{01: i love you}

839 19 4
                                    

{01: i love you}

“Krystal?” Tawag ni Sehun sa kaibigan.

“Hmm?” Sagot naman ni Krystal na nakatingin pa rin sa binabasang libro.

“Krystal Jung.” Ulit ni Sehun upang kunin ang atensyon ng dalaga na walang balak na lingunin ang kaibigan niya.

“Yeah?” Bagot na tanong nito.

“KRYSTAL!” Sigaw na ni Sehun.

Naiinis na nilingon ni Krystal si Sehun. “Peste ka, Oh Sehun, ano bang proble–”

“MAHAL KITA.”

Sa pagkagulat ay nailaglag ni Krystal ang hawak na libro na lumikha ng malakas na ingay sa gitna ng nakabibinging katahimikan sa pagitan nila. Walang gumagalaw sa kanila, at nanatili lamang silang magkatitigan sa loob ng isang minuto nang muling magsalita si Sehun. “Stal, sabi ko mahal kita.”

“O?” ang tanging nasagot ni Krystal sa matalik na kaibigan.Tila hindi pa rin tuluyang pumapasok sa isip niya ang inamin ni Sehun sa kanya.

“Wala ka bang isasagot?!” Naiiritang sabi ni Sehun.

‘Di na napigilan ni Krystal ang kanyang sarili at binatukan ito. “Bakit, nagtanong ka ba para sumagot ako?!”

Tumaas ang sulok ng labi ng binata at sa oras na iyon ay alam na ni Krystal na kalokohan lamang ang naiisip nito. Akmang sasapakin niya ito nang bigla itong lumuhod sa harap niya at hinawakan ang isa niyang kamay. “Krystal Jung, do you accept Oh Sehun as your boyfriend?”

“BWISET KA, OO!”

____________________________________________________________

Annyeonghasaeyo! Nagbabalik na naman ako sa isang fanfic na SehunxKrystal ang pairing. Shipper talaga ako ng dalawang 'to ^^ 3 chapters lang 'to, I think? Sana magustuhan niyo!

This story is inspired by the song of the same title. (Listen to it on the right side!) Nung una kong nabasa 'yung title na 'yan, nakuha talaga ang attention ko. It's really catchy, for me. :) Hope you'll vote/comment!

-Xel

The Girl Who Can't Break Up With the Boy Who Can't Leave [SeStal]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon