We only see each other on weekends kasi both of us are working na. Pero depende pa kung when kaming dalawa free. Like ako sometimes I have work on Saturday so Sunday kami nagkikita. Or minsan may game siya or nagcocoach siya. Pero most of the time nag aadjust siya because of me. Mahirap kasi magleave sa field ng work ko. So yun nga weekends lang kami nagkikita. Sadly, ilang hours lang naman yun. Oo, alam ko, maswerte na nga ako dahil nakikita ko siya every week. Yung iba nga ilang months pa until makasama nila ulit yung loved ones nila. Pero alam niyo ba yung feeling na gusto mo lang talaga siyang makasama all the time na whenever hindi kayo magkasama mamimiss mo siya agad na kahit ilang oras na kayong magkasama hindi pa rin enough. Yung hihingk ka pa ng more time sa kanya. Hay.
Nakakainis ako diba? Super clingy. Ewan ko ba. Super maduda pa. Kaya nga tawag ko dito sa sarili ko maduda kasi hindi ako marunong magtrust. Yes I know for a relationship to work you need to trust. Pero may tiwala naman ako sa kanya. Meron talaga but I have moments na I would just think na baka may iba siya na kasama o baka kaya siya matagal magreply kasi may kinaaabalahan na siyang iba o sometimes when we are together and he is texting frequently i will think na may babae siya even when i have full knowledge na barkada lang naman niya katext niya.
I always ruin our day because of "My Moments". Like earlier ang saya saya namin but then nainis ako bigla kasi nagreready na siya umuwi. Na bad trip ako agad. Naisip ko kahapon magkasama kayo ng barkada mo tapos ngayon uuwi ka ng maaga kasi tatambay ulit kayo. Parang unfair lang kasi na ilang oras nga lang kita makasama may kahati pa. Hay.
Nasad pa ako kasi alam mo na bad trip ako pero paglabas ng gate niyakap mo pa rin ako. Kinukulit mo pa rin ako. Yakap ka ng yakap. Binuhat mo pa nga ako. Tinutukso. Tapos ako bad trip pa rin. Tapos yun nga na bad trip ka ma rin sa akin.
Ewan ko ba kung ano ang problema ko. Nakakainis.
BINABASA MO ANG
Not to be loved
Non-FictionMaduda at Mapagmahal .... Ako si Maduda, 22 years old. Hindi mayaman pero may kaya. Magastos pero nasa lugar. Yun nga lang medyo may problema sa utak. Siya naman si Mapagmahal, boyfriend ko. Mas matanda lang siya sa akin ng dalawang taon. Mahal ko y...