CHAPTER 2❌

687 21 0
                                    

Chapter2~DeadUniversity

Kurt's Point of View

Nagising ako na nakatali ang paa at kamay ko, nasan ako? bigla na lang nag flashback ang lahat ng nangyare bago ako mapunta dito.

FLASHBACK:

Bigla na lang na wala ang matandang lalake sa harap namin, at yun ang ikinagulat naming tatlo, pero mas lalong lumaki ang mata namin ng makita ng mismong mata namin sila Patrick at Micah pati narin si Ace na bumagsak.

Hindi namin alam kung bakit nag kaganun, maya-maya may kakaiba na akong nararamdaman, hindi ko maintindihan kung ano 'to.

Kasabay ng pag kalabo ng mata at pangangatog ng aking tuhod na ikinabagsak ko at tuluyan na ako nawalan ng malay.

End of Flashback

Nasan ako? tanong ko sa aking sarili. napansin kong ako lang mag isa dito sa room na napaka dumi at alikabok, wala ako masyadong maaninag dahil sobrang dilim dito, halos yung sa labas ng pinto lang ang nag bibigay ng konting liwanag sa loob.

Dahan dahan akong tumayo, namamanhid pa din ang mga paa ko pero kailangan ko hanapin sila.
Nasan si zoey? sana ok lang silang lahat. nag aalalang tanong ko sa sarili ko.

Bwiset, malaman ko lang kung sino ang walang hiya gumawa nito samin, baka mapatay ko siya. gigil na lumabas sa bibig ko.

Wag na wag lang nila masaktan si Zoey kung hindi baka pag sisihan nila.

Nikki's Point of View

Onti-onti kung minulat ang aking mga mata, bakit di ako maka galaw, bigla na lang ako nakaramdam ng takot at kaba.

Gusto kung sumigaw, pero alam ko mag sasayang lang ako ng laway at boses, alam ko naman walang makakarinig sakin. nagulat ako ng iangat ko ang aking ulo, nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang nasa harap ko.

"Ikaw ang may gawa samin nito? bakit?" tanong ko dito.

Ngunit wala itong sinagot, ngumiti lang ito at onting-onti lumalapit saakin, hindi ko alam kinakain na ako ng sarili kung takot, hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa to.

"Bakit mo to ginagawa? wala akong kasalanan sayo!" sigaw ko dito.

Ngunit nakaramdam ako ng sobrang kaba ng bigla itong sumeryoso.

"Wala kang ginawa, nakalimot kana ba!" tinignan niya ako ng masama at sabay may tinurok sa akin, hindi ko alam nakaramdam ako ng pagka balisa at pag hihina.

Naramdaman kona lang ang antok, kaya naman pinikit ko ang aking mata. nakita ko ang huling ngiti sa kanyang labi at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Zoey's Point Of View

Onti-onti kung minulat ang aking mata, napansin ko na hindi pamilyar ang paligid, nilibot ko ang aking paningin, sobrang dilim dito, hindi talaga pamilyar ang lugar nato sakin.

Maya-maya bigla kona lang naalala ang lalake at babaeng palapit sakin kanina, ngunit hindi ko ito makilala. sino sila? bakit nila ginagawa to?

Napahawak ako sa aking bibig, dahil sa aking nakita sa di kalayuan, Meron isang babaeng naka bigti, hindi ko alam kung ano ba dapat maramdaman, ngayun ay kahit nakatali ang aking paa ramdam ko ang mga tuhod kona nanginginig.

Nararamdaman kung tumutulo na ang aking luha, biglang nawala ang tapang ko, hindi ko maintindihan anong klaseng lugar to? bakit may mga ganto dito? bakit kami napunta sa lugar nato? sunod sunod na tanong ko sa aking sarili.

Una pa lang pakiramdam ko may mali sa mga nangyayare, may mali sa lugar nato, hindi nga ako nag kamali.

Nag aalala ako para sa mga kaibigan ko, nasan kaya sila? sana ok lang sila? hindi ko alam kung paano ko sila hahanapin kung ganto ang aking kalagayan.

SomeOne's Point of View

Natutuwa ako dahil sa tagal ng panahon ngayun lang ulit ako naging masaya.

"Good luck para sakanila" Tumawa ako ng malakas, matagal na akong nananabik na muling mag laro, ngayun ay mag sisimula ulit ang pinaka magandang simula sa aking paaralan.

"WELCOME TO DEAD UNIVERSITY"

Ace's Point of View

Fuck kanina kopa sinusubukan tanggalin yung tali sa kamay ko, pero hindi man lang makalag-kalag.

Shit, malaman ko lang talaga kung sino ang may gawa nito, babasagin ko talaga muka niya. sabi ko sa aking isip.

Hindi ako takot sa dilim, ang kinatatakot ko baka saktan nila ang mga kaibigan ko, hindi ako pamilyar dito kaya naman mahirap isipin kung saan ko sila hahanapin kung sakali makawala ako.

Sobrang weird ng lugar nato, hindi ko alam ang lakas ng bad vibes dito.

Wag lang nila magalaw galaw si zoey, baka makita nila si kamatayan ng maaga. sabi ko habang sinusubukan pa ding tanggalin ang tali sa kamay at paa ko.

Inangat ko ang aking tingin, may nakita akong lalake naka tayo sa dikalayuan saakin. para siyang baliw dahil tumatawa ito mag isa, habang nakatingin saakin.

Nakaramdam ako ng kaba, dahil nakikita ko ang kanyang hawak na palakol, palapit ito ng palapit, pero hindi ko makita yung muka niya, dahil madilim dito at naka yuko pa siya habang nag lalakad palapit sakin.

Bigla na lang tumaas yung mga balahibo ko ng bigla siyang nag salita, nakaka kilabot, ang mga lumabas sa kanyang bibig.

"Masaya ba kayo? pasensya na kung marahas ang salubong namin sainyo, opps paalala ko lang wag kayo masyado makampante, dahil hindi pa nag sisimula ang tunay na laro, again welcome sa Dead University" saad nito at sabay tumawa ng malakas.

"Bitch, san mo dinala ang mga kaibigan ko? wag na wag niyo sasaktan mga kaibigan ko kung hindi ako ang makaka laban niyo." sigaw ko sakanya, kaya naman tumigil ito sa pag tawa.

"Ace matapang kapa din talaga, bilib na ako sayo!" ngumingising saad nito.

Shit, paano niya ako nakilala? sumasakit na ulo ko kakaisip, anong klaseng lugar ito? anong klaseng mga tao ang meron dito? bakit kami nandito? paano niya nalaman ang aking pangalan? lalong sumakit ang aking ulo dahil sa sunod sunod na tanong ang pumapasok sa isip ko.

"Alam ko kung ano iniisip mo, pero hindi pa kita masasagot sa ngayun, mag hintay ka lang lahat ng tanong mo sa isip, unti unti mo yun malalaman, pero sa ngayun mag pahinga ka muna!" napatingin ako sa nilabas niya, bigla syang may tinurok saakin at kasabay nun ang bigla na lang ako na manhid, at naramdaman kona ang antok, tumungin ako sakanya at dahan dahan naipikit ang aking mata, narinig kopa ang huli nyang sinabi bago ako nawalan ng malay.

"Nais ko sana i welcome kayo ng maayos, ngunit hindi ko nagawa!"

~Dead University

Dead University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon