Chapter 5

615 21 10
                                    

"Oh? Bat ganyan ang mukha? May kalat ka pa ng chocolate oh! Aish! Naku Ella ha! Mag didisiotso ka na tapos ang ugali mo parang toddler?" Sermon sa akin ni ate Pagkatapak ko palang sa loob ng bahay.

"Ate. Pwede bang ipacancel mo nalang ang debut party ko sa school? Di pa kase ako handa eh. Sige na ate"

Hinila niya ako saka tinulak paupo sa sofa. Napahawak siya sa sentido niya. Saka napailing

"Di ka pa ba ready? Tsk. Masasayang nalang ang hinanda ko. Aish sige bahala ka basta mahilamos ka muna"

Tumango lamang ako saka pumunta ng kwarto maliligo nalang ako. Hmp. Habang ineenjoy ko ang bawat patak ng tubig mula sa shower eh naisip ko bigla ang sinabi ni Demonyo.

Problema nun? Ako mapapaiyak niya? Matulog siya saka managinip. Ang lakas mangarap. Kung takot nga ako di ako umiiyak mumuntikan lang tapos mag-iinisan at magbabangayan sakanya iiyak pa? Tatawa pwede pa! Ang lakas mangarap letse! Hmp. Makapagpatuloy ng ligo nga muna!

Gello's PoV

"Brad andito na yung Si Mardie" sabi ni Ice na agad binatukan ni Zach

"Marie hindi Mardie! Napatulan mo na yan noon di mo pa naaalala pangalan? Tanga ka rin dre noh?!"

Pinagbabatukan sila agad ni Chriss at inirapan. "Can you just shut up?! Nagbabasa ako rito daldal kayo ng daldal!"

Pumasok naman si Marie sa VIP room kung saan kami tumatambay ngayon. Nakangiti siyang humahakbang papunta sa harap ko at mahinhing umupo sa tabi ko. Napataas naman ako ng kilay. Di ba siya nainform na alam ko lahat ng baho niya? Amoy na amoy nga eh.

"Yes my hot Gello babe? If you want to Have fun to night Lets go at my Condo"

Napangisi ako sa sinabi niya. Mga babae nga talaga. Pinatawag lang ang lakas mag assume. Hinawakan ko ang baba niya saka nilapit ang mukha ko sakanya umarko naman ang ngisi sa labi niya. Im not yet done babe huwag masyadong kampante. I stopped 3 inch away from her face then I flash an evil smile

"Lets make a deal"

"What deal babe? At ano namang makukuha if ever I succeed?"

"Simple,Make Ella's Life miserable. Kapag nagawa mo yun ng tama at makita ko siyang umiyak Ypu will be my girl for a month"

Ngumiti siya saka pumalakpak.
"Sure babe. But Ikaw pagtritripan mo din siya ba?"

"Yes. Pero ang gusto ko malala abg pagpapahirap mo sakanya."

"Ok babe. Makakaasa ka but wala bang down payment?"

Ngumisi ako saka hinalikan ang gilid ng labi niya. Shock naman ang reaksyon niya

"Diyan pa lang yan. Pero pag Mission accomplish. Papasok na sa loob" makahulugan kong turan.

Pangiti ngiti siyang umalis. Ramdam ko naman ang kamay ni Chriss sa balikat ko at seryososng nakatingin sa akin.

"Just hurt her emotional not Physical Man. Remember she is still a girl. And she's the first girl who enter your watchlist"

Tinanggal ko ang pagkakagawkak niya sa braso ko saka matalim siyang tinitigan. Oo alam kong babae siya at anong pake niya? Tsk


"Sino bang kinakampihan mo Chriss? Siya oh ako? At wala na akong pakialam kung mabugbog yan ang gusto ko lumuha siya"

"Hindi pa rin maka-move on sa pang iiwan ni Perry dude. Kaya ka naghahanap ng babaeng pagtritripan at umiyak kase naaalala mo ang sarili mo sa mga taong pinaiyak right? Man! Matagal na yun! Tsk. Itigil mo na yan habang hindi pa huli ang lahat. Magsisisi ka" seryosong saad nito

"I will never Chriss. Hindibg hindi ko ititigil ang larong di ko pa nasisimulan. At hindi ako magsisisi."

Tumawa siya saka Niligpit ang libro niya at pinasok sa bag niya. Pero nagbago agad ang expression ng mukha ni Pagkaharap niya sa akin.

"Oh sige hindi kita papakealaman. Kase Gusto mo yan Paninindigan mo. Pero pag nakaramdam ka ng guilt mapapanindigan mo pa kaya? Suit yourself man. I'm leaving"

Umalis naman siya agad sa bar. Tignan mo lang Chriss wala pa akong binitiwang salitang di pinanindigan. Mananalo ako sayo.

"Goodluck Gello. Basta pag may mangyari labas kami" sabi ni Ice

"Laro ko to. Hindi ninyo at walang mangyayari. Wala ba kayong tiwala sa akin? Tsk. Im the Campus Bully. Ilang taon na akong kilala bilang ganyan at ni Minsan hindi ako nagsisisi"

Kahit anong pilit niyo sa akin na itigil ang ginusto kong laro hindi niyo na ako mapipigilan. Maghanda na siya. Dahil bukas naagsisimula ang impyerno noyang buhay. Lets see kung hanggang saan ang tapang at lakas ng loob mo nerd. Lets see












_________________****______________

Owww ang lame ng update ko ngayon 😲😲😲 sorry readers








WHEN THE CAMPUS BULLY MEETS MISS NERD(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon