AUTHOR'S POV
May tatlong makapangyarihan na angkan. Una ang angkan ng Dolte, sila ang pinaka makapangyarihan sa tatlo, pinaka mahigpit at pinaka malinis ang imahe sa sambayanan.
Pangalawa ang angkan ng Viesz, angkan na 'di nag papatalo, sila ang pinaka matapang sa tatlo, masusunod ang gusto nila sa paraang gusto nila, walang inuurungan at kinakatakutan
Pangatlo ang angkan ng Tizgem, pinaka mababa sa tatlo, ang pamilyang 'to ang pinaka simple sa lahat kahit na may karangyaan
Ngunit isang araw nag away ang tatlong angkan na ito ng dahil sa kapangyarihan, hindi nagka-sundo ang tatlo at kinasuklaman ang isa't Isa. Lalo na ang Dolte at Viesz, higit na mag kaaway ang dalawang ito
Dahil sa alitan na naganap ay nag patupad ng patakaran ang dalawang angkan. Isa do'n ang "Bawal magkaroon ng kahit na anong kaugnayan sa kahit na sinong kabilang sa angkan ng Dolte/Viesz"
Patuloy na nasusunod ang patakaran na 'to ngunit nag bago ang lahat simula nang maisilang si Venus Viesz at Dale Dolte
__________
Mediyo lame yung first chapter pero promise babawi ako sa susunod na mga chapters, sana ma-enjoy niyo guys, love yah💕
![](https://img.wattpad.com/cover/96463339-288-k411574.jpg)