"Class umattend kayo ng symposium sa auditorium. Marami kayong matututunan doon tungkol sa kurso na kinukuha ninyo. Makakakuha kayo ng bonus points kapag pumunta at nakinig kayo." Dinismiss kami ng maaga ng aming guro sa kadahilanang magsisimula na ang symposium sa auditorium.
Siyempre pumunta ako, may bonus daw eh! Doon ako kumakapit para makapasa. Tamad kasi talaga akong mag-aral.
Pagkadating sa auditorium, nagsulat muna ako sa attendance. Aba bonus ito! Di pwedeng di pumirma.
Pagkatapos ay pumasok na ako sa auditorium. Sa likod ako umupo, typical deliquent student lang na gusto magpa-isolate.
Nakaattend na ako ng katulad ng symposium na ito isang taon ang nakalipas kaya't di na ako masyado nakinig.
Mayamaya nagsidatingan na rin ang ibang estudyante, pati na rin ang ibang mga guro. Wala akong pakialam sa mundo, hinahayaan ko lang lumipas ang oras dahil bonus nga lang ang pinunta ko.
"Rika! Ihanap mo ako ng boyfriend!" Nabigla ako nang tumabi sa akin si Mam emi.
Sobrang nagulat din ako sa sinabi niya sa akin. Di naman kasi kami ganoon kaclose ni mam, kahit na isa siya sa orgmate ko, kaya medyo napaisip ako. Pero dahil sa happy-go-lucky personality ko, nagsuggest naman ako ng kung sinusinong lalaki, mostly ay mga guro tulad niya o kaya naman ay yung matatanda naming brods. Di ko naman alam kung ano ang type niya. Di ko siya ganoon kakilala.
Medyo awkward sa totoo lang para sa akin. Hindi ko alam pero nakisakay na lang ako sa pangyayari. Mabilis rin kasi akong makaadapt sa mga ganito.
Biglaan din na dumating ang isa naming brod sa org na si enzo doon sa symposium at umupo malapit sa amin. Kaya nung naglunch break nagkayayaan kaming kumain.
"Libre naman dyan!" Hirit ko. Makapal kasi talaga mukha ko.
"San tayo?" Tanong ni mam emi
"Sa kfc na lang." Sagot ni enzo.
Kahit medyo malayo pa ang lalakarin eh naglakad na lang kami. Yes! Libreng lunch! Ang galing ko talaga!
Sa kfc, napagusapan namin ang tungkol sa buhay buhay... Specifically trabaho at lovelife.
"Basta ako sa tingin ko mas magandang unahin muna ang career bago ang lovelife." Saad ko bago sumubo ng chicken at kanin na nalunod sa free gravy ng kfc.
"Oo nga, maganda nga na unahin muna ang career." Sagot ni mam emi.
Ikalimang taon ko na iyon sa kolehiyo, malayo pa bago ako makagraduate. Tama, may mga "backsubjects" kasi ako. Pero nakakasabay naman ako ng kahit kaunti sa usapang career.
Matapos ang kainan ay naghiwahiwalay na kami. Yikes! Parang biniyayaan lang ako ng pagkain ni God! Thank you po. ^_^
Habang naglalakad pabalik ng apartment napaisip ulit ako bakit kaya niya ako nilapitan? Bakit NAGKRUS ang aming DAANAN?
A/n:
Sept 1, 2011 hindi ko malilimutan ang petsang iyan. Oo sobrang naalaala ko pa. I am bad with dates if we are talking about History, but special dates like this one is worth to remember.
BINABASA MO ANG
Sandalan [On Hiatus]
Non-FictionIsa itong istorya tungkol sa pagkakaibigan... sa di inaasahang tao, sa di inaasahang lugar, sa di inaasahang panahon at di inaasahang pagkakataon. Di talaga ito inasahan! Ito ang pagkakaibigan na sumalba sa buhay ng isa't isa.