I LOVE SISIG (one shot)

42 0 4
                                    

“Bakit ako? Bakit hindi na lang si kuya?”

“Gumagawa siya ng project! Dalian mo na!”

Hay. Wala na akong nagawa kundi sundin ang utos ng lola ko. Siya naman ang masusunod eh.Mas matanda eyy.

            I’m Chachi Castro. 15 years of age. Simpleng babae na may pagka-tomboy ng konti at medyo prangka. Hindi rich pero hindi rin naman poor. Sakto lang. Kaya eto, pag walang maulam, pabibilhan na lang nila ako ng paborito nilang sisig.

“Grace! ….. Grace!”,  sigaw ko sa labas ng bahay ng bestfriend ko na lagi kong sinasama kahit may pagkabaliw ng konti.

“Oh bakit?” , dungaw niya nang naka-pajama pa. Bagong gising ata. Bampira to eh! Tuwing gabi nagigising. Baliktad

“Sa-------“

“Oh wait! Alam ko na! Hintayin mo ko dyan!” , mukhang sanay na tong bestfriend ko ahh. Paano ba naman hindi eh halos araw-araw kung magpabili sila. Ewan ko ba ?! Pero ayaw na ayaw ko talaga sa sisig kahit hindi ko pa siya natitikman. Baboy lang naman yun na tinadtad then nilagyan ng kung ano-anong kaek-ekan. I hate it talaga ! Dahil yun ang dahilan kung bakit lagi akong rumarampa sa kalsada tuwing gabi. AZAR!­­­

“Ano, craving na naman sila sa favorite nila?” , nasa harap ko na si Grace wearing short shorts or I’ll just call it PANTY SHORTS. Wala eh.. Medyo flirt.

“Lagi naman eh. Tara na nga!” , hinila ko na siya papunta sa bilihan

“Ano ba yan! Walang mga pogi ngayon! Tsk!” , si Grace . Nandito na kami ngayon sa bilihan

“Tse! Manahimik ka nga! “ , landi talaga!

“Dalawang order ulit sa’yo, Chi?” , si Kuya Robert, yung may-ari ng tindahan. Oh well, magkakilala na kami. Halos araw-araw ba namang bumili eh?

“Opo”

“Dalawang order daw” , bulong ni Kuya Robert sa kasama niyang lalaki na nakatalikod at busy magluto. Mukhang bago ata.

“Okay po.” , sagot nung lalaki.

Naglaro muna ako ng kung ano-anong laro sa cellphone ko. Maraming bumibili at mas nauna sa amin kaya baka matatagalan pa. Masarap daw kasi ang sisig na tinitinda ni Kuya Robert kaya pinipilahan. Ewan ko, wala akong pake. Basta ayokong tikman yung sisig.

“Grace, anong gusto mo? A or B?”, hindi siya sumagot. May bonus round kasi tong nilalaro ko at kailangang mamili sa dalawang box then you will have a prize

“Uy” , siniko ko siya “ A or B?” , pero no response pa rin.

“OY ANO BA!” , at tumingin na ako sa kanya. Naguluhan ako sa expression niya. Tulala siya at parang gulat na ewan. Kulang na lang malaglag panga. Siguro nakakita na naman ng gwapo to. But, wait! Nakatitig siya sa harap so it means…… OH MY GOSH! Na-gwapuhan siya kay KUYA ROBERT?!Kelan pa? At ngayon ko lang nalaman na magkakagusto siya sa taong halos tatay na namin? Wooh! Gonna tweet this latuurr! Oh my gee talaga!

Pinabayaan ko na lang siya at tuloy na naglaro

“May sili po ba?” , may nagsalita. Yung kasama ata ni Kuya Robert

“Opo at------“ inangat ko yung ulo ko para makita ko siya at nakita ko sa harapan ko ang isang napaka-gwapong nilalang. Parang lumipad papunta rito sa Pilipinas si Harry Potter  at nagtinda ng sisig. Medyo hawig sila tapos may pagka-Austin Mahone like din siya! (Para sa ‘kin lang ha!) Maliit na mukha, blue-green eyes, matangos na ilong, manipis na labi, maputi, matangkad (balikat lang ata ako ehh) San ka pa diba? Lahat na ng magandang physical characteristics ng isang lalaki nasa kanya na! Tin-ry kong iiwas yung mata ko sa kanya pero ang hirap! Ang pogi ehh!

I LOVE SISIG (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon