Trisha's POV
Waaaaaaaaaah! Ano ba 'to. Boring ng chemistry class namen, idagdag mo pa yung katabi mong makulit na gumugulo sayo 'di ka mababadtrip?!
"Oy Trishhaaaa! Makinig ka naman oh! Dali na kasi ganun nga yun tapo.."
"PWEDE BA QUIELLE CRUZ VICTORIANO TIGILAN MO KO?! KITA MO NG INAANTOK NAKO SA LETSENG KLASE NATO!!"
"What did you just say Miss Villamor?" - Ma'am David
(_ _") "Sorry Ma'am. It was just.. Ahh. Hm..." Sh*t! Bakit wala ko masabing magandang dahilan?! Nabobo na ba ko.
"What Miss Villamor?" - Ma'am David said while looking at me coldly. Ayaw nya kaseng iniinsulto ang pinakamamahal nyang subject, pag may nagsabi na boring yun, HALA! Magkamatayan na. Tsk. Bwisit kasing Yanong hilaw nato! Tsk. Humanda to mamaya.
* Riiiing *
"Yehey! Labasan naaa!" - classmate1
"Tara DOTA na mga pare!" - classmate2
"Leggo!" classmate3
"Bye Ma'am!" ^_^ - Yano, sabay hila sakin.
"Wew, that was close. Saved by the bell." ^_^
"And no one can save you from hell."
(,--)Q (O.o)
Me Yano
(,--).-O ~~~~~~~~~~~~~ ..
"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhh!" Takbo ng mabilis.
Tss. Di pa man nakatingin sakin alam na gagawin ko, agad tumakbo. Ganyan ako magalit walang sinasanto lalo na yang mga lalaki pa yan. Tsh. Subukan lang nilang inisin ako.
"Yow Trish!" Napangiti ako, kilala ko tong boses nato.
"Hey Drew!" ^_^
"Napano si Yano? Nakita kong tumakbo palayo? Hmm. Ginalit kano? HAHHAHAH."
>///< Waaa. Ang cute nya talagang tumawa. Ano ba yan. :))) OO! Tama, crush ko si Drew, di lang halata. Hoy kahit na galit ako sa mga lalaki diko padin maiwasan to no, tsaka kilala ko tong isang to. Kaya nga crush ko eh.
"Hoy Trisha! Bat tulala ka sakin? Crush mo ko no? HAHAHAHA."
"A-aanoo?!" Sh*t bat ba nabubulol ako?
"Joke lang! Eto naman dina mabiro. Tara na nga sa canteen para mawala yang negative vibes na bumabalot sa katauhan mo" ^_^v
"Tss." At nauna nakong lumakad. Wew, akala ko naman nahalata nako. Nakakastress mga tao! Makakain nalang nga.