FALSE ALARM (part 2)

70.4K 1.9K 636
                                    

"Dati... Sana..."

Masakit ang hindi mahalin ng taong mahal mo. Hindi madaling mag-move on, it takes time.

Araw-araw, nakikita pa rin kita sa school. Araw-araw kong pinipigilan ang sarili ko na tingnan ka, ngitian ka o makasalubong ka man lang. Umiiwas ako sa 'yo dahil alam kong 'yun ang mas makabubuti para sa akin, para sa atin.

'Yung puso ko ngayon? Hindi ko masasabing okay na, na naghilom na 'yung sugat. I'm still on the process of accepting what you did to me.

Ikaw, 'yung unang lalaking minahal ko at ang kauna-unahang lalaki na sinaktan ako. Ikaw, ikaw ang dahilan ng pagbabago ko. I changed for the better, I guess.

Dati, sobrang magkalayo ang mundo natin. Pero ngayon? Kaunti na lang ang distansya ko mula sa 'yo. Pero dahil sa nangyari, nagbago na ang tingin ko sa 'yo. Ayaw na kitang abutin, ayaw na kitang maging akin.

Nagpaka-busy ako sa iba't ibang academic school activities. Sumali ako sa mga contest laban sa ibang school para mawala ang atensyon ko sa 'yo. Pero parang pinaglalaruan ako ng tadhana, kahit nasaan ako hindi pwedeng wala ka.

Bakit ba 'to nangyayari sa 'kin? Lumalayo na ako sa 'yo pero itinutulak ka ng pagkakataon papalapit sa akin. Ang hirap, ang sakit at ang gulo ng nararamdaman ko.

May pageant sa school, ako ang napiling representative ng batch sa babae at ikaw naman sa lalaki. Hindi ako makatanggi dahil wala naman akong magagawa, ikaw si Mr. Popular.

Gusto kong matuwa kasi makakasama kita pero hindi ko na magawa dahil nandito pa rin 'yung sakit eh. Dati gustung-gusto kong nakikita ang mga ngiti mo. Dati kinikilig ako sa tuwing kinakausap mo ako. Dati 'yon, hindi na ngayon.

Chase's P.O.V.

Ibang-iba ka na. Hindi ka na 'yung babaeng laging pinagtitripan ng mga schoolmates natin. Binago mo ang sarili mo, nag-iba na ang pananamit mo at natuto ka ng mag-ayos ng sarili mo. Ako ba, ako ba ang dahilan ng lahat ng pagbabago mo?

Gusto kitang lapitan, gusto kitang kausapin pero iniiwasan mo ako. Kapag makakasalubong kita, nag-iiba ka ng direksyon. Ang mga ngiti kong dati lagi mong sinasagot ng ngiti, ngayon ay wala na.

Dati naman okay tayo. Dati masaya na tayo. Dati, sana maibalik ko ang dati.

May pageant sa school natin, ako ang representative sa boys. Sinabi ko sa organizers na ikaw ang piliin para sa girls dahil gusto kitang makasama, gusto kong makabawi sa 'yo.

Nang makita kita, hindi ko napigilan ang ngitian ka. Masaya ako dahil ngayon makakasama na ulit kita. Hindi ko nakita ang ngiti sa mga labi mo, sa halip ay nakita ko sa 'yong mga mata ang sakit na nararamdaman mo. Ganoon ba kasakit ang lahat? Gusto kong malaman, gusto kitang tanungin pero hindi ko alam kung paano sisimulan.

Pilit kitang kinakausap pero sinasagot mo lang ako kapag related sa pageant ang itatanong ko sa 'yo. Ang hirap pala ng ganito, 'yung parang hangin lang ang kinakausap ko.

Ilang araw ang lumipas pero hindi ka pa rin nagbabago sa akin. Iniintindi na lang kita dahil alam kong nasaktan ka, at nagsisisi ako. Gusto ko man ipakita sa 'yo kung gaano ko pinagsisisihan ang lahat, hindi mo naman ako binibigyan ng pagkakataon.

"Ano ba Sophia and Chase! Para kayong mga bato dyan! Closer and more sweetness!"

Ang awkward siguro para sa 'yo ang oras na 'to dahil kailangan natin maging sweet sa isa't isa para sa mga pictures na ilalabas bago ang pageant. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay mo at pinapawisan ka kahit malamig.

"Sophia, relax ka lang. Para naman 'to sa pageant eh."

"Hindi ko na-"

Bigla kang hinimatay, buti nasalo kita. Hindi ko alam ang gagawin ko. Binuhat kita papunta sa couch at saka pinaypayan at pinunasan ng pawis. Siguro napagod ka sa mga rehearsals na paulit-ulit kaya 'to nangyari sa 'yo.

FALSE ALARM (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon