Halos isang linggo na matapos ang pangyayari nakaraan. Madalas na nagkakateks na kami ni mam Emi. Oo alam namin ang numero ng isa't-isa dahil adviser din siya ng org namin at ako ang presidente nung panahong iyon. Medyo maingat pa ako sa mga teks ko kasi di ko pa nga siya ganoon ka kilala.
"Rika, pwede ba akong makitulog sa Huwebes?" Tanong ni mam Emi.
"Pwede naman, pero bakit?"
"May quizcon kasi, kinuha akong judge, eh late na matatapos yun."
Pumayag ako at niyaya niya na sumali na din ako.
Malaki yung papremyo kaya nakakaenganyo din. Biruin mo, 15,000 sa winning team?! Aba, game ako dyan kahit di ko pa alam kung sino pwede kong yayain sa grupo.
Dumating na ang araw ng quizcon. Pagkatapos ng klase ko nung hapon ay umuwi ako ng apartment para kakaunti lang ang dala ko sa gabi at tumambay muna sa faculty room kay mam emi dahil alas siete pa ang simula ng quizcon. Ito yata ang unang pagkakataon na nakatambay ako ng matagal-tagal sa faculty room dahil pumupunta lang ako doon kapag may ipapasa, nagpapaconsult o nagpapapirma. Medyo awkward pa rin ang feeling.
Bago mag alas siete ay lumakad na kami. Malapit lang naman yung building kung saan gaganapin ang contest kaya nilakad lang namin ito. Sanay na rin kasi ang mga tao sa UP na maglakad/tumakbo palipatlipat sa mga klase.
Pagkadating namin sa venue ay bumungad ang sobrang daming tao. Wala pa akong teammates nun nang bigla kongg nakita ang ibang orgmates kaya ginawa nila akong kagrupo. Si mam emy naman ay humiwalay na sa akin dahil nga judge siya.
Sobrang daming sumali, kaya expected na hindi kami nanalo ng orgmates ko. Maraming nakakaloka at nakakalokong mga tanong. Di rin kami updated sa current events.
Hating gabi na noong matapos ang quizcon.
"Nakakapagod, ayaw ko na magjudge sa quizcon sa sunod." Reklamo ni mam emy. "Nakakainis pa kasi ang gulo nila, di dumating yung ibang judge."
Niyaya ko muna siya na kumain sa McDo bago umuwi ng apartment. Kasama namin ang isa namin brod na matagal nang graduate. Nagkaabutan pa sila sa org noong estudyante pa lang sila pareho kaya naman ayos ang pag-uusap nila.
Hanggang sa mga panahon na ito hindi ko alam kung bakit biglaan na lang na ganito ang mga nangyayari sa buhay ko. Hindi ko alam at NAKAPAGTATAKA.
A/n:
Hello sa iilang mga readers diyan! Alam kong boring basahin ito. Gusto ko lang ibahagi ang sikreto kung paano nakagraduate sa unibersidad ng pilipinas ang delinquent student na tulad ko. Sabi nga kasi eh MAHIRAP MAKAPASOK SA UP PERO MAS MAHIRAP MAKALABAS!!! Totoo po ito ^_^
Sana mag-iwan po kayo ng mga comments if ever napadaan kayo dito. ^_^
BINABASA MO ANG
Sandalan [On Hiatus]
Non-FictionIsa itong istorya tungkol sa pagkakaibigan... sa di inaasahang tao, sa di inaasahang lugar, sa di inaasahang panahon at di inaasahang pagkakataon. Di talaga ito inasahan! Ito ang pagkakaibigan na sumalba sa buhay ng isa't isa.