I-Kwento Mo Kay Flappy Bird

23 0 1
                                    

Tap. Tap. Tap. 1. Tap. Tap. 2. Tap. Tap----- aw!

Kainis na ibon! Dead na naman ako. (+____+) Alam nyo ba tong game na to? Nakakasira ng ulo. (*.*)

Bakit ko nilalaro to? Ah oo. Ginagaya ko si Diether.

Diether Trouble. Astig ng pangalan noh? Lagi syang naglalaro nyang flappy bird na yan. Umaabot pa ng 200 score nyan! Yabang!

Crush na crush ko yan kahit na medyo bad boy yan. Maloko, bolero. Ganun. Bestfriend ko sya dati pero nung nalaman nya na gusto ko sya, ayun, nailang. Nagbago na sya. Teka? Asan ba yun?

(~~,).....(,~~)

Ayun! Nasa sulok ng room hawak ang cellphone nya. Pusta ng isang libo naglalaro yang ng flappy bird.

Lumapit ako ng pa-simple. Alam kasi nyan na may crush ako sa kanya. Pag lumapit ako, maiilang sya.

*lapit*

*lapit*

Medyo nag-eaves drop ako. Pero imbes yung tunog ng flappy bird ang marinig ko, ganto ang narinig ko...

"Bhe, sorry na kasi. I love you. Ikaw lang, walang iba. Babawi ako sayo mamaya. Date tayo. Please bhe. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal. My one and only bhe."

Kinakausap nya ata si Angeli. Girlfriend nya.

Unti-unti ako lumayo. At bumalik sa upuan ko. Kinuha ko ang cellphone ko at.............

Nagflappy bird.

Mamahalin ko na lang ang ibon na to.

Minsan kasi pag nagmamahal ka, kailangan mong mauntog para lang malaman mong tama na.

That's life.

Tap. Tap. Tap. 1. Tap. Tap. 2. Tap. Tap. Aww!

GAME OVER.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I-Kwento Mo Kay Flappy BirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon