Nakikita kong kilig na kilig talaga si Ate Heart habang kausap niya yung asawa niyang uuwi mamaya dito galing Australia.
Kahit asawa na niya si Kuya Harold para pa ding teenager kung kiligin si Ate Heart eh! Lakas siguro ng charisma ni Kuya Harold.
"Sige Bee. I Love you too!" sabi ni ate Heart bago niya binaba ang telepono.
Nakakatuwa naman ang endearment nila. Ako kaya? Kailan kaya ako mag-kakaron ng ka-Iloveyoutoo? Hay! Tumigil ka na nga sa kaka-imagine mo Aira!
Ngingi-ngiti si ate habang nakatingin sa'kin.
"malapit na si Harold. Hintayin na natin siya sa labas" sabi ni ate.
Lumabas na nga kami at pag-katapos ng ilang minutong pag-hihintay may humintong magarang sasakyan sa harapan ng bahay namin.
"Harold!" hagikgik ni ate,kahit na wala pang tao na lumalabas mula sa sasakyan.
Bumukas ang pinto ng sasakyan at iniluwa non ang napaka-gwapong si Harold este Kuya Harold,tinignan ko siya maigi sa hitsura at parang mag-kasing edad lang kami ah?
Parang slow-mo ang pag-lalakad niya at bawat hakbang niya nawiwindang ako at kumakalabog ang puso ko.... Wait... What? Am I drooling to the husband of my cousin? Oh God! NO WAY!
Nagising lang ang diwa ko ng mag-salita si ate.
"Aira,kinakausap ka ng Kuya Harold mo"
Sa mga kabaliwang pag-iisip ko hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala si Harold este Kuya Harold.
Gwapo siya sa Picture pero mas gwapo pala si Kuya Harold sa Personal!
"Hi Aira." bati sakin ni Kuya Harold na may.... seducing voice? Haaynakupo. Nag-iilusyon lang talaga ako.
"Aira?"
"Ah. Hello po" binati ko na din siya. Whew!
Tumalikod na siya sakin,inakbayan niya pa si Ate Heart at nag-lalakad na sila ng sabay nang...
Bumaling pa siya sakin... Nginitian niya ako in a seducing way at kinindatan pa!
Hindi naman siguro masamang mag-karoon ng kaunting pag-ka-crush sa asawa ng pinsan ko noh?
BINABASA MO ANG
The Innocence Of A Mistress
Narrativa generaleThe story of the innocent mistress named Aira. (SPG. MANY INAPROPRIATE WORDS NOT SUITABLE FOR YOUR EYES TO SEE)