Fall 1

0 0 0
                                    

Kim's POV

Simula kaninang 7 am pa kami dito sa gym. Linggong linggo pero may pasok kami. Finals na kasi ng PE namin. Gaya ng nakasanayan, Sports Feast ang event. Lahat ng mga sports na ginawa namin from Prelim to Finals ay gagawin namin ulit dito.

All students are group into four colors - green, blue, violet at kami red. Wala naman sana akong event na sasalihan ang kaso lang nagkakulang ang members ng Patentero.

Kami ang offense kanina at unang laro palang nahuli na ang kasama namin. Ngayon, kami naman ang defense. Sana lang di sila makabalik.

"Pupwede bang yumuko? Gumapang?" Tanong ng kalaban namin. Red vs Blue ngayon.

"Yes pwede." Sagot ng isang committee na siyang nagpakunot ng noo ko. What did he say?

"Anong gumapang? May nakita ka bang nagpapatintero na gumagapang?" Medyo may galit kong sabi.

Kanina pa sila. Wala silang orientation sa mechanics. Daretso laro. Nung sa PE teacher namin, bawal ang gumapang. Bwisit. Edi sana nagsigapangan nlng kaming lahat!

Kami na ang last group na maglalaro. At simula sa unang grupo, ni isa walang gumapang! Mga bwisit. Gagawa sila ng mga bagong rules kung kailan nagsimula na ang laro. Pumapabor. Porket education ang mga naglalaro at education ang mga referee, bwisit.

Halos di na maipinta ang mukha ko. Buong laro, mainit ang ulo ko. The ended, 8-11. Talo kami.

Nagsibalikan na lahat ng players, kaya nagsibalikan na din kami. Kinalma ko nalang ang sarili ko kahit alam kong impossible.

"Bwisit na bakla!" Yung baklang PE teacher kasi ang nagfacilitate. Super bias!

°°°

"GO RED TEAM! GO! GO! GO" Sigaw ko.

Naglalaro kasi ang Boys namin ng basketball. Kailangan nilang maipanalo ito. Nanalo daw kasi kanina ang Volleyball Boys. Sayang at di kami nakakita!

Medyo intense ang laro. Nagkakainitan kasi yung kalaban namin, namimisikal. Nagagalit tuloy ang mga kagrupo namin.

"Gel, bakit nasa green team si Constantino?"

"Nagshift sila ng girlfriend niya. Nung araw na nagshift yung girl, nagshift din siya." Sabi niya pero nakatingin pa din sa mga naglalaro.

"Talaga?" Kahit kailangan talaga di sila mapaghihiwalay. Kung makaasta, parang meant to be na talaga. Well, desisyon nila yan.

"Kim! Bilis!" Napalingon ako sa kaklase ko.

"Bakit?"

"Patintero! May losers bracket pa daw!"

Dali dali akong bumaba sa bleachers. Padating ko sa venue...

"Okay. Dahil ang tagal niyo, talo na kayo. Kung bakit kasi hindi kayo naghintay." Sabi nung baklang PE teacher.

Bwisit siya!!! Nakakabadtrip. Nakasaad ba sa rules namin yung ganun?

"Wala nang laro. Winner!" Sabi niya sabay turo sa violet team. "Loser." Saka niya kami tinuro.

Bwisit na bakla. Bwisit. Kahit masakit, tinanggap nalang namin. Nakakabadtrip.

Natapos na ang laro ng boys. Fighting for champion sila. Kahit na nakakabadtrip ang mukha nung bakla, ayoko namang magka wrinkles.

Nagsibalikan sa school ang mga studyante by 1pm. Nakatulog din ako saglit. Medyo masakit kasi ang katawan ko kahit na wala naman akong masyadong ginagawa.

"Kim! Eto oh." Inabutan ako ni Angel ng mani na nasa isang tupperware.

Sobrang laki ng ngiti ko. "Salamat!" Basta pagkain talaga, go na go ako!

Let's Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon