Yiva's POV
"Help beat energy, energy gap! Beat energy gap!! Drink Milo everyday! Milo everyday!! " kanta naming dalawa ni ate habang ako naliligo at siya nagluluto.
"Bilisan mo dyan, sis! We're going to be late!! " sigaw niya.
"Aye, aye!! " nag-salute pa ako kahit hindi niya naman ako nakikita.
~~~~
And in the end, late nga kami. Not really KAMI kasi mamaya pa klase ng ate ko. Ang ganda kaya ng sched ng loka.So anyways, malapit na ako sa tapat ng room.
Nang nasa tapat na ako, biglang bumukas ang pintuan at dahil super lucky talaga ako magmula kahapon, nabunggo ako dun .
"Ouch! " napahawak ako sa noo ko na may benda pa dahil sa pagkakapaso kahapon. Ano ba naman o!
"Ay, sorry. Hindi kita nakita e. " paumanhin ng lalaki habang nakangiti. Aba, nang-aasar ba siya??!!
"Alam ko! Alangan naman makita mo ako e hindi transparent yang pinto. O baka malay ko na may x-ray vision ka pla. " pamimilosopo ko sabay tayo. Tatalikod na sana ako ng biglang-
"Teka miss! " he pulled me.
May mga dumaan sa likod ko at bigla naman siyang pumunta sa likod ko. Baliw ba 'to?Hinila niya ako papuntang rooftop at syempre angal ako ng angal.
"Ano ba may klase pa ako! Alam mo bang super duper late na ako??!! " angal ko. Gusto kong magwala pero ang lakas niya e.
Hanggang sa nakarating kami sa rooftop
"Bakit ba-" naputol ang sasabihin ko ng binigyan niya ako ng jacket. Teka? Asan niya nakuha to? Akin to ah!
"Kinuha ko sa bag mo. May tagos ka. " tinignan ko ang likod ng skirt ko and with that namula ako nang todo. Bakit di ko alam na ngayon pala ako??!!!!
"S-salamat. " sabi ko tsaka ko inalagay sa likod ko yung jacket at tinali sa bewang ko.
"S-sige alis na a-ako. " namumula ko paring saad at umalis na. Pumasok na ako sa classroom and of course andoon ang teacher ko.
"10 minutes late. " sabi nang teacher ko habang patuloy na nagsusulat sa pisara.
"Sorry, ma'am. I-inayos ko pa kasi benda k-ko sa CR kasi nabunggo ako ma'am e at sumakit kaya tiningnan ko baka lalong namaga. " at dahil may benda ako, kumagat siya sa alibi ko at SUCCESS! Nakalusot ako. Dapat siguro magpasalamat ako sa kaldero na naka paso sa akin.
Umupo ako sa gitna at nakinig nalang. Habang nakikinig, biglang nagtaas ng kamay ang katabi ko at sinabing, "Ma'am, may I go out? May tagos po kasi ako e. " confident na sabi niya. Nagtawanan naman ang lahat except sa akin. Nakakainggit dahil hindi siya nahihiya na sabihin ang ganyang mga bagay.
~~~~~~
Recess na! Yey!! Nakapagpalit na ako at I feel fresh! Hahahaha.Tapos na rin problema ko. Yey!
Or maybe.... Not.
Nawawala ang wallet ko!! Bakit??!! Naiwan ko ata sa bahay!! Argh!! Ang layo pa naman sa amin at day-off ng driver namin!!
Dali-dali kong hinanap si ate sa Building nila. Hindi na nga ako tumitingin e, at dahil nga likas na SWERTE AKO, may nabunggo pa ako.
*SPLASH*
Okay na sana e. Matatanggap ko na na ang tanga ko ngayong araw, pero hindi e.SWERTE AKO! Tangna. Na love at first sight ata si kamalasan sa akin e! Di na ako nilubayan. Biruin mong juice na super red pa ang naibuhos sa UNIFORM KO?? Mahal ang Tide, bes! MAHAL!
"The f- Hindi kaba tumitingin sa dinaraanan mo miss? Bulag kaba? Tanga? Gaga? O bobo? Kita mong may tao e! " umuusok sa galit na sabi ng lalaking parang babae kung ngumawa.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Alam mo, ang ingay-ingay mo. At dahil sa kaingayan mo, napagkamalan pa kitang bakla, alam mo yun? At ako? Bobo? Gaga? Bulag? Tanga matatanggap ko pa. At ikaw nga itong bobo e. Alam mong di kita nakita dahil nga nabunggo kita tapos sasabihin mong, "Kita mong may tao e! "?" Dire-diretso kong sabi. May mga tao na rin na tumitingin sa amin. "Ikaw ata tong bobo e. O baka tanga? Or maybe gago kalang talaga? Tsaka FYI, hindi ko kasalan mag-isa yun. Dahil kung nakita mo ako, edi hindi tayo magkakabanggaan. And pahabol, akala ko kasi di ka tao e. " dagdag ko at kinuha ko yung natitirang juice na hawak-hawak niya at sinabog sa mukha niya. Nag-gasp naman ang mga itsusero't itsusera na nakikitingin lang at wala man lang umawat.
Namula naman si gagi. Psh. Alam na dis.
Akmang sasampalin niya ako, dahil bakla nga siya, ngunit may bumatok sa kanya.
*PAK*
Grabe anlakas.
"Gago ka, go slap my sister. I will surely crack your skull." S-si ate??!!
"A-ate?? " shocked kong tanong.
"No Yiva, it's your brother." Napa-facepalm naman ako sa sinagot niya. Panira talaga siya ng moment.
Tumingin si ate sa paligid.
"Why are you all just looking? Bakit walang umawat? What do you think that happened here? A play, a movie? Now, go back to your own worlds. " sita ni ate sa mga studyante at ayun, nagsialisan na sila.
Tumingin naman si ate sa amin. Yung lalaki shocked pa rin. Parang di makapaniwala sa narinig. Nang mahimas-masan na siya, biglang siyang nagsalita.
"Tangna! Kaya pala ang suplada nito e. Mana sayo! " sigaw ng lalaki na nakatingin sa aming dalawa ni ate. Inirapan ko siya. Si ate naman ngumisi.
"Thanks for the compliment. Anyways, my dear sister, this is Ian Silver Yu, kalaro ko. Player ng Dota. Pilak, si Xyra Yiva Tan. Online gamer. " pakilala niya sa amin tsaka umalis na. Aba, aba. Iiwan niya ako sa impaktong to.
"Sorry. " he said at para bang he didn't mean it. Inirapan ko siya.
"Sorry is not a word, it's an emotion. " sabi ko sabay walk out. Psh. Letse. May period na nga ako, gutom, tapos basa pa! Kaloka! Makapunta nga ng locker.
****
Mataas yan. 😂

BINABASA MO ANG
Four Handsome Devils
Teen FictionPeople always make fun of their own lives. But, what if, life will make them as its game? And Destiny will join?