Usapan ng isang kandidato at estudyante

1 0 0
                                    

Isang araw, mayroong pumuntang estudyante sa munisipyo para kausapin ang bagong kumakandidatong pangulo nais niyang magtanong tungkol sa pag-aaral ng mga estudyante sa senior highschool.

Pumasok ang estudyante sa opisina ng kandidato:

Estudyante: Magandang araw po.

Kandidato: Magandang araw din saiyo, sige at maupo ka.

Estudyante: Nais ko po na itanong sainyo bilang baguhan sa politika kung ano ang maiibibigay mong pagtulong sa mga estudyante ng bagong curriculum na k-12?

Kandidato: Alam ko na halos lahag ay hindi pabor sa k-12 dahil nagdagdag nanaman ng 2 taon ng pag-aaral at dagdag na naman sa gastusin ng iyong mga pamilya.

Estudyante: Kaya po ako ay humihingi ng mga dahilan kung paano makakatulong ang k-12 saaming mga estudyante.

Kandidato: Una sa lahat, kaya tayo nagdagdag ng 2 taon sa secondarya dahil isa tayo sa mga bansa na hanggang fourth year lang ang pag-aaral sa highschool at tayo ay isa sa mga huling bansa na umapela nito. Halos lahat ng bansa sa mundo ay mayroon nito kaya para saatin ay wala tayong masyadong maibibigay na mga kaalaman dahil kulang ang taon ng pag-aaral natin.

Estudyante: Para saan po ang k-12?

Kandidato: Ang k-12 ay isa sa mga paraan na ang mga estudyanteng gaya ninyo ay pwede nang makatrabaho kapag tapos na sa pag-aaral ng grade 12. Ang k-12 kung sa ibang mga bansa ay ang nakikita nila sa mga estudyante na nakapagtapos nito ay mahusay at pwede nang makapagtrabaho dahil iniemplementa ng k-12 na ang mga lesson ay base na sa application. Kung sa madaling salita hindi lang pagmememorize ang gagawin mo para ikaw ay makapasa kung hindi kailangan mong iapply ang mga natutunan mo sa paaralan sa mga araw-araw na gawain.

Estudyante: Pero may sapat po bang mga klasrum saamin na magiging grade 11 at grade 12?

Kandidato: Kapag ako ay naging pangulo na ay bibigyan ko ng malaking pondo ang edukasyon para mayroong mga sapat na silid-aralan at mga pasilidad kayong magagamit.
Nais ko ring taasan ang sahod ng mga guro dahil sa hirap at sipag nila sa pagtuturo.

Estudyante: ok po iyan na plano niyo siguradong mas gaganahan ang mga guro na magturo at dahil sa kanilang dedikasyon sa pagtuturo sila din ay magiging inspirasyon sa mga estudyante.
Pero paano rin po saaming mga mahihirap, dahil sa dagdag na dalawang taon ng pag-aaral, dumagdag rin ang mga gastusin ng aming mga magulang.

Kandidato: huwag kang mag-alala, magbibigay ako ng maraming mga scholarships sa mga taong mahirap pero pursigidong makapagtapos ng pag-aaral.

Estudyante: magandang balita po iyan para saamin, tiyak na marami na ang may dedikasyong mag-aral at magkakaroon ng inspirasyon.

Kandidato: kaya, huwag kang mag-alala dahil maraming paraan pa ang nais kong ilunsad par makatulong sa mga estudyante na magiging grade 11 at 12.

Estudyante: maraming salamat po sa pagbigay ninyo ng oras para sakin.

Kandidato: maraming salamat din sayo.

Proyekto sa FilipinoWhere stories live. Discover now