Chapter 2

32 11 1
                                    

SARAH'S POV

Dalawang araw na ang nakakakaraan simula nang makausap ko yung mga kaibigan ko

Ngayon ay papauwi na ako sa Pilipinas. Hindi alam nila Kyla na ngayon ang balik ko dahil hindi ko naman sinabi, gusto ko kasing supresahin ang mga ito sa malaking pagbabagong nangyari sa akin.

Naalala ko ang dalawang araw na nakaraan, nakakatawa yung reaksyon nila ng hindi ko sinabi kung kailan ako babalik.

Parang nakita ko ang pagsimangot at pagnguso nila Sunshine at Kyla sa kabilang linya nung kausap ko sila.

Matapos ang ilang oras na biyahe sa himpapawid, nakalapag na rin ang eroplanong  sinasakyan ko.

When i set my foot on the ground, wind gently touch my face.

Oh, how i miss this country! How long it has been since the last time i stepped on the Philippines? It has been almost 5 years.

Paglabas ko sa pinto ng airport ay nakita ko agad ang mayordoma na si
Aling Lucia.

Ito lang ang sinabihan ko na darating na ako ngayong araw sa Pilipinas. Nang makita ako nito ay patakbo syang lumapit sakin at mahigpit nya akong niyakap.

Close na close ako sa kanya, simula pagkabata ko ay sya na ang nag-alaga sa akin. Ito rin ang isa sa mga naging sandalan ko nung mga panahong iniinsulto ako ng mga taong kung makapaghusga ay animo'y walang
kapintasan at mga perpekto.

Ilang minuto rin kaming nagyakapan.

"Kamusta na ang alaga ko?" panimula
nito.

"I'm doing good Aling Lucia" sagot ko pagkatapos ay ngumiti ng pagkatamis-tamis.

"Correction, Lucy hindi Lucia" pinameywangan pa ako nito nang sabihin ito.

natawa ako sa inasal ni Aling 'Lucy'.

walang mintis talaga ang pag-tawa ko sa tuwing magkasama kami.

Nang umalis ako papuntang Europa noon, nagkadramahan pa kami ngunit ilang minutong matapos ang pag-iiyakan namin ay natawa ako sa
naging banat nito.

Dapat daw pag-uwi ko may foreigner akong pasalubong dito.

"O, bakit mag-isa ka lang yatang bumalik dito?"

"Uhmm, ako lang po talaga ang bumalik dito. Sina mama kasi at papa ay nagpaiwan doon dahil mas gusto raw nila dun. Natuwa pa nga eh dahil sa wakas makakapagsolo na silang dalawa. Biniro pa nga ako na pagbalik ko raw doon sa Europa baka nasundan na ako." patawa-tawa kong sagot

"Hindi naman sila senyor at senyora ang tinutukoy ko." napakunot ang noo ko sa sinabi nya.

Ano ang tinutukoy ni Aling Lucy kung ganun?

"Nasaan na yung foreigner na pasalubong ko? ‘Di ba sabi ko dapat pag-uwi mo may kasama kang foreigner para sa akin?" sambit nito.

Lihim akong natawa, kung ganoon naalala pa rin nya ang naging banat nya limang taon na ang nakalipas.

"Naku, pasensiya na po nakalimutan ko kasing ilagay sa box eh. Hayaan niyo po't ipapapackage ko yon agad bukas" pagsakay ko sa biro nya

Sa puntong iyon ay humagalpak na kami ng tawa.

"Siya, tayo na't magpapahinga ka pa.
Matagal rin ang naging biyahe mo at siguradong may jet lag ka pa. Pedro, Juan kunin niyo na ang mga maleta ni senyorita Sarah." utos nito sa mga kasama nya

"Pasensya na po Aling Lucy. Mauna na lang po kayo doon sa bahay. Pupuntahan ko pa po kasi sila Sunshine at Kyla eh. Dala niyo po ba yung kotse ko?"

Beauty is the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon