Her stare

225 2 3
                                    

NASA kwarto sila ngayon kanina pa sila hindi lumalabas, pagkatapos ng insidenteng yun ay agad siyang hinila ni Jia pero pinigilan agad yun ni Bea. Ang lakas ng tensyon ng bawat isa. Wala ni isang nangeelam dahil narin sa hirap ng sitwasyon.

"Bakit ba kanina pa tayo nandito?! Akala ko ba mageenjoy tayo dito? Ano to ikukulong niyo lang ako sa kwarto?!" Hindi narin mapigilan ni Jho na maasar dahil sa aksyon na ginawa nila Jia at Ella. Nakaupo siya ngayon sa kama samantalang si Jia at Ella ay nakatayo at parang ang lalim ng iniisip.

Sa wakas ay tinignan na nila si Jho, napabuntong hininga si Jia at umupo sa harap ni Jho.

"I'm sorry Jho. But, I think dito ka nalang muna sa kwarto mo mukhang mas lalong di makakabuti sa'yo na lumabas---

"Nagbibiro ka ba Jia?! Ha! You both wanted me to come here! Tapos ngayon ikukulong niyo lang ako sa kwarto? What's wrong with you guys?! Bakit ba bigla bigla nalang kayong gumagawa ng action na nakakaduda?! What's wrong? Is it about Bea?" Parang mas lalong kinabahan ang dalawa.

Nakilala siya nito dahil nagpakilala ito sakaniya kanina pero di pa nito tinapos ang sasabihin ay hinatak na siya agad ni Jia.

"What about Bea Jho? Huh? Do you even know her? Bakit mo nasabing dahil ito kay Bea!" Napakurap bigla si Jho sa pagtaaa ng tono ng boses ni Jia. Ngayon lamang ito naging seryoso at halatang galit ito.

Naguguluhan na si Jho hindi na niya alam ang mga nangyayari sa mga ito. Kaya niya nasabing si Bea ang dahilan dahil biglang nagbago ang aura ng dalawa nang dumating si Bea.

"Jia. Lumabas ka muna, masyado kang hot ngayon. Sige na. Ako na bahala kay Jho" tumingin pa muna si Jia kay Jho bago ito lumabas ng kwarto. Nakaramdam ng lungkot si Jho dahil mukhang napagalit niya ang kaibigan niya.

But why? Wala naman akong ginawa para magalit siya..

"Ineng, nagalala lang si Jia sa kalagayan mo kaya ganyan siya ka protective. Responsibilidad ka namin dahil narin kami ang ipinagbilinan ni Tita Lovel sa'yo. Kaya sana intindihin mo, kung bakit kami ganito katense when it comes to you." Nakaramdam ng guilty si Jho. Mukhang mali nga ang ipinakita niya sa kaibigan.

Kailangan kong magapologize kay Jia..

-----

"Nagiisip ka pa ba? Sa lahat ng ginagawa mo ngayon sino sa tingin mo ang mas lalong nahihirapan?" Tanong nito habang ininom ang natitirang laman ng wine sa glass.

"Pero anong gusto mong gawin ko? Ayoko wala ako--

"Stay away from her" malalim na pagkakasabi nito pero ramdam mo ang malamig na tono.

Napabuntong hininga si Bea. "I can't"

Tinignan ni Jia si Bea ng matalim. Halata ang galit nito sakaniya at di iyon pweding itanggi. Alam ni Jia ang lahat lahat... Dahil siya ang kasama nito sa nangyari noon.

"Selfish. Hindi ka parin nagbabago. You're still the selfish animal na nakilala ko. All I'm asking is for you to stay away. Bakit ka pa kasi nandito?! Ano bang iniisip mo? Alam mo bang para kang kriminal ngayon sa paningin namin?! Ang kapal pa ng mukha mo para bumalik! After all you've done?! Tangina mo Bea" mapangahas na pagkakasabi ni Jia. Hindi na maipinta dito ang galit, ang kaninang jia na mapangasar at mapaglaro ay ngayon naging sobrang seryoso. Hindi narin maipinta ang pagkapikon ni Bea sa mga sinasabi ni Jia..

Dapat hindi siya nangengeelam samin! Problema namin to ni Jho!

"Kahit anong sabihin at gawin mo hinding hindi ako aalis dito." Nakipaglabanan siya ng titigan dito, nasa counter sila ngayon sa isang mini bar sa loob ng hotel. Dito dumiretsyo si Jia dahil alam niyang nandito si Bea.

My Amnesia Girl (Jhobea) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon