w

169 1 0
                                    

Camille's POV

Right before my UAAP Career ended, I decided to pursue my dream as a pediatrician. Bata palang kasi ako, I've always wanted to take care of babies. Isa rin nga sa pinakamalaking blessings na dumating sa buhay ko ay si Baby Zaya. Since nasa US ang mga kapatid ko, matagal na rin bago ako magkaroon ng legit quality time with babies. Kaya noong ipinanganak ni ate si Baby Zaya, talagang I was the first in line na nag volunteer para mag babysit.

"Cams!" My thoughts were shattered because of my another baby. Charot! I wish he is though.

"Oh ano nanaman yon Montalbo?"

"Ang aga-aga ang sungit sungit mo!"

"Eh ano nga kasi yun?"

"Ito. Tickets sa game namin tomorrow. Bring your kambal with you or kung sino man as long as he's not your boyfriend." Ay iba rin to eh, ano.

"Haven't I told you na may group meeting kami for Research tomorrow?" Sabi ko naman pero wala talaga. Gusto ko lang siyang i-surprise bukas.

"Ha? Just ditch it! As if naman di ka makakakuha ng uno kapag di ka umattend."

"Eh, kailangan ako dun!"

"Eh, kailangan din kita!" Sigaw niya naman at nabalot kami ng super awkward na katahimikan.

"Uhh, siy-siyempre kailangan kong marinig yung ch-cheer ng bestfriend ko para naman ganahan ako s-sa game." Rason niyang pautal utal. Tinitingnan ko parin siya na parang ewan. Gusto kong magsalita pero di ko mabuksan yung bibig ko. Halaka bes.

"J-just atleast accept the tickets. Ikaw nalang bahala kung pupunta ka ba or give it to anyone who likes. I have to go, our training will start in a bit." Sabay talikod niya at nagmamadaling tumakbo. Anunaa Camiiiilleeee?

Sa totoo lang, di ko alam kung anong meron kami netong ni Kib eh. Yes, we're the bestest of friends dahil narin we share common things like sa sports and academics. Naging magpartners kami sa isang research paper noong nagppre med pako and then there, we got really close. Kaya, I guess, may naging tulong sa ibang aspect ng life ko ang pagiging academically competitive ko.

Sa ngayon, we're still the bestest of friends. Pero kasi, I don't know if it is just me, or he's kinda giving me hints na he likes me too or whatever. Ayaw kong umasa. Nangangain pa naman ng tanga. Kaya ayun, I'm scared to tell him my feelings for him because he might not feel the same way and I may lose our friendship, which is the last thing that I would want to happen in my life right now.

Medyo naaalanganin din akong pumasok sa isnag relationship ngayon after kong maramdaman yunh pakiramdam na iwan ka sa ere. Buti nga eh, nandyan si Kib. Atleast, naibsan naman yung sakit. Kahit walang closure, I can tell, naka move on na talaga ako. Sa ngayon, mas gugustuhin ko pang umasa kay Kib kaysa sa ex kong dinaig pa ang pilotong parang nagmamaniubra ng colorum na eroplano.

Masaya na ako sa buhay ko ngayon, bagamat may kulang. I know I can't, and I won't settle for this kind of life, pero atleast, I got my shit together. Kib really takes a huge part of my success right now because he was there for me during the whole process. He really meant so much to me kaya sa totoo lang, I can't imagine him with someone, other than me. Oo na, assumera, feelingera, at desperada na ako. Pero ganun talaga nararamdaman ko eh. Mapipigilan ko ba yun? Kib has been and will always be my happy pill and my love, even though he doesn't know.

Wait On Me (A KibMille Short Story)Where stories live. Discover now