CHAPTER 3❌

510 17 0
                                    

Chapter3

Zoey's Point of View

Kanina pa ako nangangalay, dahil sobrang higpit ng pag kakatali sa mga kamay ko. hindi kona alam kung saan paba ako kukuha ng lakas, hindi ko mapigilan hindi makaramdam ng kakaiba, kaya naman nag palinga-linga ako, sobrang dilim sa paligid ko, pero hindi ko alam feeling ko may nag mamasid sa mga ginagawa ko.

Pumikit ako, at tinigil ko ang aking ginagawang pag tanggal sa mga tali sa kamay ko. paano ako aalis dito? nasan ang mga kaibigan ko? bakit kami nandito? sunod sunod na tanong na pumapasok sa utak ko. tama nga ako mali ang pakiramdam ko sa lugar nato, una pa lang pakiramdam ko may mali na.

Naalala ko yung babae at lalake palapit sakin bago ako mawalan ng malay. sino sila? bakit ganto ang mga nangyare samin? sumasakit na ang ulo ko.

Maya-maya nagulat ako dahil biglang may malakas na tunog na nanggagaling sa labas ng pinto, ano 'yon?  may naramdaman akong kakaiba sa loob ng kwarto, may nakita akong anino, hindi ko alam bigla akong kinabahan. ngayun ang alam ko, hindi ako nag iisa sa kwartong ito.

Joy's Point of View

Kanina pa ako nag lalakad sa madilim at maalikabok na lugar nato, ano bang klaseng school 'tong pinasok namin nakakatakot.

Nasan naba sila? gusto kona makaalis dito.

"Zoey, Nikki, Micah, hey guys, nasan naba kayo? Natatakot na talaga a-" hindi ko natuloy ang aking pag sigaw, dahil sa aking nakikita.

"Ahhhhhhhhh!" malakas na sigaw ko.

Bigla na lang nangatog ang aking tuhod, at bigla na lang ako na iyak, nang hihina na ako, pagod na pagod na ako. hindi ako makaalis sa kinakatayuan ko, para akong napako natatakot talaga ako.

Nakita ko ang isang lalake, papalapit sakin na may hawak na itak at puro dugo 'to.

Hindi ko alam kung ano ba dapat kung gawin, nangangatog na ang tuhod ko, dahil sa takot. mas lalo nadadagdagan ang aking takot, dahil itong lalake na papalapit saakin, napaka sama ng tingin niya at halos parang gusto na niya akong patayin.

Nagulat ako na may humatak sakin papunta sa room na walang katao-tao at madilim, gusto ko sumigaw pero hawak niya ang aking bibig, hindi ko alam pakiramdam ko dito na ata ako mamamatay.

Ang bilis ng tibok ng puso ko, para na talaga ako mamamatay. bakit ba kasi kailangan namin to danasin? ayoko ng ganto.

Nung katagalan medyo na wala narin ang pangangatog ng aking tuhod, dahil lumagpas na saamin yung lalakeng may hawak na itak.

Pero napagtanto kona may tao pa din sa likod ko, dahil hawak pa din niya ang bibig ko.

Patrick's Point of View

"Ahhhhhhhhhhh!"

Nakarinig ako ng sigaw, pamilyar ang kanyang boses, hindi ako pwede mag kamali si Joy yun.

Mabilis kung tinunton kung saan nang gagaling ang sigaw na narinig ko.

Hindi nga ako nag kamali si Joy nga, pero napansin ko hindi sya gumagalaw sa kinatatayuan niya, napansin kona nakatingin siya sa isang dereksyon kaya tinignan ko kung san siya nakatingin.

Shit napa mura ako ng makita ang isang lalake na may hawak na itak at hindi lang yun may dugo ang kanyang hawak shit.

Agad-agad ako pumunta sa dereksyon ni joy at agad ko syang pinasok sa room na madilim.

Nagulat ako ng mag pumiglas sya, kaya no choice ako, kaya hinigpitan ko ang pag kahawak sa kanyang bibig. habang hawak ko ang kanyang bibig, hindi ko alam kinakabahan ako, baka nakita kami nung lalake. nakita kopa ang lalakeng huminto sandali sa harap ng pinto, kaya naman kinabahan ako, pero maya-maya lumagpas din siya, kaya naman nakahinga ako ng maluwag.

Nung alam kona na naka lagpas na yung lalake saamin, mas minabuti kona tagalin ang aking kamay sa bibig niya.

napansin ko nanginginig ang kamay niya, kaya agad ko ito hinawakan at pagka hawak ko sakanyang kamay, bigla siyang na patingin saakin. nang nakita niya naman ako bigla niya ako niyakap at umiyak.

Alam ko takot na takot na siya ngayun, kaya agad ko rin siyang niyakap, narinig kung humihikbi sya kaya nag salita ako.

"It's ok Joy, don't cry please, nandito na ako walang mangyayare masama sayo, proprotektahan kita kahit na ano pang mangyarie, kaya don't worry!"

Naramdaman ko naman hindi na sya umiiyak, kaya hinarap kona sya sakin at inahos ang kanyang buhok.

"Nasan sila patrick? umalis na tayo dito, ayoko na dito, ayaw ko pang mamatay!" saad nito. kaya naman hinawakan ko ang kanyang pisnge, naiiyak na naman siya, kaya hinawakan ko din ang kanyang kamay.

"Shhh, wag ka mag salita ng ganyan, walang mamamatay ok, mag sasama-sama tayo lalabas sa impyernong lugar nato!" saad ko dito.

Tumango siya, inayos kona ang aking sarili at ganun din sya, tumayo na kami para hanapin ang iba.

Zoey's Point of View

Napapagod na ako, mukang dina talaga ako makakaalis dito. mas lalo pa ngayun dahil pakiramdam ko, hindi ako nag iisa dito.

Bumilis yung tibok ng aking puso, dahil nakita ko ang babae at lalake nag lalakad.

Nakikita ko sila kasi salamin lang naman ang bintana ng room dito, shit nawala ang kaba ko ng makita ko si Joy at Patrick.

Agad-agad ako sumigaw at agad ko naman nakuha ang kanilang atensyon, mabilis nilang binuksan ang pinto, nung una hindi nila ako nakita dahil madilim nga sa loob nito.

Napatingin ako sandali ng biglang bumukas yung bintana, hindi ko alam pakiramdam ko talaga may iba pang tao nandito.

Bigla na lang ako ni yakap ni Joy, namiss ko sya kahit sandali lang kami nag kahiwalay, binaling kona ang aking atensyon kay Joy at Patrick.

"Zoey akala ko may nangyare na sayo, Zoey umuwi na tayo please, ayoko na dito!" umiiyak na saad nito.

Hinawakan ko ang kanyang pisnge at inayos ang kanyang buhok.

"Hayaan mo Joy, pag nahanap na natin sila, aalis na tayo dito, sa hayop na lugar nato!" saad ko.

"Bilisan na natin at maraming nag kakalat na masamang tao dito!" biglang singit ni Patrick.

Nag mamadaling tinanggal ang tali saking paa at kamay ni Patrick, at nang tuluyan niya na itong matanggal, tumayo na ako at niyaya na sila hanapin ang iba.

Hindi na kami nag aksaya pa ng oras, nag madali kaming hanapin sila, hindi kona kaya pang mag tagal sa lugar nato.

~Dead University

Dead University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon