chapter 1

5 0 0
                                    

♦•♦Cheska POV♦•♦

kamusta na kaya si kean ngayon? naaalala niya pa kaya ako? 13 years na rin ang lumipas simula ng umalis siya ng bansa, 9 pa lang ako noon habang siya naman 11 years old.

"Ms. Garcia?"

"Ms. Garcia are you listen to me?"

"cheska tawag ka ni ma'am!" tawag sakin ni jenny kasamahan ko sa trabaho.

"huh? ah ano po yun ma'am?" tanong ko kay ms. magcalang.

"anong ano yun? hoy ms. garcia kanina pa ako nag sasalita dito hindi ka naman pala nakikinig!"

"pasensya na po ma'am may naalala lang po ako."

"hoy ms. garcia kung ano man yan iniisip mo huwag mong dalhin yan dito sa office kung ayaw mong mawalan ng trabaho!"

"pasensya na po talaga kayo, hindi na po mauulit."

"aba dapat lang! hala sige dalhin mo na yan kay Mrs. Gonzales kanina ka pa niya hinhintay." abot niya sakin ng mga folders.

"sige po."

"grabe talaga yung matanda na yun kaya hindi nakapag asawa ang sungit kasi." sabi ni jenny ng makaalis na si ms. magcalang.

"hayaan mo na siya jenny kasalanan ko rin naman kung bakit siya nagalit"

"eh bakit nga ba hindi mo siya narinig? iniisip mo na naman yung kababata mo ano?"

ngumiti lang ako sa kanya "dadalhin ko lang muna to kay mrs. gozales baka kanina niya pa to hinihintay."

"aysus, o sige na dalhin mo na yan dun baka bumalik pa dito si manang mapagalitan ka na naman!" tukoy niya kay ms. magcalang.

nagtungo na ako sa office ni mrs. gonzales, nasa penthouse ito ng building kaya kailangan ko pang sumakay ng elevator.

pag pasok ko sa elevator ay may dalawang babae na nag uusap.

"girl narinig mo na ba yung tsismis? kalat na kalat na yun dito sa buong building!"

"alin? yung may nag mumulto daw dun sa basement na babae at humihingi ng tulong dahil na rape daw ng janitor?"

"gaga hindi yun! ang ibig kung sabihin ay yung anak ni mrs. gonzales na nasa america, uuwi na daw dito sa pilipinas!"

"talaga? balita ko ang gwapo daw ng anak nun ah!"

"yeah, at eto pa ang mas magandang balita siya na daw ang papalit bilang CEO sa mommy niya, ang ibig sabihin siya na ang bagong mamamahala sa kompanya."

"eh di, ibig sabihin araw araw ko na rin siyang makikita?" bumukas ang elevator at lumabas na yung dalawang babae.

"correct ka diyan friend, mag kakaron na naman ng gwapo sa building na to." rinig ko pang sabi nung babae.

totoo kaya yung sinasabi nung dalawang babae? uuwi na ba talaga siya dito sa pilipinas?

hanggang sa makarating ako sa opisina ni mrs. gonzales ay iniisip ko pa rin yung sinabi nung dalawa sa elevator.

"mrs. gonzales ito na po yung mga papeles na ipinadala niyo!"

"ah yes iha, maupo ka muna. ikaw talaga na bata ka ang sabi ko sayo tita nalang ang itawag mo sa akin."

"pasensya na po,baka po kasi may makarinig sa akin."

"tayo lang naman ang tao dito sa loob kaya walang makakarinig." nakangiting sabi niya sakin. "siya nga pala iha, kaya sayo ko ipinahatid itong mga papales dahil may sasabihin ako sayo."

"ano po yun tita"

"remember kean,my son? his going back here. siya na ang mag mamanage nitong kompanya and i want your help!"

"a-ano pong tulong?"

"matanda na si mrs. santos and she wanted to retired as my secretary. kaya gusto kong ikaw na ang pumalit sa puwesto niya."

"pero po bago lang po ako dito sa kompanya, tiyak po na mas may nararapat bilang maging secretary niyo."

"no iha,alam ko ang kakayahan mo, alam kong kaya mo kung ano man ang ipagawa sayo, nakita ko yan sa mahigit isang taon mo dito sa kompanya, kahit noong bata ka pa nakitaan na kita kung gaano ka kagaling, kung gaano kalawak ang pang unawa mo at kung gaano kahaba ang pasensya mo. iyang katangian mo ang kailangan ko bilang secretary ni kean."

"tita hindi ko po kayo maintindihan,ano pong ibig niyong sabihin? may problema po ba kay kean?"

"matalino ka talaga napansin mo kaagad ang ibig kong sabihin. iha nakilala mo naman si kean na mabait at masayahin na bata, pero this passed year nag iba na ang ugali niya mag mula ng iwan siya ni samantha."

"sino po si samantha?"

"samantha is kean ex-girlfriend, inalok niya ito ng kasal pero hindi tinanggap ni samantha dahil marami pa raw itong pangarap sa buhay. handa sana siyang hantayin ni kean pero nakipag break na ito sa kanya."

"kawawa naman po pala si kean."

"iha ikaw na lang ang alam kong makakatulong sa kanya pumayag ka na bilang secretary niya!"

"kung papayag po ako paano ako makakatulong sa kanya?"

"make him fall for you, para makalimutan na niya si samantha."

"paano po kung hindi ko siya na paibig?"

"alam kung kakayanin mo."

simula ng lumabas ako ng opisina palaisipan pa rin sa akin ang huling sinabi ni tita "alam kong kakayanin mo." ano kayang ibig sabihin niya? bumalik na ako sa cubicle para mag ayos ng gamit simula kasi bukas ay hindi daw muna ako papasok habang hindi pa natatahi ang mga pinagawang uniforms para sa akin. sa lunes na lang daw ako mag sisimula bilang secretary.

"uy cheska anong nangyari bakit ka nag aayos ng mga gamit mo. sinesante ka ba ni ms. manang?"

"hindi, wag ka ngang oa diyan"

"eh bakit ka nga nag aayos ng gamit mo?"

"si mrs. gonzales, gusto niya na ako na daw ang maging bagong secretary niya."

"hu-what? hindi nga? hindi ka nag bibiro? oh my god,congrats cheska!"

"ms. ocampo anong ingay yan?" sigaw ni ms. magcalang kay jenny.

"wala po ma'am,binati ko lang po si cheska siya na po kasi ang bagong secretary ni mrs. gonzales." siniko ko si jenny, baka kasi mas lalong magalit sa akin si ms. magcalang hinahangad pa naman niya na siya ang ipapalit kay mrs. santos bilang secretary.

"anong sabi mo? bakit naman siya kukunin na secretary eh bago lang naman yan dito, ang kagaya ko ang dapat mapunta sa puwesto na yun dahil matagal na ako dito."

"eh bakit hindi po kayo pumunta kay mrs. gonzales at tanungin siya!"bago kami tinalikuran ni ms. magcalang ay tiningnan niya ako ng masama.

"buti nga sayong manang ka"

"tumigil ka na nga jen, kawawa naman siya matagal niya rin inantay ang puwesto na yun."

"ang sungit kasi. by the way congrats ulit, pakain ka naman diyan."

-JC-

My Love For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon