Kim's POV
Yesterday was nice pero sa kasamaang palad, 2nd runner up lang kami. But still we did our best.
Pumasok ako sa yearbook office kung saan ako scholar. Araw araw kaming may trabaho kapalit ng libreng tuition. Hindi din naman mabibigat ang mga gawain kaya ayos lang.
"Good morning." Nakangiting bati ko.
"Mukhang good mood ka ah!" Puna ni Ate Ja sa akin.
"Wala lang. Tapos na kasi ang PE at least nabawasan na ang mga alalahanin." Binuksan ang computer. Tutal wala naman akong gagawin ngayon facebook na lang muna ako saglit. I searched his name.
King Santiago
Pagkakita ko sa results, nakita ko agad yung kanya. I clicked it and check his profile.
Ibang iba siya sa picture. Hindi siya masyado gwapo kumpara sa personal. Tiningnan ko pa ang mga post niya.
Wala naman siyang mga status, puro lang shares. Baka lamg din naka only friends lang kaya di ko makita ang iba. Gosh! Why so gwapo?
Base sa mga shares niya, athletic talaga siya at concious sa body. Mga workouts o kaya healthy foods kasi ang madalas niyang ishare.
4,896 friends
11 mutual friends
Grabe naman. Yung mga classmates ko friends na sila. Tapos yung sir pa namin friends din sila. Well, dean din naman siya sa Engineering Department kaya ganun din.
Breathe in. Breath out. Kalma Kim! Kahit nakakahiya, go na ako. Sayang ang opportunity. Pikit mata kong clinick ang friend request button.
Bahala na kung mafollow ko siya. Gosh! Lumalabas pa naman sa notification kung nafollow mo ang isang tao. Pero bahala na!
Pagdilat ko sa aking mga mata...
Friend request sent!
Gosh! Totoo ba to? Nakapagsend pa ako? Di ko mapigilang mapangiti ng todo. Sana naman iaccept niya ako!
"Hoy Kim! Ikaw huh. May HD ka kay King. May pastalk-stalk ka pang nalalaman." Natatawang sabi ni Kuya Paul.
"W-wala ah!" Dali dali akong nag logout. Nakakahiya! Computer Engineering ang course ni Kuya Paul at dahil kokonti lang sila, hindi na ako magtataka kung kilala niya si King.
"Don't be shy. Normal lang namang magkacrush ah? At least hindi na lang puro KPOP ang nasa isip mo." Natatawa nitong sabi.
Lumapit ako sa kanya. "Basta satin satin lang to, Kuya, ah? Nako! Nakakahiya pag nalaman ni King. Baka madiscourage siya sakin! Hindi ko pa nga siya nakikilala, tal-ob na ang plano ko."
"Plano?" Hindi makapaniwalang saad niya.
"Ikaw Kim ah! May paplano plano ka pang nalalaman." Singit naman ni Ate Ja.
"Syempre. At least man lang kahit friends nalang? Choosy pa ako? " kahit yung lang okay na sakin. Sana lang maging magkaibigan talaga kami.
"Sige po alis na muna ako. Papasok lang ako sa klase." Sabi ko saka kinuha ang bag ko bago lumabas ng office.
---
Pagala gala lang ang paningin ko sa mga rooms. Saan ba kasi siya?
"Kim!"
Ibinaling ko ang paningin ko kay Reah na nasa harapan ko. "Bakit?"
"Nakikinig ka ba? Baka kasi recite ako ng recite sa harap mo pero sa iba ka nakatuon." Nakasamid niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Let's Fall In Love
Подростковая литератураKim Fernandez 💝 King Santiago Yan lang ang gustong mangyari ni Kim. Pero paano niya maisakatuparan ang pangarap niya? Kung ultimo paglapit lang sa lalaki di niya magawa? Isali mo pa ang dalawang asungot na gugulo sa mga plano niya. Paano na? Never...