12

4 0 0
                                    


Kung maibabalik ko lamang
ang panahon...

Nais kong ikaw
ang una kong makita...

Hindi ako magsasawang
pagmasdan ka...

Sa taglay
mong ganda at karisma...

Ano nga ba mayroon ka?

Hindi ako mapakali
kapag ika'y nakikita...

O aking Mona Lisa...

Kabigha-bighani
ang taglay mong ganda...!

Alam kong sa likod ng iyong ngiti...

May nakatagong sakit
na kay hapdi...

Sa mga mata mong nangungusap...

Wagas na pag-ibig
ay pinapangarap...!

Naglalakbay na naman
ang aking diwa...

Sa kakaisip sayo aking sinta...

Sa panaginip man lang sana...

Hayaan mong makasama  ka
kahit na pansamantala...!

Mga Hugot Sa Tadyang!Where stories live. Discover now