Hindi ko alam kung bakit palagi nalang kame nagkakaroon ng away ni Ash, ni hindi ko nga alam kung bakit at ano ba ang dahilan kung bakit palagi nalang siya galit sa akin. Ni hindi ko nga siya inaano. Wala nga ako naalala na may nagawang kasalanan sa kanya. Basta nalang pag nagkikita kame o nag kakasalubong ay inaaway nalang niya ako. O di naman kaya ay gumagawa siya ng dahilan para ipakita niya na galit siya sa akin.
Aist....grabe sumasakit na talaga ang ulo ko sa kanya. Hanggang kailan ko ba siya matatakasan sa mga bagay na wala naman talaga akong kinalaman na ikina galit niya.
Back to elementary, naalala ko pa nga noon, grade five ako at siya din. Talagang hate na niya ako, ewan ko ba kung bakit ganun nalang nang batuhin niya ako ng bola habang nag papraktis kame ng volleyball ng mga kaklase ko.
Dahil sa inis ko binato ko din siya ng bola na nahawak ko. Umabot pa nga kame sa time na nagkasuntokan habang pagulong-gulong sa damuhan. Inaawat na kame ng mga kaklase ko at dumating narin ang mga teacher namin dahil ayaw namin tumigil. At ang pinaka naiinisan ko is ng inawat na kame ng guardiya ay nakuha pa niyang tumawa at ngumisi sa akin ng mala demonyong tingin. Buwisit talaga galit na galit talaga ako pagka uwi ko ng bahay pina-uwi nalang kame ng principal para ipatawag ang mga magulang namin. Kinabukasan ay dumating nga ang mga magulang namin. Syempre kasama din kame papuntang principal's office.
Nakita ko siya kasama niya ang mga magulang niya at yung bodyguard nila na akala mo naman mga presidente ang amo kung maka protekta. Nagkatinginan kame ng gago at ang kina iinisan ko pa ngumisi lang ito. May bandahi siya sa braso niya na pinagtaka ko. Bakit siya nagkaroo nun eh wala naman akong naalala na tinamaan siya dun.
Puta napa isip tuloy ako na gumagawa siya ng dahilan para magalit sa akin ang principal o ang mga magulang ko.
Nang makapasok na kaming lahat sa loob nang opisina, sinimulan agad ng principal ang pag-uusap syempre kaming dalawa nasa may gilid naka-upo. Hindi kame pina harap ng principal kundi ang mga magulang lang namin.
Hindi na ako nakipag titigan pa sa gagong katabi ko dahil alam ko na mag-aaway na naman kame nito. Malaki ang naging espasyo namin para naman hindi kame magkaroon ng lamat dahil pag nagkataon gulo na naman.
Nakinig lang ako sa mga pinag-usapan ng mga matatanda. Dinig ko pa na halos ang mga magulang ko ang palaging nagbibigay ng opinyon at wala lang sinabi ang kabilang kampo. Para ngang wala silang paki-alam sa nangyari sa anak nilang demonyo kung bakit nagawa ng anak nila na makipag-away sa akin.
Dahil sa fucos akong nakinig ng usapan ay naramdaman ko na sumasayad sa akin ang siko ni Ash, nilingon ko ang gago at napalingon din siya sa akin.
"Pwede ba lumayo ka nga kung ayaw mong madagdagan yang pasa mo sa mukha!"ang bulyaw niya sa akin.
inikotan ko nalang siya ng mata ko at lumayo sa kanya ng kunti. Ayuko narin makipag-bangayan sa kanya dahil alam ko na lalaki lang ang bangayan namin pag isa sa amin ang mag patigasan ng ulo.
Napabuntong hininga nalang ako at nakinig sa mga usapan sa kabila. Maya maya lang ay lumabas na ang principal at sumunod naman ang mga magulang ng gago, mukhang masaya pa silang nag-uusap. Samantalang ang mga magulang ko ayon lumabas ng naka kunot ang nuo. Lalo na ang tatay ko na galit ng tumingin sa akin.
Pag-uwi namin sa bahay....
"Diba sabi ko naman sayo na ako na ang bahala sa kanya!"narinig ko ang sinabi ni mama kay tatay.
"At ano....hahayaan mo nalang siya na magkaganyan? Tingnan mo nga ang nangyari sa anak mo, naging basagulero na!" Ang galit na sinabi ni tatay.
Nag-aayaw sila alam ko at dahil nga ito sa akin. Napa upo nalang ako sa sulok na parang nanghihina. Bakit nga ba ako nagkakaganito. Natatanong ko na lang bigla kung bakit nag-aaway palagi ang mga magulang ko nang dahil sa akin.
"Kung makapag salita ka parang hindi ka rin magulang ah. Bakit kasalanan ko ba na mag kaganyan yang bata ha. Diba kasalanan mo rin naman ito. Kung hindi dahil diyan sa kinakasama mo eh hindi sana tayo ganito ngayon.!"ang bulyaw naman ni mama.
Kahit na sa taas sila nag-aaway ay nararamdaman ko rin kung paano ang masaktan sa mga pinag sasabi nila. Alam ko na kasalanan ko ito kung hindi sana ako naging ganitong anak hindi sana sila magkakahiwalay.
"Wag mong idamay dito ang ibang tao Sabel! Bakit ikaw wala ka bang kasalanan din? Diba ikaw din naman ang nakipag-hiwalay sa akin. Kaya wag mong isumbat sa akin kung bakit wala na ang pamilyang ito.!" Ang turan naman ni tatay.
Narinig ko nalang na sumara ang pinto at nagkabasag-basag na mga gamit na binato ni mama sa subrang galit.
Huminto si tatay ng makita ako sa isang sulok. Kahit na hindi ako nakatingin sa kanya alam ko na tinitingnan niya ako at ayaw kong makita ang galit sa mukha niya.
Napabuntong hininga nalang si tatay at lumabas nang bahay na walang pasabi.
Tumayo ako at umakyat sa itaas. Tinungo ko ang silid nila mama para tingnan ang kalagayan niya. Nakita ko ang mga basag na pigurin at nagkalat na mga damit.
"Ma, tama na po."ang pag papatahan ko sa kanya.
"Katulad ka din ng iyong ama....iiwan mo din ako balanga araw. Kaya umalis kana iwan mo nalang ako....!"ang sigaw niya sa harap ko. Pinag babato niya ako ng mga bagay na makuha niya.
Ramdam ko ang pakiramdam ni mama ngayon, alam ko masakit sa kanya ang malaman na mas importante na ngayon sa buhay ni tatay ang bago nitong pamilya kesa sa akin na una niyang pamilya. Pero kahit ganun paman hindi ko rin masisisi si tatay kung bakit niya nagawa ito sa amin.
Kung hindi lang si mama umalis noon at iwan ako sa piling ng mga lolo't lola ko hindi sana magkaka ganito ang pamilya namin. Mas pinili kasi ni mama ang buhay niya sa ibang bansa kasama ang mga kaibigan niya sa trabaho.
Pinigilan siya ni tatay na wag nalang umalis at alagaan ako nang bago palang ako sinilang ang kaso ay nagmatigas si mama at umalis siya at hindi bumalik ng labing-isang taon sa amin. Labis ang pangungulila ni tatay noon sa kanya. Nang dahil sa walang balita o sulat na natanggap si tatay ay kinalimutan nalang niya itong may asawa siya.
Kahit ako ay nagungulila sa isang ina, unti-unti ko din naramdaman na parang wala na nga akong ina na nagmamahal sa akin. Kaya siguro nga kinahiligan ko nalang ang mapag-isa at walang nakaka-usap o nagiging kaibigan wala narin silbing magkaroon ng kaibigan dahil iiwanan karin nito pag dating ng panahon.
Kaya nga ito na siguro ang sinabi ko sa sarili ko. Ang sinabi ni mama na baka iwanan ko din siya balanh araw. Na baka kagaya rin ako ng aking tatay na iniwan din siya.
Eh lahat naman ng tao diba nang-iiwan din. Sa sinasabi ko wala akong pinapatamaan na tao basta ang sa kung ano kang ang nasa isip ko. Totoo naman eh lahat tayo iiwanan din natin ang mga mahal natin sa buhay kung ito ay kinakailangan. Hindi lahat ng bagay dito sa mundo ay permaninte lahat nang ito ay may hangganan at ito ay babawiin sa atin ng panginoon lalo na ang buhay na hiniram lang natin sa mundong ito.
Pero ito lang ang masasabi ko sa mama ko na nasa harap ko ngayon at tumatangis, nagkakamali siya hindi ako kagaya ng tatay na iiwana siya. Kahit na iniwan niya ako noon at hindi manlang naramdaman ang pag-aalaga niya sa akin noong sanggol palang ako ay nauunawaan ko siya. Mahal ko siya kahit hindi niya ako mahal. Ina ko siya kaya mahal ko siya, siya ang nagbigay sa akin ng buhay, kasama na ang itay. Nag papasalamat parin ako sa kanya sa kabila ng mga araw na hindi niya pinapadama sa akin na mahal niya ako, kung hindi dahil sa siyan na buwan na pagtitiis niya ay hindi ko mararanasan ang mundong ito, hindi ko masisilayan kung gaano kaganda at kung gaano kasama ng mundo.

BINABASA MO ANG
The Boys Series: MY BEST ENEMY is my lover?
RomanceIt's a boys series. Hango sa kwento nang dalawang taong magka-galit at hindi kailan magkakasundo kilalanin si Blake at Ash. Tunghayin natin kong hanggang saan nila kayang ipakita sa isa't-isa na wala sino man sa kanila ang mag papatalo. Pero paano n...