Reign's POVWow! This is gonna be a great week! Wohooooo after ng sandamakmak na school works eto na! Ang aming pinaka-iintay na camping! As childish as it sound, mukha mang pang-elementary pero this is what we need ang malayo sa pollution sa city at makalanghap naman ng sariwang hangin.
Ang sarap sa feeling dahil finally makakalayo kami kahit panandalian lang sa maingay at magulong paligid ng siyudad. I am inlove with nature!
Oo nga pala! My name is Hariette Reign Blazeon or Reign for short. I am a sweetheart with a big interest of adventure and nature. Oh diba? Rhyme pa sila Hahaha! I am 17 yrs old and a freshman student currently taking BS Administration. Kahit kadadating palang namin dito sa campsite which is located at Tagaytay I can feel that this will be fun! Maraming activities ang nakalatag para sa fun and enjoyment ng lahat at most importantly para makapag-bond kami sa other departments.
Ang ganda ng spot na nakuha namin dahil isa ang block namin sa mga naunang dumating. Isa itong open ground na may space na sasapat na para sa aming lahat kung saan kitang kita mo ang taal lake at I'm sure the sunset and sunrise here will be breathtakingly beautiful.
Lumapit ako dito at tumayo malapit sa edge ng cliff. Malayo layo naman ito sa camp namin kaya I'm sure wala naman mahuhulog dito, Siguro Hahaha.
*poink*
Diko na kailangang lumingon patalikod para malaman kung sino ang gumagambala sa pag-aapreaciate ko nitong lugar. Cause I know that it's my annoying childhood bestfriend. Cumulous Nixell Delacroux.
"Ano ba Xell nag-eemo ako dito istorbo ka dyan eh!" Nakabusangot kong sabi na hindi parin lumilingon sakanya.
"Eh kasi naman Reign yung iba matatapos na mag-set-up ng kanya kanya nilang tent tayo nalang dalawa ang hindi." Sabi niya habang patuloy parin siya sa pagtusok sa likod ko gamit yung pole ng dome tent niya.
"Haist oh sige set-up na natin mga yan" Naglakad ako papalapit sakanya at nag-simula ng ilatag ang single size dome tent ko kung saan nakadesign lang ito para sa isang tao. Una, tinulungan ko muna si Xell sa tent niya and nung natapos na namin ginawa yung sakin at ipinuwesto sa tabi ng sakanya. Napansin kong halos yari nadin ang iba at nag-aayos na sila ng mga gamit.
Maganda at organized ang pagkaka-layout ng mga tents kung saan nasa una ang mga maliliit at nasa bandang likuran naman ang mga malalaki bawat tent ay may pagitan na 2 persons apart. pagkatapos namin maiayos at makutento sa puwesto namin ay nilagyan na ito ng peg para hindi madaling magalaw.
Habang nag-aayos kami ng gamit ay hindi maiwasan ang kulitan naming dalawa ni Xell. Komportable na kami sa isa't isa dahil we know each other since nung bata pa kami. Malapit na magkaibigan at bussiness partners kasi ang aming mga magulang kaya halos lagi din kami magkasama.
Sa pag se-set-up ng mga tent hindi namin namalayan na medyo madilim na pala kaya naman inaya ako ni xell para mag pahinga. Inayos muna namin yung mga gamit namin sa kanya kanyang tent namin tapos nag lakad-lakad kami tsaka umupo sa isang gilid.
Medyo napagod ako kaya naman ipinikit ko muna yung mata ko para mag relax ng bigla kong maramdaman na sinandal ni xell yung ulo ko sa balikat nya.
"Ayan para mas komportable ka."- nakangiting saad niya hindi na ako umangal kase sanay naman na ako na ganyan sya sakin. Pinikit ko na lang ulit mga mata ko para I feel yung katahimikan ng bigla kaming makarinig ng ingay mula sa likod namin.
"Ano meron?"- Tanong ko.
"Parang may nagpa-party dun sa gawi don."- sagot nya napaisip naman ako bakit may mag pa-party eh bawal yon unless may program kami patungkol sa camping na 'to.
Tumayo bigla si Xell tsaka ako hinila. "Teka san tayo pupunta?"- Gulat na tanong ko.
"Titingnan natin yon mukang masaya eh." Aangal pa sana ako pero bigla na niya akong hinila sa sa campsite ng ibang course na ka schoolmate ko na mga halatang nagkakasiyahan.
