Ang muling pag-uusap

189 6 4
                                    

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa isang hampas ang pumukaw sa umaga ko.

Sa mukha ko pa talaga tumama hu?

"Wake up!" isang masamang impakta ang nakatitig sa akin sa harap ng pinto. Naka sakbit sa balikat niya ang tuwalya at ang kanyang uniporme na halatang maliligo.

"Ano?"ang walang gana kong tanong sa kanya. Nag nag uunat-unat pa ako ng kamay at babangon ng sumigaw nalang ito bigla na ikinahulog ko sa higaan.

"Anong ano! Dimo ba alam walang tubig sa banyo dahil barado kaya bumangon kana diyan at ipag-igib mo ako ng tubig!! Late na ako!!"ang pag aalburoto ng ulo niya. Kainis talaga ang babae na'to kung hindi ko lang kapatid to. Naku!...

Aw hindi ko nga talaga siya tunay na kapatid anak nga naman pala siya sa unang asawa ni tita. Si sissy lang naman ang anak nila tatay at tita nang magsama sila 2 years from now.

"Ano! Bumangon kana diyan at mag-igib ka!?"ang bulyaw niya habang naka pamewang. Tsk. Akala mo naman kung sinong sinyorita sa bahay.

"May sinasabi ka?"ang sita niya sa akin habang papalapit sa kinatatayuan ko.

Aba mukhang hindi lang impakta, madam auring pa.! Hahaha...

'Wala sabi ko maghahanda na para maigiban ka ng pampaligo mo."ang rason ko na may kasamang pakitang-tao smile.

"Good."at sabay alis sa kwarto ko.

Iniwan pa talaga naka bukas ng pinto. Pa senyorita talaga.

Habang nasa klase.....

"P're mukhang bad mood tayo ngayon hu?"si Rick na kadarating lang galing sa labas. "Gusto mo nang Cola?"nilahad niya sa akin ang Cola. Galing pala siya ng canteen. "Bigay nga pala ito sa akin nang mga girls diyan sa labas, inaabangan pala ako kanina."ang sabi niya habang pailing-iling pa. Inabot ko na lang sa kanya ang Cola na akala ko binili niya.

"Salamat."ang sabi ko lang sabay open sa can.

Nang maopen ko na ang can biglang sumirit ang laman ng can at napunta sa mukha ko.

"Hahahahaha......"si Rick.

"Shit! Ano to?"ang irita kong sabi sa kanya?

"Hahahaha....sorry."

"Pinag titripan mo ba ako?"naiinis kong tanong sa kanya.

"Sorry ang seryuso mo kasi kanina kaya nagawa ko yan.?" Inirapan ko siya at binalik ang Cola sa kanya.

"Sayo nalang yan wala na akong gana."tumayo nalang ako para maglakad-lakad nalang sa labas kesa pa sa magalit nang tuloyan dito kay Rick at masapak ko pa ng di-oras wag naman sana.

"Oi teka lang."tumigil ako sa paglalakad ng maramdaman ko ang kamay niya. Nagkatinginan kameng dalawa sa aming mga kamay.

Makikita sa mga mukha namin ang pagka gulat. Bakit kaya nagulat siya dati pag inaakbayan niya ako habang naglalakad kame normal lang. Pero ngayon hindi siya makatingin sa akin ng diretso. Ano kaya nangyari sa kanya?

"Aham.."tumikham ako dahil hindi na tama kase ang tahimik na niya ngayon. Kanina lang pinag titripan niya ako. Ngayon naman ang tahimik na. Nakakapinabago naman. Tiningnan ko ang kamay ko na kanina lang hawak niya. May mga tanong tuloy sa akin kung bakit napatameme ko si Rick.

"P're okey lang?"ang pagbasag ko sa katahimikan? Wala parin ako nakuhang sagot sa kanya. Ano ba nangyari sa taong to? "Hoy pare!"

"Ano ba naman Blake bakit mo'ko sinigawan?"ang reklamo niya ng sinigawan ko siya malapit sa tenga niya. Ginawa ko lang naman yun baka kase di niya ako narinig. "Tara na kase ang loading ka na naman!"ang pag biro ko pa sa kanya at hinatak ko siya papunta sa kung saan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Boys Series: MY BEST ENEMY is my lover?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon