Eight

8.3K 35 4
                                    


"Sinet-up kita sa blind date. Bukas yun ng Sabado, alas sais ng gabi sa KTV BAR... H'wag kang mag-alala,Gwapo yun at mabait. Mas Gwapo pa kay Adonis at magaling yun sa kama"

Parang patuloy pa ring nag-sasalita si Jhen sa loob ng isipan ko. Ugh!  ayoko sanang pumayag kaso sabi ni Jhen ipopost daw niya yung mga pangit kong stolen pictures sa cellphone niya. Nakakainis talaga siya! Ba--

"Hey Aira!" Nicca snapped her fingers infront of me.

"H-huh?"

"Kanina ka pa d'yan tulala. Iniisip mo yung pinsan ko noh? Don't worry ayos lang siya pero nahihiya lang yun sayo dahil may chicken pox siya." nginisian niya ako.

Kaya pala! Kaya pala absent si Kiefer buong mag-hapon. Tapos hindi pa siya nag-rereply sa mga texts ko. Hay. Kiefer talaga. 

"Ah Okay. Pwede ko siya dalawin mamaya?"

"Susmarya,Aira! Gustong-gusto ka nung makita kasi pag-dating ko sa bahay kanina,ikaw agad ang bungad niya,kung kamusta ka na raw,ano daw ginagawa mo,may mga lala--" bago pa siya makatapos sa mga sasabihin niya tinakpan niya agad yung bibig niya.

"Nevermind this naughty mouth of mine,Ayr. I'm so madaldal talaga,but fretty!" she said it cheerfully. Bata-isip talaga. Tsk,tsk.

"Pero Aira." tinitigan niya ako ng mataman sa mata...
"H'wag mo na siyang dalawin,mag-tatago lang yun sayo kasi ayaw niyang makita mo yung mga bakat ng chiksy poksy niya,oke?"

I nodded. Maiintindihan ko naman si Kiefer eh. Kahit ako,kung may ganun,aba hindi ako lalabas ng isang linggo noh!

"Okay Aira,tama na ang chikabels. Ipagpatuloy na natin ang tutorial lessons,wag mo nang abalahin si coz,may tamang panahon din kayo"

-*-*-*-

Tinignan ko yung suot ko sa salamin from head to toe. Naka red tube dress ako na maiksi abot hanggang pwetan lang,kita tuloy yung matambok kong pwetan tapos exposed pa yung cleavage ko. Goodness! Sure ba talaga si Jhen na date yung pupuntahan namin eh parang isa na akong callgirl eh!

"Oh,ba't naka-kunot yung noo mo?"
Tanong sa'kin ni Jhen na naka-suot ng White cocktail. Kitang-kita din yung cleavage niya pati yung hubog ng kanyang mountains,gosh. Grabe naman tong si Jhen. Tapos mag-kasinglaki din kami ng pwetan,pero mas makikita mo talaga ang ganda ng hubog niya. ay! Inggit ako. Joke lang!

"Eh kasi Jhen,mas maganda ka pa sa'kin eh" pag-bibiro ko kamo.

"Asus. Parehas tayong maganda,gaga ka! Lika nga pulahan natin yang lips mo."

I quickly shook my head.

"Di na! Okay na tong light. Baka mas mag-mukha pa kong callgirl neto"

"Tanga! Hindi noh. Ang ganda-ganda mo kaya. Sigurado akong magugustuhan ka nun. "

Oh,gosh.

-*-*-*-

"San na ba sila?" tanong ko kay jhen. kanina pa kami palinga-linga dito sa ktv bar eh. Nahihiya na nga ko dito,kasi yung mga lalaki ang ga-gwapo kaso ang mamanyak nila,kanina pa sila tingin ng tingin sa'minni Jhen yung iba binabati si Jhen tapos sipol ng sipol,jusko! Ano ba tong pinasok ko?

"Ayun,ayun na sila!" turo niya sa isang lamesa na may dalawang lalaki,yung isa Varsity ng school namin pero yung isa di ko pa namukhaan hanggang sa...

Shit! Si Rafael ba yan?!

"Hi Boys!" may bahid ng pag-kamalandi sa tono ng pag-sasalita ni Jhen. Knowing Jhen she's obsessed with boys eversince she was born,wala kasi siyang tatay eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Innocence Of A MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon