Prologue
“You took my heart away with you and I want it back!!! At syempre hindi ako papayag na hindi ka kasama, kaya babawiin ko puso ko KASAMA ka!”
Ito ang naging pananaw ko mula nang iwan ako ni Kian, ang tanging lalaking alam kong minahal ko ng totoo. Yeah, ang drama ko, bago ito promise. ^^
Magandang lahat lahat sa inyong lahat! Ako nga pala si Trisha Samantha Montañez, labing walong taong gulang, mula sa pinagmulan ninyong lahat wala nang iba pa kundi ang natatanging perlas ng silangan kung saan mayroong pitong libo’t isang daan at pitong isla na hiwa-hiwalay ngunit dahil sa aking sipag at tyaga ay napag-isa na rin sa pamamagitan ng satellites ng TRACY TELECOM, at kung hindi ninyo natatanong ay namimigay ako ng CELLPHONES!
Dahil naniniwala ako sa kasabihan na “Sa Tracy Telecom, abot mo na ang mundo, reach mo pa ang Pluto.” Pero nakakalungkot… BAKIT SI KIAN HINDI KO MAREACH!!! >.< kaasar.
Teka, baka naman kasi iba ang tinatangkilik na telecom niyon… pero hindi eh, sa pagkakaalam ko, eh BINIGYAN KO SIYA NG CELLPHONE AH?! Latest unit pa nga un eh, may simcard na, kumpleto ang features, 30 GB pa ang memory nun na pinuno ko ngmga pictures ko at namin, alam ko naman kasing kikiligin iyun pag nakikita niya lagi ang pictures ko, hindi lang niya pinapahalata sa akin, NAHIHIYA SIGURO, hihihi.
Oo nga pala, pag may nabasa kayong agaw eksena sa love story namin ni Kian babes, siya nga pala si Cloud Trevor Villanueva, Trev na lang, pinaka-matalik “daw” na kaibigan ni Kian. Sus, di talaga ako maniwala. Pero ayun nga, siya lang naman ang gagamitan ko ng aking SPECIALTY, I’m gonna blackmail him para balikan ako ni Kian, and I’m really more than willing to risk everything to have Kian back…
…WAG LANG TALAGANG GAGAWA SI TREV NG IKASISIRA NG PLANO KO, isasabit ko talaga siya sa satellite ng Tracy Telecom sa Pluto!!!!...
Just to remind you nga pala, this is my time to shine! Ako na ang bida sa storyang ito kaya mahalin nyo ako!!! Pero oi ha, walang magtatampo if i can’t love you back, si Kian lang loves ko eh. *evil laugh*
Ngayon, kung hindi ninyo naintindihan, text ko na lang sa inyo, siguraduhin nyong maganda ang unit ng cellphones nyo ha!! or mas better eh basahin nyo na lang itong storya ko…
PWEDENG PWEDE ANG KILIGIN, BAWAL LANG MANG-AANGKIN! ^_^
Happy Reading! Ü
YOU ARE READING
The Sweetest Blackmail
Novela Juvenil"I'll get you back, the sooner the better." Ito ang panata sa sarili ni Tracy sa kaisa-isang lalaking kinababaliwan niya--Si Kian at handa siyang suungin lahat mapasakanya lang muli ang binata, yung tipong kahit lantaran na siyang inaayawan nito ay...