Pag dating namin don lahat sila naka palibot sa isang malaking Bonfire at may malakas na tugtugan tapos sa isang gilid may mga lamesa na puno ng pagkain at iba't-ibang klase ng inumin. Teka Mali to nararamdaman ko bawal to eh.
"Hi Bro! Bakit kayo nagawi dito?" Bati ng isang lalaki na hindi ko kilala na lumapit samin tsaka sila nag apir ni xell.
"Narinig namin na nagkakasiyahan kayo eh. Ano meron? Diba bawal to?" – tanong niya.
"Walang bantay eh pinatawag may aasikasuhin pa kaya bukas pa kami may bantay. So Kaya eto kami Party Party! Sali na kayo dali!" – Pag anyaya nya samin.
"A-ah Sorry pero kailangan na kase naming bumalik enjoy na lang kayo." – Epal na sagot ko tsaka ko hinila sila nixell. Hinila ko sya ng konti para kausapin ayoko neto baka mahuli kami lagot kami halaaaa.
"Reign C'mon saglit lang to tapos babalik din tayo sa campsite natin Please? Boring naman don eh."- Pagpupumilit ni Xell
"Xell bawal nga pano pag hinanap tayo? Pano pag nahuli tayo? Bahala ka."- Sagot ko
"Ako nga bahala sayo sige na minsan lang to para naman mafeel mo yung mga ganitong bagay." Pasagot na ko ng bigla nya akong hinila sa gitna ng mga students na nakapalibot sa may bonfire.
"Xell pag tayo napahamak swear! Ibabaon kita sa lupa." Medyo inis kong sagot Lord kayo na pong bahala sakin Halaaa party lang naman po eh diba? Mabait naman po ako.
Habang nag iisip ako ng rason para sa kautuan na ito umiikot yung shot glass na may laman na nakakalasing na inumin sa lahat ng naka palibot katabi ko si Xell na tuwang tuwa habang nakikisabay sa indayog ng musika. Nung malapit na sakin yung shot glass umiling ako dahil hindi talaga ako sanay uminom.
"Wohoooo! Inumin mo naaa!" Sigaw ng lahat medyo kinakabahan ako nakakhiya lahat sila nakatingin sakin.
"C'mon reign Inumin mo na Pag ininom mo yan ako sasagot ng lahat ng gagastusin mo sa vacation sa France ipagpapaalam pa kita kay Tita Diba kailangan mo ng kasama? Ako na bahala." Pang aakit ni Xell medyo napaisip ako kase matagal ko ng gusto pumunta don pero hindi ako makapag paalam tas kailangan ko ng kasama. Halaaa France yon e!
Napalunok ako tas agad kong hinablot yung shot glass tsaka dire-diretsong ininom yung laman non tpos lahat sila na "Whoooa!".
"Nice one Reign." Saad ni xell tsaka ngumiti sakin inirapan ko na lang sya for my vacation sake! Shemaaay Hala lagot na talaga ako neto.
Patuloy na umikot yung shot glass hanggang sa nakakailang inom na ako medyo nahihilo na din ako tanging naririnig ko na lang ay ang mga malalakas nilang tawanan at kanatahan pati narin ang mga halakhak nila.
Ramdam ko na kahit kaunting rounds palang ang naiinom ko ay ang unti-unti ng pag-kawala ng control ko sa sarili at ng hindi kona talaga kaya nag-paalam na ako sakanila.
"Xell balik na ako diko na kayaaaa" medyo slurry na sabi ko sakanya. Tumango naman siya sandali at saka itunon muli ang kaniyang pansin sa kanilang ginagawa.
Pasuray suray kong tinungo ang akong tent at agad na natulog dahil sobrang hilo na talaga ako.
*TBC*
----------------------------------------------
Hi! Jer here! Sana magustuhan niyo ang first story ko na ipupublish here sa wattpad i just want to share my imaginations and perspective among things especially sa sexuality ko. I am an out bisexual but unfortunately hindi tanggap. But moving on, back to the story i really do hope that you will love it. Ciao!
BINABASA MO ANG
Evenfall
Teen FictionDo you believe in Neverland? Do you believe that what you wish will come true? Life is full of unexpected happenings. And great things happen at unexpected times. Sometimes when you're nearly giving up on your life there is when you'll meet the per...