UW 1 💗

25 0 0
                                    

Keila's P.O.V

"KEILAAA!! Jusmiyo! Buksan mo ang pintuan mo at gumayak ka na! Mahuhuli ka na sa klase mong bata ka!" -sigaw ng matandang babae sa labas habang malakas na kinakatok ang pintuan ko.

"Keila! Ano ba! Ikaw bata ka babawasan ko ang baon mo kapag hindi ka pa tumayo dyaan!" -sigaw ng sigaw si lola.bwiset ang aga aga binubulabog ako. Inaantok pa ko eh!

Binuksan ko na ang pintuan ko at bumulantang ang katawang lupa ng isang matanda.

"Ikaw bata ka napaka hirap mong gisingin. Susme baba na at kumain. Napakabagal kung ano ano kasing ginagawa. " -lola

Sinabi ko ba kasing gisingin niya ko dba? Tinabig ko siya dahilan para mapaurong siya. If you don't know how to respect me then don't expect me to respect you.

Ako si Keila Lian Tellorio. Maganda ako. XD walang aangal aba. Nanapak ako ng epal. Hindi mayaman. Hindi mahirap. Si lola lang ang kasama ko sa bahay. Wala na kong magulang kasi iniwan na DAW nila ako. Ayun ang kwento nila lolo at lola.

Tapos na kong kumain at umakyat na ulit sa kwarto ko. At siyempre ginawa ko na ang lahat ng ritual ko. Naligo. Nagbihis. Pulbo. Liquid eyeliner. At naglagay ng lip balm. Nakasuot ako ng mini black skirt, may bling bling din ako,long sleeves uniform with a ribbon on it at black wedge shoes na paborito ko. Wierd ba? Pwes wala kong pake. Ano bang pake mo? Eh sa gusto ko ng wedge eh!

Naglakad na ko papunta sa school. Teka nakakita ako ng naglalako. Yung klase ng vendor na may Bike tas yung candies nakalagay sa glasses tas iba't ibang uri ng candy yung nakalagay. Omo!

*0*

"Kuya teka!" -sigaw ko kay kuyang vendor. aba di tumingin.

"Hoy! KUYA! KUYANG CANDY!!!" -ako

Inuubos niya ang pasensya ko. Tss. nakakainis. Kinuha ko ang sanga na nakita ko sa gilid at binato iyon ng buong lakas papunta sakanya. kala mo ha! Ikaw na nga yung kikita kasi may bibili tapos-----

"Bullshit. Who the fuck throw this damn branch?!" -sigaw ng lalaki at napatingin sa direksyon ko.

Oh. Nanlilisik ang mga mata niya. Pinagnanasaan niya ba ko? Tss. Not my type bala siya. Si kuyang vendor naman nakatingin lang. Lumapit na ko sakanya at bibili na sana nang biglang sumigaw ulit yung lalaki.

"You. Did you threw it?!" -tanong ng lalaki. Eh? Ako ba kausap niya? Ako nga ata.

"Stupid question." -malamig kong sabi at tumalikod na sa kanya. Tanungin ba naman ako kung ako nag bato? Nakita niya naman ata dba? "kuya! Kanina pa kita tinatawag sa kabilang eskenita palang. Pabili nalang po ng sampung gummy bear tapos ahm...limang gummy bear ulit hehe." -sabay abot ko ng bayad. Binalot niya na yung fifteen pieces na gummy bears ko na ikina kinang naman ng mata ko. Oh God. Yumyum!

*0*

Kinuha ko na kay kuyang vendor yung Candy's. Hawak hawak ko na. Kumuha ako ng isa at isusu--------PUTANGINA LUMIPAD!! Naiwan nalang yung plastic na lalagyanan sa kamay ko. Shit. Napatingin ako sa floor at nakita ang yummy innocent cutie gummies ko.

Biglang may humawak sa kamay ko at inikot ako kaya natapon lahat ng gummy bears ko. Napaharap ako sa lalaki. Nanggigil ako! Nabalutan ng itim ang buong mukha ko. Nandidilim ang paningin ko dahil sa galit. Nandito pa din yung shokoy na yan?! Bago pa man siya makapag salita nagsalita na ko.

Unpredictable WomanWhere stories live. Discover now