Pwede ba akong maging pansamantala...
Na maging laman ng puso mo...?
Nais ko lamang mapawi...
Ang mga kalungkutan mo...!Pwede ba ako kahit kunwari...
Na ako ay mahalin mo...?
Nais ko lang lumigaya ka...
Kahit man lang pansamantala...!Sana'y napangiti naman kita...
Habang ika'y nagbabasa...
Alam ko na ang iniisip mo...
Eto na naman si sira ulo...!Hindi ba tama ako...?
Sa isang saglit may tumimo...?
Diyan sa malungkot mong puso...
Tila napatibok ko...!Kaya sana'y pagbigyan mo...
Kunwari lang na mahalin mo...
Dahil sa ang pagmamahal ko...
Kakaiba sa minahal mo...!
YOU ARE READING
Mga Hugot Sa Tadyang!
HumorIto ang mga Hugot mula sa kaisipang hinubog ng panahon sa mga karanasang nagbigay aral at inspirasyon para maging gabay sa kasalukuyan.