Saan ako pupunta?

175 5 0
                                    

Makalipas ang isang linggo.

Hawak ko ang isang PSP na bigay niya sa akin.
Teka..... sa kanya ba talaga ito galing. Baka....siguro....
Noong gabing umuwi hinatid ako ng driver nila blake palabas na sana ako ng sasakyan ng tawagin ako nito. Binigay niya ang isang supot na may lamang kahon. Ito yung binalikan ni blake sa toy store bakit niya ito ibibigay sa akin.

"Mang kanor..."ang nasabi.

"Pinabibigay niya sayo..."at yun lang ang sinabi ni Mang kanor. Nakatayo parin ako sa may gilid ng kalsada habang tinatanaw ang papalayong sasakyan.

Tiningnan ko ulit ang hawak kong kahon. Binuksan ko ito at nakita ko isang box na may naka lagay na PSP. Sa di malamang dahilan napa ngiti nalang ako habang tinitingnan ko ang malayo nang sasakyan.

"Salamat...."ang tanging nasambit ko nalang...sana kahit wala siya sa harap ko, sana ang hangin nalang ang magdala ng pasasalamat ko sa kanya kung saan man siya naroon.

"Blake..."lumingon ako sa tumawag ng pangalan ko.

Lumapit ako sa kanya.
"Ano po yun?" Ang tanong ko sa kaharap ko ngayon. Umiinom siya ng isang basong alak na bawal dapat ito sa kanya.

"Bukas darating ang iyong ama dito.. ..."ang sabi niya sabay lagok sa natitirang alak.

"Bakit po?"

"Sumama ka na sa kanya."

"Po!?"ang biglang sambit ko.

"Narinig mo naman ako diba? Sabi ko sumama kana sa ama mo."ang sabi niya.

"Pero bakit po?"ang unti-unting nanghina sa boses ko.

"Pag sa ama mo. Magiging maganda ang buhay mo dun. Aalagaan ka niya. Pag dito ka sa akin. Wala kang mapapala. Kaya wag ka nang maraming tanong. Sumama ka nalang! Alam ko naman na pag sa ama mo magiging masaya ka dun at magiging maayos ang takbo ng buhay mo. Ako.. wala...wala akong silbing ina sayo..kaya Wag ka nang marami pang tanong huh! Sige na. ALIS NA!!"Tinataboy na ba ako ng sarili kong ina? Bakit ganun hindi na ba talaga niya ako mahal? Wala na ba talaga siya pagmamahal sa akin?

Tumulo nang tuloyan ang aking mga luha, habang tinatahak ang labas ng bahay.

Ayuko na, sawa na ako sa buhay ko...bakit nga ba nararanasan ko ngayon ang kapalaran na ito. Hindi ito ang gusto kong makita sa tanang buhay ko. Nagkamali ba ako sa pagpili ko ng mga magulang ko. Mali ba ang ibinigay na mga magulang sa akin ng diyos o sadyang pagsubok lang lahat ito para masubokan kung gaano ako katatag sa buhay ko ngayong ito.

Walang hinto kong tinakbo ang baybayin ng dagat...gusto kong mapag-isa ngayon...wala akong paki kung gaano man kalayo ang tinakbohan ko basta ang makalayo lang sa lahat.

.......

Dunating na nga ang araw nang aking pag-lipat.

Napag desisyonan ko kasi na sumama nalang ako sa tatay, tama si mama kay tatay baka nga dun magiging mabuti ang kalagayan ko.

Naka-upo ako malapit sa bintana nang kwarto ko. Sinusulit ko mona ang pananatili kahit sa ilang saglit lang bago ako umalis.

Talagang ma mimiss ko ang lahat dito sa bahay...ang kwarto ko ang bakuran kung saan ako naglalaro kapag na bobored ako at ang mama syempre. Ma mimiss ko siya ng subra kahit alam kong wala siyang pakialam sa nararamdaman ko sa kanya.

"Blake...tapos kana ba..halika na at baka mahuli pa tayo sa biyahe." Ang tanong ni tatay sa akin.

"Nandiyan na po."sinukbit ko ang aking backpack at lumabas na ng kwarto. Bago ako umalis isang sulyap mo na ang aking ginawa sa buong kwarto ko bago ko ito lisanin. Hay..nakaka panghinayang talaga na iiwanan ko na ang lahat dito.

Bumaba ako ng hagdan at nakita ko si mama na umiinom na naman ng alak.
"Aalis na kame sabel ng anak mo."ang huling sabi ni tatay kay mama. Walang reaksyon si mama sa kanya nagpatuloy lang siya pagsalin ng alak niya sa baso.

"Ma..." nakita ko na huminto siya saglit "...aalis na po ako. Ingatan niyo po ang sarili niyo dito wag po kayong mag-alala dadalaw po ako." At sa huling sinabi ko. Niyakap ko siya kahit hindi man niya ako yakapin atleast mapadama ko sa kanya na mahal ko siya.

"Tayo na blake baka mahuli pa tayo ng trenm."at yun na nga lumabas na kame ni tatay ng bahay..walang lingon-lingon siya ng makalabas na kame ng bahay.

Sa pag-alis namin unti-unting nauubos ang mga luha ko sa kakaiyak.

"Tahan na blake...wag mo nang iyakan ang ina mo. Magkikita pa naman kayo."

Sumakay na kame ni tatay ng pang huling tren.

At dun ko narealise na ngayon unti-unti ko nang mababago ang buhay ko.

...............

Makalipas ang halos isang taon...

Masasabi ko na naging maayos ang pagtira ko sa bagong pamilya ko. Masasabi ko na mabait naman ang bagong asawa ni tatay na si tita Marta at ang mga anak nitong si Cassey na sampung taon na at ang panganay na si Holly. S Holly ay kasing edad ko lang at iba ang kanyang ama. Unang anak siya sa unang asawa ni tita Marta.

Paakayat ako ngayon ng kwarto ko dahil may pupuntahan daw kame ni tatay na siguradong ikatutuwa ko daw. Kaya naman napa-isip ko, baka kay mama kame pupunta ni tatay.

Mga isang oras din ang biyahe namin ng makarating kame sa isang lugar na hindi ko kilala.

Saan na kame?

Bumaba si tatay ng sasakyan kaya naman bumaba narin ako. Doon ko lang na kita kung ano ang lugar na ito. May malawak na bakuran at may nakapalibot na dalawang fountain sa magkabilang kanto. At may isang nakatayong gusaling masasabi ko na parang building na ito sa laki.

Napa sulyap ako sa kalangitan dahil gusto ko makita ang kabuoan ng gusali. Namangha talaga ako sa laki nito grabe at ang dami pang mga tao sa loob. Makikita mo kasi pag sa labas ka ang mga tao sa loob kung ano ang ginagawa nila doon.

"Nak!"si tatay

"O-opo andiyan na tay."tumakbo ako kung nasaan si tatay at naglakad ako kasabay siya.

Nakaupo ako sa labas ng principal's office diko nga alam kung bakit. Pero maya-maya lang lumabas ang babae siguro ko secretary siya ngumiti siya sa akin at sinabing pumasok daw ako.

"Blake anak. Naka enroll kana and this is Mr. Principal this is my son blake Rondesa." Nakipag kamay ako sa principal at ganun din siya.

"Don't worry Mr. Rondesa wala kayong ikababahala dito sa amin paaralan. Maayos at maganda ang security dito at ang mga mag-aaral magalang at masunurin."ang pahayag niya sa tatay. Laking ngiti naman ni tatay ng sabihin sa kanya ang sinabi ni principal.

"Natutuwa po akong malaman yan."ang sagot naman ni tatay.

-"Sir?"ang secretary.

"Yes Ms.Torez?"sabi naman ni principal.

"Sir nandito na po si Mr. Magallanes. Papasukin ko na po ba.?"ang tanong niya.

"Pakisabi maghintay lang sandali."

-"ah Mr. Principal aalis narin po kame baka importante ang pakay po sa inyo."ang sabi ni tatay.

"Ah ganun ba. Ah okey sige...so sa uulitin."at yun nag kamay mona sila at ako bago kame lumabas.

Pagkalabas namin ni tatay, syempre siya mo na ang lumabas sumunod ako at ng makalabas na ako nahagip sa kaliwa ang isang lalaking nag yoyosi. Shit! Kilala ko yun ha? ano kaya ang ginagawa niya dito at nandito siya?

Tinawag ako ni tatay dahil nakatayo at nakatingin sa lalaking nakatalikod aa akin.

Wow ha! Ang laki na nang pinagbago niya. Mga isang taon palang ang nakaraan at ngayon talagang ang laki na nang pinagbago niya. Alam ko na siya yun hindi ako magkakamali. Si Ashton Magallanes, siya ang lalaking iyon.

"Blake ano ba! Alis na tayo!."ang pagtawag ulit sa akin ni tatay.

"Opo nandiyan na po."ako.

Hindi ko nalang pinansin pa ang kung ano pa man ang nasa kay Ash basta ang makita lang siya ay ayos lang.




The Boys Series: MY BEST ENEMY is my lover?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon