Mahal Kita: A 3 Part Love Story 2 Love is Blind

27 2 2
                                    

"Ay! Miss. Sorry. Nasaktan ba kita?" Sabi ng lalakeng naka bunggo sakin. "Umaray na nga ako tapos tatanungin mo pa ako kung nasaktan ako? Ay hindi. Ang saya nga eh. ONE MORE TIME!" nagawa ko pang mamilosopo. Pero infairness ah. Ang cute niya. Maputi. Medyo maliit pero keri na. "Ang suplada mo naman. Nag sorry na nga eh, diba?" Pero bakit ganun? Naka tingin lang sya sa isang posisyon. Hindi magalaw ang mga mata nya. Sincere? Taray. "Sige na, okay na. Excuse me na lang." Sabay alis ako. Imbyerna yun ah pero kasi ang cute eh. Pag bibigyan ko na lang. 

Maya-maya si Joey, dumating na. Magkaibang section daw kami. Siya daw Saging ako naman Mangga. Saya ng section no? Fruit salad lang ang peg. Eh ano pa bang magagawa ko? 4th year na ako. Onting tiis na lang.

*Tumunog ang bell.* Eto na, gora na. Sana may fafa. 

Pumasok ako sa classroom namin. Nakita ko si Beth atsaka si Liza. Ang dalawa kong kakilala. Hindi ko close pero kilala ko. Si Beth, isa siyang lesbian. Pero grabe pare, chix. Sayang. Buti na lang. Edi nag mukha akong alalay kapag babae to. Si Liza naman, lagi niyang kasama. Ewan ko ba dito sa dalawa. May something ata eh. Okay lang yan. Basta nag mamahalan. Hahaha funneh.

Pumasok si Ma'am. Nag check ng attendance. At may pinakilalang bagong estudyante daw sa school. Kailangan talaga special mention? Pa-star ah.

"Mr. Almendrez, halika rito." sabi ni Ma'am Sanchez. 

ABA. TARAY. SIYA YUNG CUTE KANINA. GOSH. SA WAKAS MAY FAFA NA. EWAN KO BA DITO MGA SINUMPA ATA. ANG GANDA KO KASI EH. GANDA KO EH. DIBA?

Sa pag pasok niya, may alalay siya. Bulag pala si Kuya. Kaya pala. Ako yung tipo na tao na kapag nakita ko na, wala na akong pake. Yung bang sabay mawawalan ng interes kasi napag usapan na, nasilayan na. Mga ganun ba. Edi ginawa ko, nag gupit na lang ako ng kuko.

"Erika Cortez! Stop that. That's unethical." Sigaw sakin. Taray no? Unethical daw. Pero kapag kumakain siya sa canteen nag titinga na parang akala mo isang Linggong hindi nag toothbrush. Hiyang-hiya naman ako kaya tinigil ko na.

"Mr. Almendrez, seat next to Erika Cortez. I'll assist you." 

Umupo siya sa tabi ko. Pinihit nya yung ulo niya sa pwesto ko.

"Ikaw yung kanina no?" sabi nya. "Pano mo naman nalaman, aber?" "Uso kasi mag deodorant eh." 

TAWANAN ANG KLASE.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mahal Kita: A 3 Part Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon