Mahal Kita: A 3 Part Love Story 1 Love is Blind

35 2 1
                                    

Ang pag-ibig daw, unexpected. Bigla na lang daw dadating na hindi mo inaasahan. Hindi mo alam nasa harap mo na pala. Yung bang hindi mo alam na mamahalin mo siya. Magkikita kayo sa isang lugar na pagsisimulan ng love story niyong dalawa. Ang pag-ibig din daw, walang kundisyon. Walang sini-sino. Pag mahal mo, tanggap mo. Kahit ano pa siya. Anong physical appearance, anong ugali, anong gender at anong estado sa buhay. Pero paano na lang kung yung mahal mo, sinukuan mo? Ibig sabihin ba nun hindi mo na mahal kasi sumuko kana o napagod? Paano kung dumating yung araw na nag bago siya pero iniwan mo na. Ano, hahabol kapa ba?

PART 1. LOVE IS BLIND.

"Erikaaaaa! Umaga na. Nak ng pucha naman oh naka hilata kapa dyan. Late ka nanaman!" 

Etong sigaw na to ang nang bulabog sa mundo ko. Ang sarap na ng tulog eh tapos eepal? Yung totoo. Edi ayun, tuloy-tuloy na akong bumaba para mag almusal. "Ano, ganun-ganun na lang? Kain tapos sabay bihis ng uniform? Rush hour lang teh? Kadiri ka naman!" Pang bibwisit ni Joey sakin. Ang Diyosa kong kapatid. Reyna ng mga ipin sa sobrang laki. "Wala kanang pake. Ano aamoyin ako, aamoyin ako? Makiki amoy na lang mag rereklamo pa? Asar ka eh." Dali-dali akong umakyat para suklayin ng maayos yung buhok ko, nag palit ng damit at nag punas naman kahit papaano. Kahiya naman eh. Simple lang naman ako eh. Simple lang din ang buhay ko. May nanay at tatay ako (malamang). May kapatid akong ubod ng ganda sa sobrang ganda, feelingera na pero sa sa kabila ng ganda kong to, wala akong love life. Hay. Makaalis na nga. Tapos na rin naman akong mag bihis at mag suklay eh. Gorabels na. Push.

After 20 minutes, nakarating na kami ni Joey sa school. First day. Eksoited much. Ilang fafa nanaman kaya ang malalandi ko? Gosh. "Teh. Sight ko lang yung board kung anong section tayo ah. Kitakits laterboom." sabi ni Joey. Tumango lang ako bllang pag tanda na um-oo ako sa sinabi niya. Edi ako naman syempre, tingin-tingin. Hanap karir, hanap fafa ngunit walang nakita. Biglang may sumigaw sa bandang likuran ko. Ako naman tong si tsismosa, lumingon. Pag lingon ko, BOOM. "Aray!" napasigaw ako.

Mahal Kita: A 3 Part Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon