kahit walang forever. Umupo na kami sa isa sa mga 2 seated table dito at inilapag na sa lamesa ang mga inorder namin.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Bitter GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon