Perfect Match #4

3.5K 70 33
                                    

Perfect Match #4


Villa Salvatiera's Kitchen

Kinagabihan nakaramdam ng pagkauhaw si Nica kaya naman nagtungo ito sa kusina. Naabutan ni Victor si Nica sa kusina, sa sobrang kalasingan ni Victor ay hindi nya na alam ang mga ginagawa nya.

"Oh~ nasa bar pa ba ako, ba't may nakikita paren akong magandang babae?"sabi ni Victor at lumapit sa dalaga

"Ah sir?"nagulat na sabi ni Nica 

Papalapit ng papalapit ang mukha ni Victor kay Nica. Kinabahan ang dalaga sa inasta ni Victor. Magsasalita pa si Nica ng biglang, hindi na napigilan ni Victor ang pagsuka, kaya naman nasukahan nya si Nica. 

"AH SHIT! LINTIK NAMAN OH! ARRGGHH!! NAKAKAASAR! Eewww! KADIRI! Whoo! BADTRIP!"daing ni Nica, habang pinapagpagan ang damit nitong nasukahan.

"Oh dad anong ginagawa mo dito? Oh ikaw anong ginagawa mo dito?"tanong ni King kay Victor at kay Nica, hindi naman sumagot si Nica at tiningnan lang si King ng masama dahil sa asar nito sa nangyari, binuhat na ni King ang kanyang ama at umalis.

"Arrghh... Bwiset, lintek na buhay, nakakaasar talaga, sa lahat naman ng pwedeng sukahan ako pa, bwi--"napahinto ang dalaga sa pagsasalita at pagpapagpag ng damit nito ng biglang maghubad ng T-shirt si King sa harap nya. Napalunok ang dalaga bago ito nag salita.

"Ahh si-sir? A-ano po yan?"tanong ng dalaga sa hawak na t-shirt ni King.

"Oh eto gamitin mo , pagkatapos mong gamitin itapon mo na lang"sabi ni King at umalis na, hawak hawak naman ni Nica ang damit ni King habang nakatulala sa naglalakad paalis na binata.

"Ang macho ni sir."wala sa sariling sabi ni Nica habang nakatulala paren sa amo nyang paakyat na ng hagdan.


'Kinabukasan, maagang gumising si Nica para malabhan nya ang damit na pinahiram sa kanya ni King. 
 Nang matuyo ito, hinanap naman nya agad si King para maisauli ang damit ni King. Nakita nya si King na nage-exercise sa labas. Nagsasalita si Nica ngunit hindi nito alam na naka earphone si King.

"Ah sir eto na po pala yung damit na pinahiram nyo sa akin kagabi, pasensya na po kayo kung hindi mabango ha, hindi ko po kasi nadala yung fabric conditioner eh, pasensya na po talaga, bahala ka na sa pagpapabango ha, mayaman ka naman eh, ang dami dami mo ngang pabango sa kwarto mo, basta ikaw ng bahal-- teka nga, sir? sir?~"sabi ni Nica, dahil sa napansin nitong parang hindi nakikinig ang sir nya, nang silipin nya ito ay nakita nyang naka earphone ito kaya naman.

"Kaya naman pala hindi ako naririnig eh"sabi ni Nica at biglang tinanggal ang isang earphone ni King at tsaka..

"SER!"sigaw ni Nica sa tenga ni King.

"ANO BA! ano na namang ginagawa mo dito?"

"Eh kasi naman sir, ibabalik ko lang naman sana tong t-shirt na pinahiram nyo sa akin kagabi , eh kaso mukhang wala naman kayong pake---"

"Alam mo nakakairita ka na eh, ang daldal daldal mo at ang ingay ingay mo, pag ako naasar sayo hahalikan na kita ng tumahimik yang bibig mo"sabi ni King na nakaagaw ng atensyon ni Nica, aminin man nitong gusto nya na mangyari iyon ngunit hindi pwede.

"EW~ SIR? Halik mo? YAK~ Hahaha nagpapataw--"naputol ang pagsasalita ni Nica nang bigla syang hilahin papalapit ni King, kaya naman agad na napapikit ang dalaga sa nangyari, inaasahan nyang maglalapat ang kanilang labi ngunit hindi nangyari iyon.

"WHAHAHAHHA!"tawa ni King bigla naman minulat ni Nica ang mata nya at nakitang nakatalikod na si King sa kanya at tawa ng tawa.


"Anong nakakatawa?"

"Ikaw!"sabi ni King at tinuro ang dalaga gamit ang isang kamay habang ang isang kamay nito ay nasa tyan dahil sa kakatawa.

"Ikaw ang nakakatawa, kasi akala mo talaga hahalikan kita, ASA ka whahaahaha, Dun ka na nga, istorbo ka sa ginagawa ko eh."sabi ni King at tinalikuran na nito si Nica at sinalpak ulit ang earphone sa tenga. Pabulong bulong naman na umalis si Nica.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Perfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon