Chapter 4: Welcome to Magian Academy

20K 597 40
                                    


Athena's POV

Nakaramdam ako ng lambot habang inuunat ko ang mga kamay at paa ko habang nakapikit. Bakit parang kama yung puno na tinulugan ko?

Anlambot naman ng punong ‘to.

Ganto ba talaga pag nasa gubat ka? anlambot, kaya ang sarap matulog eh.

Teka…malambot? Unti-unti kong dinilat ang aking mga matang maganda.

Oo maganda mata ko noh!

Isang puting kisameng mataas, malamig na paligid at lahat ng kagamitan na nasa paligid ko ay puro puti. Katamtaman ang liwanag ng paligid dahil tanging liwanag mula sa labas ng bintana ang pumapasok sa loob ng kwarto kasama ang lampshade na nasa side table ng kama. Nakahiga ako sa isang hospital bed ata ‘to at may blue carpet sa gitna ng kwarto. Hindi masyadong madilim kaya makikita pa naman ang lahat ng nasa paligid, dahil malinaw pa ang mata ko.

Wait.

Hindi ba nasa gubat ako? Patay na ba ako?

Tiningnan ko rin ang damit ko. Anak ng jusko! may nang rape ba sakin?! Bakit iba na yung suot kong damit?!

*eiiiikkkk* A/N:(tunog ng pintong binuksan)

"Oh, gising kana pala Miss," sabi ng babaeng pumasok and I’m shocked to her appearance. 

She has grey hair and eyes. Pinagmasdan ko pa siya from head-to-toe dahil nakakaintimidate yung presensya niya. 

I was stunned.

This girl also wears a crisp white blouse with short sleeves, neatly tucked into a pleated dark purple skirt that falls just above her knees. The uniform is complemented by a dark purple blazer, tailored to fit her form, with a sharp collar and neatly sewn buttons. On the left side of the blazer, a school logo is embroidered, standing out in gold and white thread. The logo depicts a stylized emblem, perhaps a shield or a crest. She pairs her outfit with knee-high white socks and polished black shoes, her hair neatly styled to complete the tidy, polished look of her school uniform.

Grabe, ang ganda niya.

“Hello, girl?” sabi niya while waving her hands para makuha atensyon ko.

Nakakahiya! I was staring at her for too long, omg!

A-ahhh…ehhh” nautal nalang ako dahil hindi ko na alam sasabihin ko dahil nga sobrang gulat ako. 

“Huwag kang matakot, hindi kami masasamang tao. We saw you in the forest and dinala ka namin sa clinic ng academy para makapagpahinga. We thought of you as a white magians kasi nakalagpas sa barrier sa enchanted forest. Usually kami lang–I mean tayo lang talaga ang nakakalagpas sa barrier” 

Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya, parang blurred lahat sa akin lahat ng mga binitawan niyang salita na hindi familiar sakin. Ano ba mga sinasabe niya? 

Barrier? Enchanted Forest? White Magians?

A-asan ako?” yan na lang tanging nasabi ko. I was confused lalo na at hindi ko siya kilala at kung sino man ang mga kasama niya sa labas ng kwarto na ‘to. 

Mamaya magandang kidnapper pala siya. 

"Ay di mo ba alam ang lugar na ito? or ‘hindi mo lang alam dahil nasa clinic ka?” sabi niya na may halong kuryosidad at umupo pa sa upuan sa side table ko at binuksan ang lahat ng ilaw. Mas lalo nagliwanag ang kulay ng mata niya, ang ganda.

"Teka nga, asan ba talaga ako?" sabi ko dahil medyo natatakot nako kasi lumapit nga siya. 

Athena, nahahalatang takot ka sa tao, umayos ka jusqo!

MAGIAN ACADEMY : The Legendary Princess | UNDER REVISION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon