chapter 1

9 0 0
                                    

Please  observe more typos in this story.
Read at your own risk.

By;Dude_Mis





*Zaid Drio Gelvertson*

Ayon siya!!!!!hulihin niyo dalii!!
Sigaw ni Rome sa kanyang kapuwa mga bodyguard upang hulihin ako.

Grabe kanina ko pa sila nais iligaw pero hindi ko magawa,masiyadong madikit ang kanilang tingin sa akin,ni hindi man lang nila maituon ang kanilang tingin sa ibang bagay.

Binilisan ko pa ang pagtakbo upang hindi nila ako maabutan kahit na nahihirapan ako dahil sa saklay kong malaki at mabigat na bag.

Kanina pa kami sa katatakbo,kanina pa sa kasusunod at kahahabol sa akin sina  Rome at ang kanya pang kasamang ibang bodyguard para hulihin ako.
Ngunit ni isa sa kanila ay wala pang sumusuko o tumitigil sa paghahabol sa akin.

Liningon ko sila,
Nagbabasakaling hindi na nila ako hinahabol,ngunit patuloy parin sila sa kasusunod sa akin, wala man lang akong nakikitang
Pagod sa kanilang mukha.

Grabe !!,mga tao pa ba sila?!anung klaseng katawan meron sila?hindi man lang sila napapagod ni wala man lang akong makitang pawis na tumutulo sa kanilang mga mukha
,samantala ako hingal na hingal na,parang anumang oras ay bibigay na ang aking katawan sa sobrang pagod sa katatakbo.
Halos maligo narin ako sa sarili kong pawis.

"Dalian niyo,,mahuhuli na natin siya,,"
Sigaw muli ni kuya Rome

Pakarinig ko nun ay binilisan ko pa ang pagtatakbo,halos ibigay ko na ang buong lakas ko.

Hindi dapat nila ako mahuli,dapat matakasan ko sila.
Mawawala lahat ng pagod ko kung mahuhuli man lang ako nila sa huli.

Ayoko nang umuwi ulit sa mansion,,
Para sa ano pa,para ikulong na naman buong mag-damag sa kuwarto ko?
At pilit pinapaaral at tinuturuan tungkol sa kompanya,how to be a perfect business man,How to manage a company o business.
Mga ekek!!okok!!

Oh C'mon!!lalaki ako,hindi naman ako babae para ikulong sa kuwarto buong magdamag,hindi ko rin naman pinangarap maging isang businessman.
Gusto ko lamang ng simpleng pamumuhay.
iyong nagagawa ko ang gusto ko,

Gusto ko lamang magsaya,magparty,at ienjoy ang pagiging binata.
Hindi sa ganoong bagay nakakabagot,nakakahilo iyon sa utak.

Halos naitutulak ko na ang mga taong nakaharang sa aking dinadaanan,
At halos masagasaan narin ako ng mga nasasalubong kong sasakyan.
Pero hindi ko ito pinapansin kahit sinisigawan na ako ng ibang driver,dahil sa aking pinagkagagawa.

Kailangan kong makaisip ng paraan para hindi na nila ako masundan,
Ngunit papaano?
Kailangan ko ng tulong.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng aking pantalon.

Habang panay ang aking takbo,
Patuloy naman ako sa kahahanap ng number ni Kevince upang siya'y tawagan.
Siya lamang ang aking naiisip sa ngayon hingian ng tulong,
Bukod sa magtropa kami ,magkapatid na rin ang turingan namin sa isa't isa ,siya ang kabarkada ko na dinadamayan ako pag ako'y may problema.palagi niya akong binigyan ng advice which is effective naman at nakakatulong talaga sa akin.

Sure ako nito na matutulungan niya ako.

Halos di ko magawang tawagan at maidial ang number ni Kevince dahil panay parin ang  aking takbo.
iba ang aking napi-press.

Hindi nagtagal ay nagawa ko rin sa wakas na maidial ang cellphone number ni Kevince.

Thanks god,

*Dialing*

Kringgg,,,

Kringgg,,,

Maya-maya lamang ay nakarinig na ako ng boses mula sa kabilang linya,,

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Doom UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon