Chapter One

343 7 0
                                    

Jessica watched the cessna plane owned by the kristine Group Of companies as it taxied the runway. Sakay niyon ang mga magulang para sa ribbon cutting ng KGC shipyard sa Davao.

   Kasama ng mga magulang sina Julianne at Benedict. Lamang, pagkatapos ng ribbon cutting sa bagong shipyard ay babalik sa Maynila ang mga magulang samantalang tutuloy na sa Nevada ang mag-asawang Benedict at Julianne via Davao International Airport para sa atrasadong honeymoon.

    Madaling ikinasal ang mga ito may dalawang buwang mahigit na ang nakalipas. at nagtatampo ang mga kapatid nilang lalaki na hindi naimbita ang mga ito sa kasal. pati na ang ibang kamag-anak na nasa Texas.

     Ipinasya nina Benedict At Julianne na magpakasal ng simple at pribado at hindi na makapaghintay na umuwi ng Pilipinas ang lahat ng mga kamag-anak na nasa ibang bansa. Julianne was three months pregnant. Hindi nito gustong maglakad sa aisle na nahahalata na ang tiyan.

    She promised to have a church wedding on their first aniversary. At dadaluhan iyon ng lahat. Iyon ay kung maiwawala nito kaagad ang dagdag na timbang mula sa pagdadalang-tao.

    Jessica smiled at her sister's vanity. Mananatili ang mga ito sa MGN hotel sa Neveda  ng isang linggo at pagkatapos ay tutuloy na sa Texas upang maipakilala si Benedict sa ilang mga kamag-anak.

    Binigyan niya ng huling sulyap ang cessna habang nag sisimula na iyong umangat mula sa lupa pagkatapos ay tumalikod na siya at tinungo pinagparadahan ng sasakyan niya sa isang bahagi ng aiport. Ganoon din ang ginawa ng tatlong bodyguard niya na nang makita siyang pumasok na sa sasakyan niya'y nagsipasukan na rin sa Pajero na nakaparada ilang metro mula sa pinagparadahan niya ng sasakyan niya.

     ilang sandali pa'y inilalabas niya na ang kotse na NAIA at binabagtas ang Airport Road patungo sa Roxas Boulevard, sa Manila Yatch Club, kung saan nakadaong ang JEWEL. Dadaan siya roon sandali upang ipaalam sa kapitan ng yate na bibiyahe sila sa susunod na araw pauwi sa Paso De Blas.

      Tinanggihan niya ang alok ng ama na magpahatid siya sa chopper patungo sa isla. She always loved to travel by sea. Ikinatutuwa niyang pagmasdan ang walang-hanggang karagatan. Pumasok sa isip niya ang huling pag-uusap nilang mag-ama kahapon.

       
    "I hahatid ko kayo ng Mama sa airport. Papa, at pagkatapos ay tutuloy ako sa Roxas Boulevard para kausapin si Captain Salvador", Aniya rito.

     
   "Bakit kailangan ikaw ang maghahatid sa amin sa airport, hija? Que hacen los choferes?"( ano ang ginagawa ng mga Driver?)

          "Ang mga tsuper ay hindi available, Papa. Si Manong Simeon ay Kahapon pa masama ang pakiramdam. Si lando namn ay off bukas. Ako na ang maghahatid sa inyo sa airport."

        "Pero hindi ba at may usapang kayong lumabas bukas ni Richard?"
      She almost rolled her eyes. Precisely why she wanted out of their house. at ang ihatid ang mga magulang sa aiport ay mabigat na dahilan para hindi sila magkita ni Richard.

      Pero hindi niya iyon isinantinig sa ama. For more than a year or so, Bernard had been trying to play Cupid.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KRISTINE SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon