TL2M(3/3/17)

29 7 1
                                    

Andito na ko sa school ngayon. Sinalubong ako ni Gabalfin at tinanong ako kung may ticket na daw ako. Ang sabi ko wala pa. Kaya sabi niya bumili na daw ako dun sa classroom ni sir Deguzman.

Yung ticket na yun para sa MAPEH subject namin.

Friday ngayon kaya walang science sa halip ay ES P ngayon.

Sinulat niya nanaman yung topic namin for the day.

Yun parin naman. Ang tungkol sa sekswalidad.

Natapos ang lesson ni maam at si Maam Velches na ang sunod.

Hinanda ko yung e rerecite ko mamaya, recitation kasi namin ngayon.

May mga ilan na tapos na mag recite.

Katherine san papel mo?- tanong sakin ni Mindo

Inangat ko naman yung papel ko. Kinuha niya ito. Para daw kami na yung next batch na mag rerecite.

Nung inabot na ni Mindo yung papel ko kay maam,sinilip ko ito.

Lintik!

Grabe sila oh, inuna talaga pangalan ko... - sabi ko kanila Mindo.

Nag tawanan lang sila.

Wahahahaha! Nasa huli yung akin.- sabi ni Elay.

Hinuli ko yung amin ni Baylosis eh. - sabi pa ni mindo.

Nag antay kami ng mga ilang minuto pa, akala ko ako talaga yung uunahin ni maam pero.

Baylosis.- sabi ni maam Velchez

Wahahahhahaa! - ako naman ang tumawa ngayon.

Nag recite na si Baylosis at nagulat ako ng bigla siyang tumawa ng malakas. At hindi lang basta tawa. Tawang pang mang kukulam.

Natawa nalang ako at yung iba mga kaklase ko.

Sumunod sakanya si Beriso then Mindo at Ako. At ang huli si Napoles.

Sa sumunod na 3 subjects wala namang masyadong kaganapan at normal lang.

Last subject..

AP

Sinabihan ako ni Peligro na pag reportin daw yung mag rereport kahit wala siya.

Kaya naman sinabihan ko na si Beriso at Apin.

Matapos nilang idikit yung kanilang visual nag umpisa na silang mag report ang kaso wala masyadong nakikinig. Kadalasan ng boys sa likod ay nag dadaldalan. Nainis si Apin kaya sumigaw ito.

Naiintindihan niyo ba?! - sigaw ni Apin

Medyo tumahimik yung iba pero merong mga ilan na tumawa. Like Delute.

Natapos yung report nila na hindi nawawala ang bangayan ng mag asawa na si Apin at Deluge wahaha.

Time skip....

Nandito na kami ni Beriso ngayon sa Triangle mall. Nandito narin sila, Macabudbud, Fullente at Alfelor at Buen. Wala pa sila Apin, Panilio, Dadis, delo Santos at Napoles.

Tinignan ko yung dati naming pwesto/ tambayan ni Beriso pero may naka upo. Bayan, no choice dito muna kami sa gilid. Nilapag namin yung bag namin at naupo ako. Nilapag lang din nila Alfelor yung bag nila at sinabihan kami na bantayan muna dahil may bibilhin lang daw sila sa badget lane.

Teka lang ah silipin ko lang dun sa food court. - paalam ko kay Beriso na kasama kong naiwan dito.

Pag ka dating ko ng food court nilibot ko ng mata ko ang kabuuhan nito. Nahagip ng mata ko ang ilan sa mga kaklase namin. Sila Peligro,Opriasa, Mindo, Gabalfin, Garbilao at Palino.

Garbilao! Alam mo na ha...- sabi ko habang naka tingin sa baunan niya na madami ang ulam. May hatdog at itlog.

Ano?! - sabi niya sakin. Tsss sungit.

Ano Katherine? Nag lalaway ka nanaman diyan... - sabi ni Mindo sakin.

Hahahaha...- nag tawanan lang yung iba.

Ikaw lang mag isa? -  tanong sakin ni Peligro.

Hindi kasama ko sila Beriso at yung iba pa. - sabi ko sakanya.

Tinignan ko yung kasunod na mesa nila, walang nakaupo.

Ahh, - tanging nasabi niya.

Wait lang ah, ireserve niyo yang lamesa tatawagin ko lang si Beriso. - sabi ko sakanila.

Oh sige bilisan mo na. - sabi ni Mindo.

Pagka balik ko sa pwesto namin kanina si Beriso parin ang nandun. Wala pa yung iba.

Tara lipat tayo dun. Andun sila Peligro. - sabi ko sakanya.

Pano to? - sabi niya sabay turo sa mga bag nila Alfelor.

Ay oo nga pala pinabantay yan samin.

Iwan natin. - sabi ko.

Kumunot yung noo niya sa sinabi ko.

Wala akong nagawa kaya naupo nalang ako uli sa pwesto ko kung san nakalagay yung bag ko.

Mga ilang sandali dumating na rin sila Apin. Nag selfie selfie lang kami. Hahaha.

....

Naisipan naming bumalik na ng school. Habang pababa na sana kami, tinawag kami nila Shanel nandun sila sa elevator. Huh eh isang floor lang naman. Tsss, ang lakas ng trip.

Tinawag ko sila Beriso at Apin na bababa na sana ng hagdan.

Ayaw sana ni Apin pero pinilit ko.

Ang kaso wala rin, di kami nag kasya sa elevator.  Nung nakababa na kami hinawakan ko si Joslyn at hinila papuntang budget lane. Bibili kaming pagkain. Nag paalam kami kanila Apin at nauna na sila.

....

Habang nag lalakad kami papuntang school biglang nag salita si joslyn.

Hulaan ko si Llarenas, Gonsalvo at Nicolas yun..  - sabi niya. Aba ang galing naman ng babaeng to. Muski ang layo layo nakilala parin niya

Wow ang galing mo pano mo naman nahulaan? - sabi ko sakanya

Simple lang, si Nicolas laging nakahawak sa sabitan nung bag niya tapos si Gonsalvo laging nakayuko tapos si Llarenas.... - sabi niya

Si Llarenas? - tanong ko.

Si Llarenas maliit hahahaaha.. - sabi niya.

Hahaha sabi na eh...

Llarenas! - tawag ni Beriso kay Llarenas.

Nag chika chika kami ng saglit at tsaka umalis.....

....

Andito n kami ngayon sa tapt ng school sa gate.

Pinakita muna namin yung ticket namin bago kami makapasok. At chinicheck yung bag.

Naupo na kami sa bakanteng upuan. MEDYO konti pa yung mga tao. Nakita namin sila Alfelor nandun sila sa may bandang unahan. Maya maya nagulat ako na nasa tabi na namin sila.

Maya maya oa napansin ko yung crush kong babae nasa haralan siya namin. Ahihihi ang ganda niya.

Napansin din nila Alfelor yun at inasar nila ako. Nandun naman sa may bandang likod sila Gabalfin at yung mga kasama niya kanina sa food Court. Akala ko nauna na to samin?

Mga ilang sandali mula nun nag umpisa narin yung mga nag sasayaw.

...

Natapos na yung mga kumanta at nag sasayaw. Sa wakas uwian narin. Kahit nakaupo na ko napagod parin ako... ang ingay din kanina tili ng tili yung iba. Tsss ka school mate lang naman namin yung mga yun. Ok sana kung BTS group yun eh, payag ako mag gasgas ng lalamunan.

VERDITETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon