{04: one more time} [Finale]

300 17 2
                                    

{04: one more time}

Tumunog ang doorbell ng paulit-ulit. Mabilis na pinunasan ni Krystal ang kanyang mukha habang nag-iisip ng pwedeng idahilan kina Jongin at Luhan kung bakit wala pang pagkain at wala rin si Sehun.

Pinilit ni Krystal na ayusin ang kanyang sarili. Utang niya na rin ito sa pagpunta ng dalawang pinakamatalik na kaibigan ng asawa niya.

Binuksan niya ang pintuan at naghanda na sana ng pekeng ngiti ngunit nabura iyon nang si Sehun ang makita niya sa halip na sina Jongin at Luhan.

“Se– Sehun? Ikaw… Bakit…? Nasaan sina Jongin?” Nagtatakang tanong ni Krystal.

Hindi sumagot si Sehun at sa halip ay hinawakan si Krystal sa braso atsaka niya ito hinila sa sofa bago niya sinarado ang pintuan. Gulong-gulo si Krystal sa mga pangyayari, ngunit malaking bahagi niya ang kinakabahan. Ano bang balak ni Sehun?

Lumunok si Sehun atsaka nagsalita. “May… sasabihihin ako.”

Kumabog ang puso ni Krystal. Makikipaghiwalay ba siya? Naisip niya. Nagsawa na ba siya sa kakaaway namin? Or worse… Nais maiyak ni Krystal sa naisip niya. May iba na ba siyang mahal?

“Stal, I don’t know where I’ll start–”

Huminga ng malalim si Krystal bago nagsalita. “Sehun pwede ako muna?”

Tumango lamang ito. “Alam ko na lagi tayong nag-aaway. Laging nagbabangayan. Ultimo tissue paper nga pinag-iringan pa natin eh.” Napailing si Krystal. “Siguro nagsasawa ka na noh? Sa kakaaway nating dalawa. Alam mo, ilang beses ko na ring naisip na makipaghiwalay sayo pero… ‘di ko talaga kaya eh. Se, sana…” Hindi niya na napigilan pa ang kanyang mga luha na nag-unahan sa pagtulo. “Sana… sana…”

Lumapit si Sehun sa tapat ni Krystal at pinagsalikop sa kamay niya ang mga kamay nito. “Sana ano?” Mahinang tanong ni Sehun bago inayos at iginilid ang buhok ng asawa na tumatakip na sa mukha nito.

Naglakas-loob si Krystal na itaas ang mukha niya upang harapin si Sehun. “Sana ‘wag kang umalis.” Pagkasabi niya noon ay niyakap niya ang asawa atsaka ibinaon sa dibdib nito ang mukha niya.

Hinaplos ni Sehun ang likod ni Krystal atsaka dahan-dahang humiwalay. “Stal…”

“BLAH BLAH BLAH WALA AKONG NARIRINIG!” Parang batang tinakpan ni Krystal ang tenga niya sa pagkatakot na nais na talagang makipaghiwalay ni Sehun.

Hinawakan niya ang mukha ni Krystal atsaka ito iniharap sa kanya. Pinunasan niya ang luha nito. “Stal, listen. Mahal kita. Mahal na mahal kita, at oo inaamin kong pumasok din sa isip kong umalis pero ‘di ko kaya kasi… mahal kita eh. Ikaw pa rin ‘yung Krystal Jung kong isip-bata. ‘Yung Krystal ko na nagpapasaya sa’kin. ‘Yung Krystal ko na natatakbuhan ko ‘pag may problema. ‘Yung Krystal ko na nagbigay-kulay sa’kin. ‘Yung Krystal ko na dahilan kung sino ako ngayon. ‘Yung Krystal na inaminan kong mahal ko siya sa library ng wala man lang kahit anong props, pero sinagot ako. ‘Yung Krystal Oh na mahal ko.”

Lumuhod si Sehun sa harap ng asawa. “Krystal Oh, will you love Sehun Oh forever?”

Naiiyak man ay tumawa si Krystal. “BWISET KA, OO!”

Nakangiting tumayo si Sehun at niyakap ang asawa. “I love you, Mrs. Krystal Oh.”

-Fin-

________________________________________________________________

Kekeke ~ Excited akong tapusin 'to haha XD Eto nga tapos na siya :P HUHU. OH SEHUN YOU BIAS LIST WRECKER! Rawr.

Have your daily dose of Sestal on the right ~~ Annyeong!

-Xel

The Girl Who Can't Break Up With the Boy Who Can't Leave [SeStal]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon