PROLOGUE
KASALUKUYANG abala sa INTERNET sina JESSICA at PERLIZA sa LIBRARY ng mga GAMBOA nang makuha ang atensiyon nila ang ingay ng pag parada ng SCOOTER sa labas ng GATE. Nagkatinginan ang magkaibigan. malayo ang GATE mula sa MANSIYON Subalit hindi sapat iyon upang hindi nila marinig ang ingay ng pag parada niyon.SCOOTER lang iyon pero kung irebolusyon ng DRIVER nito ang makina ay tila iyon malaking MOTORSIKLO.
So very like him,jessica thouth. Him was brenda gamboa's boyfriend,her best friend perliza's not-so-distant cousin. Napangiwi si perliza at napatitig sa kanya. both girls were fourteen and in their junior year.
"wala si mayor" ani ni perliza."kaya marahil pinapunta iyan ni brenda dito"
"bakit ba hindi mo tinutukoy ang boyfriend ni brenda sa pangalan niya? I'm sure he has a name" nagkibit ito ng mga balikat."kasi ba naman kung tawagin iyan ni brenda ay 'tra--cy honey."ginaya ni perliza ang paraan kung paano tinatawag ng pinsan nito ang kasintahan sa eksaheradong paraan.
"what is exactly his name?"
"tra--cy honey. iyon ang pangaln niya",she said.jessica rolled her eyes.
Muling itinuon ng kaibigsn ang atensiyon sa ginagawa sa computer.alam ni jessica na kapag gumagawa ng project si perliza ay hindi importante rito ang nangyayari sa paligid.
"and your uncle doesn't approve of him?" minsan na niyang narinig na sinesermunan ni hilarion gamboa ang anak tungkol sa boyfriend nito.Subalit hindi niya binigyan ng ibang kshulugan iyon.
"yeah"
Jessica frowned."why"
"for countless reasons," sagot nito pero hindi inalis ang atensiyon sa ginagawa,yumuko pa at sinipat kung tama ang tina-type mula sa libro patungo sa computer."una,kilala si tra--cy honey na bad boy ng EL NIDO. Oh,well,kahit may kalayuan iyon mula rito sa SANDOVAL,pero alam mo naman,lagi nang nakasunod sa kanya ang reputasyon niya.
"pangalawa,mahirap lang ang pamilya ninto. pangatlo,anak daw ito sa labas. And I Heard my uncle say his mother was a whore. Anak daw ng misyonerong pranses" napangiwi ito."at para mo namang hindi kilala si uncle hilarion,primero unong matapobre."
"paano siyang nanalong mayor?" Umismid ito."nadadaya niya ang mga tao sa mapagkunwaring ngiti at na kunwa'y matulungin frangly,my dear, I don't give a damn" kung hindi sa kapaitan sa tinig ni perliza ay mangiginti si jessica sa hilig ng kaibigan sa drama nang usalin nito ang famous RHET BUTLER LINE. matagala na niyang alam mula sa kaibigan na kung hindi mayor sa SANDOVAL si HILARION GAMBOA at nag-aalala na makakasama sa reputasyon nito kung hindi nito kukupkupin si perliza nang maulila may dalawang taon na ang nakalipas,ay nunca na tanggapin Nito sa Pamamahay ang anak ng isang kamag-anak ng asawa nito at tustusan ang pag-aaral malimit siya sa bahay ni mayor hilarion, lalo na at weekend,dahil na rin sa paanyaya ni PERLIZA, at walang pikialam si hilarion gamboa kung sino man ang dalhin ni perliza sa bahay nito basta ba hindi ito magdudulot ng kahihiyan at makakaabala. Dahil pulitiko,sanay na ito labas masok ang mga tao sa bahay nito
Subalit kung nagkataong may ideya si Hilarion Gamboa kung kaninong anak si Jessica ay natitiyak niyang mag iiba ang pakikitungo nito sa kanya.pero wala syang intensiyong sabihin dito ang tunay na pagkatao kung paanong hindi rin iyon alam ni Perliza.
Ang alam ni Perliza ay taga El Nido siya at ang pamilya niya ay mangingisda.well,totoong nakatira sita sa El Nido kapag mat klase,sa isang bahay roon ng tiyuhing si Nathaniel Cervantes,pero hindi alam ni Perliza o kahit ng mga classmates at teachers nila na umuuwi siya sa Pasco de Blas tuwing weekend.
Dahan-dahang lumalakad si Jessica patungi sa bintana na nakaharap sa gate at hinawi ang venetian blinds.natatanaw niya ang paglalakad ng pinag-uusapan nila sa gravelled driveway patungo sa main entrance ng bahay.
Lihim niya itong pinagmasdan.brenda was twenty-one,so give or take a year the man must be around that age.nakasuot ito ng denim jacket,sa ilalim ay plaid shirt na nakapaloob sa kupasing maong.medyo mapusyaw ang kulay nito at namumula dahil sa marahil ay parati ito sa arawan. He was also very tall and gorgeous.
Faces of her brothers and her cousins immediately came to mind.more or less,brenda's boyfriend was like Karl Anton. There was always that brooding look,whick added the charm.
Ito ang ikatlong pagkakataong nakita niya ito bagamat lagi nang sa malayuan.ang una ay nitong nakalipas na buwan nang magkaroon sila ng group project at ginawa iyon sa bahay nina Perliza. Kinahapunan nang pauwi na sila ay siya namang pagdating nito sakay ng scooter at kaangkas sa likod si Brenda.
Ang ikalawang pagkakataon ay nang magkaroon ng slumber party sa bahay ng mga Gamboa na hidi mangyayari kung hindi konsehal ang ama ng isa sa mga classmates nila sa siyang pasimuno sa party. Kinabukasan ng hapon,nang sinusundo na sila ng driver ng konsehal upang ihatid sa kani-kanilang bahay ay siya namang pagdating ng scooter nito at sa wari ay sinusundo si Brenda.
Sa hindi malamang kadahilanan ay biglang tumahip ang dibdib ni Jessica.nagpahuli siyang sumakay sa van upang makita niya ito nang malapitan.
Sa pag kadismaya niy,ni hindi dumako sa kinatatayuan nya ang paningin nito dahil agad na ibinalin ang mga mata sa loob ng bakuran.she couldn't blame him. Brenda was coming out of the house looking like a hollywood star in he tight black leather skirt and equally black tank top with matching high-heeled boots.she was voluptuos and stunningly beautiful.
"Gaano na sila katagal mag-boyfriend ni Brenda? Does he come here very often?" Sunud-sunod niyang tanong samantalang nanatiling nakasilip sa blinds. Papasok na ito sa covered porch.
"Six months na sila.Bihira siyang papuntahin ni Brenda dito sa bahay dahil nga hindi sya gusto ni Uncle Hilarion para sa pinsan ko. Pere maaga pa kanina'y bihis na bihis na si Brenda kaya malamang na hinihintay niya si Tra__cy honey. Baka maypupuntahan."
"Baka naman hindi na galit si mayor sa kanya?"
Perliza snorted. Itinuon ang cursor sa isang bahagi ng screen."bakit ba bigla kang naging curious sa boyfriend ni Brenda?"
Nag kibit siya ng mga balikat. "Wala lang. Sabi mo nga, curious Just That."
"Sa totoo lang,jess wala akong pakialam.tulad din ng walang pakialam sa akin ang mag-ama. Tignan mo nalang si rick..." Ang tinutukoy ni perliza ay ang pamangkin ni mayor hilarion sa half sister nito.
"Brenda's boyfriend is gorgeous."
"You bet. Pero ang magka-crush sa boyfriend ng iba ay pinakamalayo sa mga gusto kong mangyari. Sa ngayon ay gusto kong makatapos ng pag-aaral. Samantalahin na mayor pa si uncle hilarion dahil kapag natalo sita sa susunod na election, na malamang na mangyayari, ay baka wala na ako riyo. I need to maintain my scholarship..."
May mariing determinasyob sa tono nito.
Si Jessica ang nangunguna sa klase nila. Subalit mula nang ihayag ni Perliza ang problema nito sa sambayanan ng mga gambao at ang pagnanais nitong makatakas mula roon ay hinayaan niyang makapantay niya ito sa klase. At kung minsan ay pinahihintulutan niya ang sariling maging pangalawa.
She could sacrifice that as much. Hindi naman masama ang motibo nito. Nakikita naman niyang walang pagpapahalaga si Mayor Gambao sa pamangkin ng namayapang asawa. For the Gamboas, Perliza was a charity case. At kung ang pangangailangan nito sa eskuela ang pag-uusapan, ayon kay Perliza, ay nagdadaan sa butas ng karayom ang pahingi nito ng pera mula kay mayos Gamboa.
At sa disimuladong paraan ay tinutulungan niya ito. Kaya naman hindi nya masisisi ang kaibigan na walang amor sa mag-ama at na sasinasamantala nito ang pakitang-taong pakikitungo rito upang makatapos.
Lumakas siya pabalik sa computer table at muling ipinagpatuloy ang ginagawa nilang dalawang magkaibigan. Wala pang limang minuto ang nakalipas nang marinig nila ang malakas na tinig ni Brenda sa sala.
Napatuwid ng tayo si Jessica.napatitig sa medyo nakaawang na pinto ng library. "Liz, nag-aaway yat sila?"
"Who cares?" Sagot ni Perliza, ni hindi inalis ang tingin sa ginagawa.
Wala sa loob na humakbang patungo sa pinto si Jessica at binuksan iyon at lumabas. Nang nasa pasilyo na siya ay narinig niya ang tinig ng lalaki. It was very obvious that he was angry.
"HINDI ako makapaniwalang nagawa mo ito,Brenda!"
"Tracy honey, please be reasonable hindi pa ako handang maging ina. I am sorry."
"Reasonable? Gusto mo akong maging resonable? Anak ko ang ipina-abort mo!" He was shouting this time. "Paano mo nagawa iyon sa isang walang malay na sanggol?"
Napasinghap si jessica sa narinig.nasa bungad na siya ng pasilyo at nakikita na niya ang dalawa. The young man's handsome face was contorted with fury.
"Hindi pa sita sanggol. Eight weeks pa lamang naman ang nasa tiyan ko, honey," ani ni Brenda sa nagsusumamong tinig. Jessica saw the fear in Brenda's eyes though she seemed to appear calm. Akmang may sasabihing muli ang lalaki subalit inunahan nito ni Brenda. "Bago ka muling magsalita ay gusto kong malaman mong walang patutunguhan ang relasyon nating itong. So there's no need to you to fuss."
"Fuss?" again he parroted. "Iyon ba ang iniisip mo sa ginagawa ko?"
Suddenly,the look on his face was frightening nakita ni Jessica nang iangat ni Brenda ang kamay at ilagay sa dibdib na tila ba proteksiyon iyon kung sakaling sasaktang ito ng boyfriend. Then she took a step back.
"A-alam mong tutol si daddy sa..sa relasyon natin.."
"Kaya ipinatatanggal mo ang anak natin nang hindi man lang sumasangguni sa akin?"
"Alam kong hindi ka papayag." She was getting nervous.
"Tama ka a sinabi mo," he hissed. Kulang nalang ay marinig ni jessica ang pagtatagis ng mga ngipin nito. "Mamamatay na muna ako kaysa pahintulutan kong patayin mo ang sarili kong dugo!"
Brenda started to cry. "Hindi mo ako naiintindihan..."wika nito sa mahina at nagpapaunawang tinig. jessica saw how beautiful she was with her eyes tear-filled. "Napakabata ko pa para maging---"
"Put--ka!" Pagmumura nito sa tinig na halos hindi marinig. Nag-igting ang mga bagang nito. Mula sa kinatatayuan niya sa bungad ng pasilyo ay nakikita niya ang paggalaw ng mga muscles nito sa panga sa matinding galit. Ang mga Kamao nito'y mahigpit ang pagkakakuyom sa mag kabilang tagiliran.
Pagkuwa'y tumalikod ito patungi sa pinto. Nang makita ni Brenda na aalis na ito ay mabilis itong humakbang pahabol. Jessica saw regret on her face.
"Honey, wait!"
Natigilan ito lumingon. Kahit si jessica ay napasinghap sa matinding poot na nasa mga mata nito. Nahinto sa gitna ng sala si Brenda.
"H-honey..." Brenda murmured. Ang talagang sasabihin ay tila nakulong sa lalamunan at sa halip ay," M-may... pinagsamahan naman tayo, hindi ba?"
Jessica wondered why Brenda had to say it. She had done enough damage. Siguro dahil hindi na nito naisantanig ang talagang sasabihin.
And the look on her boyfriend's face had been one of pure hate. then jessica saw him stare at Brenda as if he was seeing her for the first time.
"You were nothing but a fuck, Brenda." iyon lang at ipinagpatuloy nito ang paghakbang patungo sa pinto.
Marahil sa gilid ng mga mata nito ay nasulyapan nitong may nakatayo sa may bungad ng pasilyo nilingon sya nito. Katatakutan niya iyon kung alam niyang sa kanya patungkol ang galit nito. gayunman ay hindi niya maiwasang mapasinghap nang marahan at mapasandal sa ding ding.
And then he was gone.
Sandaling Sinulyapan niya si brenda na lumong-lumo ang anyo, pagkatpos ay napahagulgol ito ng iyak at tumakbo papanhik sa itaas
She was too young to analyze people's faces and feelings. But she would bet her last scent that brenda was in love with her boyfriend. Natitiyak din niyang dinamdam nito ng labis ang pakikipaghiwalay nito sa kasintahan.
Bumalik siya sa loob ng library. Naroon pa rin si Perliza at patuloy sa ginagawa sa computer. Then Perliza sighed when she saw her.
"You were eavesdropping."
"Kahit nandito tayo sa loob ay maririnig din natin ang mga sinasabi nila," she said defensively. "Did you hear it all?"
"Maiiwasan ko ba? iniwan mong bukas iyang pinto at ang lakas ng tinig nila..."
"Brenda had an abortion?" she asked, horrified "Nah". umiling si Perliza, Itinigil ang ginagawa sumandal sa swivel chair. "Hindi totoo? pero bakit sinabi niya iyon?" "Utos ni Uncle Hilarion. Alam nilang mag-ama na sa sandaling sabihin nila iyon ay magagalit ito at makikipahiwalay kay Brenda..." Nalilitong lumakad patungo sa sofa si jessica at naupo roon. Kasabay niyon ay napalingon siya sa bintana nang marinig ang tunog ng paalis na scooter. "I don't understand, Liz. kung hindi siya nag pa abort, ibig sabihin ay nagdadalang-tao pa rin si Brenda... at sino ang magiging ama?" A dry smile came out of Perliza's lips."Walang pakialam si Uncle Hilarion kung manganganak nang walang ama si Brenda,Jess He can always send his daughter abroad. Ang mahalaga ay hindi makasal si Brenda sa boyfriend nito. Kinasusuklaman niya ang mga anak sa labas."
"I-ipagpapatuloy ni Brenda ang pagdadalang tao?" Somehow there qas comfort in that. Tumango si Perliza. "Obviously."
"ang akala ko ba'y hindi niya gusto ang mga batang ipinapanganak sa labas ng pag-aasawahan."
"Not when it serve his purpose." she said hatefully. "Kailangan ni Uncle Hilarion ng tagapagmana... ng magpapatuloy ng lahi niya. at sa pagkakaalam ko ay nalaman na nilang lalaki ang magiging anak ni Brenda.
hindi totoong two months palang ang nsa tiyan niya. sa pagkakarinig ko'y tatlong buwan na ang ipinagdadalang-tao niya. Na kung nakita sa ultra-sound na babae ay malamang na ipina-abort na niya".
Hindi agad makapagsalita si Jessica. "I don't know is I am right, pero nakita ko kaninang nasasaktan si Brenda sa paghihiwalay nila. She could really be in love with him."
"Brenda's in love with him. sa totoo lang, mas mabait ng kaunti si Brenda kaysa sa papa niya. at nasasabi niya sa akin ang nararamdaman kapag nag kaabala siyang pansinin ako at kuwentuhan. pero mas mahalaga ang salaping mawawala sa kanya kung susuway siya sa ama niya. Aalisan siya ni Uncle Hilarion ng mana."
Jessica was speechless. she thought of herself... of Aidan, of lenny, and of Julianne. Gagawin ba ni Bernard ang ginawa ni Hilarion Gamboa sa anak? At saka-sakali, mas pahahalagahan ba ng mga kapatid niya ang salapi at karaangyaang tinatamasa kaysa sa pag-ibig?.
BINABASA MO ANG
KRISTINE SERIES
RomanceABANGAN ANG KASAYSAYAN NG BUHAY AT PAG IBIG NG MGA TAUHANG NAGSISIGALAW SA KRISTINE SERIES NA NAGWAWAKAS SA BAWAT LABAS.