Prologue

67 16 6
                                    

PANGIT yan ang tawag kay Sarah noon. Every time na naaalala niya ang mga matatalim at masasakit na salita na ibinibigay sa kanya ay nasasaktan siya.

Well, sino ba naman ang hindi?

Dahil sa pang- iinsultong natatanggap dahil lamang sa kanya itsura ay naging mabababa ang kanyang self esteem. Naubusan na din siya ng pag asa na mayroong makikipagkaibigan at magmamahal sa kanya. Nagkamali siya doon nang makilala niya sila Kyla at Sunshine. Ibang iba ang mga ito kahit na magaganda ang mga ito. Mas lalo siyang nagbago ng pananaw ng makilala pa niya si Edward, minahal niya ito kahit batid niyang masasaktan lang siya dahil ang minahal niya ay halos isang perpektong tao.

At hindi nga siya nagkamali dahil isang araw, narinig niya ang pag-uusap ng mga kaibigan nito. Sa bibig mismo ni Edward nagmula ang mga katagang ayaw na ayaw niyang
marinig. Akala niya iba din ito katulad nila Sunshine at Kyla pero isang lang iyong akala.

Dahil sa sobrang nasaktan, minabuti niyang pumunta sa Europe at magsimula ng panibagong buhay doon.

Pagkalipas ng ilang taon, bumalik si Sarah sa Pilipinas. Ngayon ang ugly duckling at beast ay naging beautiful swan na. Babalikan niya lahat ng nanakit sa kanya at unang-una sa listahan ay si EDWARD PATTINSON.

Pagbabayarin niya ito at sisiguraduhin niyang pagsisisihan nito ang mga sinabi nito sa kanya.

Pero paano kung sa pagbabalik niya ay malaman niyang mahal niya pa rin ito?

Magagawa pa kaya niya ang planong paghihiganti dito?

Beauty is the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon