{02: her}

332 13 0
                                    

{02: her}

TEN YEARS LATER…

“Sehun ‘di ba sabi ko naman sayo bumili ka na ng tissue kapag dumaan ka sa tindahan?” Naiinis na sabi ni Krystal sa asawa. Ilang beses na niyang ibinilin dito ang tungkol sa tissue paper ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nito iyon nabibili.

“Ba’t ‘di na lang ikaw ang bumili kung kailangan mo na pala? Hintay ka pa ng hintay sa’kin, tapos naiinis ka dyan.” Bwisit na ring sagot ni Sehun.

Hindi na napigilan ni Krystal ang kanyang bibig sa pagsasalita. “Ano?! Aba, hoy Sehun pagbili na nga lang ng tissue paper ang silbi mo sa bahay, umaarte ka pa?!”

“Baka nakakalimutan mong ako pa rin ang lalaki rito!”

“Lalaki ka nga pero ano bang natutulong mo sa’kin?!”

Huminga ng malalim si Sehun at alam ni Krystal na kaunti na lamang at sasabog na ito ngunit wala siyang pakialam. Sa pitong taong pagiging mag-asawa nila ni Sehun ay maraming beses na itong nangyari, lalo na nitong ika-pitong taon na nila. Padalas ng padalas ang pagsasagutan nila, ultimo maliit na bagay, katulad na lamang ngayon, pinagbabangayan pa nila.

“Alam mo, maybe I’ll just leave for tonight.” Pagtatapos ni Sehun sa usapan atsaka niya kinuha ang kanyang jacket at susi ng kotse bago lumabas ng bahay nila.

Malakas ang naging pagkalabog ng pintuan nang lumabas si Sehun at nakadama ng panghihina si Krystal. Lumipad ang isip niya sa sampung taong lumipas na magkasama sila ni Sehun. Sa tatlong taong pagiging magkasintahan… Sa mga sorpresang pagbisita… Sa mga paghatid ni Sehun sa kanya sa kanyang klase… Sa mga regalong pinag-iipunan pa ni Sehun… Sa mga picnic… Sa date sa rooftop… Sa pagtatapos ng kolehiyo… Sa pitong taong pagsasama bilang mag-asawa… Sa pagtatrabaho… Sa pamamanhikan nina Sehun sa kanila… Sa paghahanda sa kasal… Sa excitement… Sa pagpili ng wedding gown… Sa mismong kasalan… Sa unang araw niya bilang si Krystal Oh… Sa matamis na pagsasama… At sa away na dumadalas ang pangyayari sa kanila.

Hindi na namalayan ni Krystal ang sunod-sunod na pagtulo ng kanyang luha. Tila isang malabong alaala na lamang ang bawat masasayang panahong magkasama sila ni Sehun. Napakatagal na nga simula noong huling nag-date sila sa mall, o kaya’y sabay na nagsimba, o kahit mag-usap man lang tungkol sa mga walang kwentang bagay na nagpapasaya sa kanilang dalawa.

Masaya. Napangiti ng mapait si Krystal. Masaya? Masaya pa nga ba siya? Masaya pa nga ba sila? Sa nakikita niya’y para bang hindi na. Para bang naglaho na sa ilalim ng mga lumang alaala ang masayang sina Krystal Jung at Sehun Oh.

Tuloy-tuloy lamang ang paghikbi niya. Ilang beses ng pumasok sa isip niya na umalis… lumayo… hayaan na si Sehun sa buhay niya. Na magkanya-kanya na silang dalawa. Tutal, sa pitong taon namang mag-asawa sila ay ni hindi sila nabiyayaan ng anak. Siguro nga, naisip ni Krystal, na isa iyon sa mga dahilan kung bakit humuhulas na ang pundasyon ng pagsasama nila ng asawa.

Sa kabila nito, kahit na ilang milyong beses ng pumasok sa isip niyang makipaghiwalay… Hindi niya pa rin magawa. Para bang may kung anong magnet na humihila sa kanya pabalik kay Sehun sa tuwing iniisip niyang makipaghiwalay.

Pag-ibig. Nangiti ng mapait si Krystal. Tama, pag-ibig nga. Pag-ibig ang ‘magnet’ na pumipigil sa kanya sa pakikipaghiwalay kay Sehun. Kahit na pagbali-baligtarin pa ang mundo, mahal niya pa rin si Sehun. At kahit na milyon-milyong problema na ang gumugulo sa kanila at araw-araw silang nag-aaway… Hindi niya maitanggi sa sarili niyang gusto niyang manatili bilang si Krystal Oh.

_____________________________________________________________

Dedicated to you!~ Yaaaaaay ;)) Kamsahamnida for commenting! ^^

-Xel

The Girl Who Can't Break Up With the Boy Who Can't Leave [SeStal]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon