Okay, so 'wag muna tayo kila Zai. Dito naman tayo kay Cyri. Para naman maiba.
Yiva's POV
*BANG* *BANG* *BANG*
Uy, huwag mag-isip ng kung anu-ano. Di po ako gangster, at walang balak na maging.
Nandito kasi ako sa timezone dito sa D' Mall. Ewan ko nga sino nagpangalan, sarap sapakin. Parang title tuloy ng isang horror movie.
"Go, go, go! "
"Need back-up, need back-up! "
"Counter-terrorist win! "
"Shake it off! Shake it off! "
"Pow, pow, pow. "
"Game over. "
Yan lang naman ang mga klase-klaseng tunog na maririnig mo dito. Ang ingay-ingay pero walang paki mga tao. Basta nakakalaro lang.
Ako naman, ito, naglalaro ng Left for Dead. With matching guns. Pang double players to na machine. Pang-"couple" raw. La akong pake. Pwede kang maglaro kahit nakatuwad basta may pera ka lang.
Maraming nakatingin sa akin. Ang galing ko kasi *matching Pinocchio nose* (A/N: Hindi po siya nagsisinungaling. Nagbo-boast lang. Sa Japan po kasi, Pinocchio nose [yung tumataas ang ilong] ay hindi po nagsi-symbolize na you are lying. As I've said, nagbo-boast lang. Makikita niyo po yan sa mga mangas and animes [Otakus can relate. At relate na relate si author]).
So yun nga. Sa left ko, ang target ko si hunter (ang ironic lang kasi the words 'hunter' and 'targeted' doesn't mix. Hunter should be the one targetting you, not the other way around.) Sa right ko yung pesteng witch na ang sakit sa tenga ang iyak. Natapos ko ang game ng walang kahirap-hirap. Next naman is yung House of the Dead. Double player rin.
After 20 minutes, nasa laboratory na ako. Ang galing ko, diba? Hindi pa ako na game over pero maliit nalang life ko. Cheer pa nga ng cheer sa akin ang mga tao. Specially boys. Yung ibang girls naman ay ganito sinasabi:
"Cheated yan?" Tanga ka ba ate? Sige nga, try mong mag-cheat sa Xbox. At kung pwede man, pero hindi dito. Bawal cheats dito. Wag tanga
"Inire ba yan ni Jollibee? Pa-bida e. " First off, LALAKI SI JOLLIBEE (kahit mukha siyang bakla), kaya malamang sa malamang, di nya ako mai-ire. Second, di tao si Jollibee kaya di siya umi-ire. BEE nga diba? Maligayang bubuyog. At lastly, nage-exist pa ang salitang "originality" bes, in case you don't know. Umiikot na yang "pa-bida" chuvachuchu all over Pihilippines at may possibility na mag-overseas. Wag copy-paste. Di ka computer.
"Psh. Malandi masyado. " Marami talagang nagagawa ang word na "insecurity" no? Living proof 'tong babaeng to. Dahil sa "insecurity", naging bobo-- no, scratch that. MAS NAGING BOBO. Like duh, anong connection ng pagiging magaling ko sa paglalaro sa pagiging malandi? Psh.
May mga positive response naman kaya keri lang.
Natapos ko ang game na ang life ko ay isang tira nalang. Kumbaga sa real life, pag may makakabunggo ka, deads ka na.
Umalis ako doon at lumipat sa basketball. Di ako magaling pero nakaka-shoot parin naman. I'm into badminton and baseball kasi. Pasok rin ako sa tenis at di naman ako bad player pag dating sa volleyb.
"Kung ano ang ikinagaling mo dun kanina, nagminus naman pagdating sa basketball." Napalingon ako sa lalaking nagsalita.
Napangiti ako bigla, "Long time no see. "
"Hahahaha. Musta na ang tagos natin? " panga-asar niya. Namula naman ako.
Oo. Siya yung gwapong lalaki na super gentleman na nakakita ng tagos ko.
"So, ano nga pangalan mo? " sabi niya ng nakangiti. Anghel ba 'to? Ngiti ng ngiti e. Kulang nalang pakpak at halo.
"Cyra. Cyra Xaturn Yiva Tan. " sabi ko ng nakalahad ang kamay. Handshake.
"Ang taas naman ng pangalan mo, " natatawang saad niya. Ngumiti nalang ako. "Pero ang ganda. Salute sa nagpangalan sayo. *tawa* I'm Cross. Cross Melchizedek (shout out kay pilosopotasya na nagpangalan sa FC niya sa 23:11 and 11/23. Ang ganda po ng pangalan kaya ginamit ko.) Thompson. " tinanggap niya ang kamay ko at nag-handshake kami.
Nag-usap kami saglit hanggang sa naisipan naming maglaro nalang.
"Alam mo bang tinatawag ka ng mga lalaki kanina ng Timezone Girl? Ang galing mo raw kasi. Yung iba naman Timezone Princess at Timezone Queen. " sabi niya habang nagshu-shoot.
"Ang galing ko raw kasi. " natatawang sabi ko sabay shoot pero hindi pumasok sa ring.
"Oo nalang. " natatawang sabi niya. "Halata nga e. Ang galing galing galing mo sa BASKETBALL e. " nakangising saad niyo.
"Heh! Nakaka-shoot naman ako paminsan-minsan. Palibhasa kasi ikaw, basketball player. " sabi ko sabay irap. Yung di pagalit na irap.
Nai-kwento niya sa akin na basketball player siya. Ace player pa nga ang loko. Kakahiya naman sa kanya. *insert sarcasm*
"Hahaha. Di naman. Medyo lang. " ngumiti siya ng malapad. "Turuan nalang kita. " sabay lapit niya sa akin.
Pumunta siya sa likod ko at hinawakan niya yung bolang hawak-hawak ko. Tinuruan niya ako kung ano ang tamang pose pag magshu-shoot ng bola. Nakakailang kasi hawak niya kamay ko. My gosh. Namumula na ako. Isali niyo pa hiyawan ng mga taong nakatingin sa amin. Binitawan niya kamay ko. Na-dismaya ako. Slight lang. Slight lang naman. Naka-pose pa rin ako ng bigla niyang sinabing i-shoot ko na kaya ginawa ko. Masunurin ako bata.
*Clack*
Napatingin ako sa kanya ng nakabilog ang mata sa gulat.
"Na-shoot ko! "
"Na-shoot mo! "
Sabay naming sabi. Bigla akong naglulundag sa tuwa. Malapit ko na nga siyang mayakap. Perfect shot yun! Pag nagshu-shoot kasi ako, nababangga ito sa ring, at kung sinuswerte, magba-bounce at mashu-shoot.
"Kain tayo? " yaya niya sakin. "Libre ko. Naka-shoot e," sabi niya sabay tawa at hinampas ko naman siya na ikina-aray niya.
Leshe 'to.
******
Kung hindi niyo po kilala si polosopotasya, try searching po. Magaganda po mga stories niya. Try to read 23:11 na ang book 2 ay 11/23. Yan lang talaga na 23 na nagkatuluyan sila at hindi nag-break. Wahahaha. Sinira nila ang record na walang poreber sa 23. 😂
#TeamLeche
#JhingxMiko

BINABASA MO ANG
Four Handsome Devils
Teen FictionPeople always make fun of their own lives. But, what if, life will make them as its game? And Destiny will join?