chapter 12

36 1 0
                                    

kasalukuyan akong naglalakad papunta sa bahay pero may kakaibang kotse ang nakaparking sa tapat ng bahay namin! parang may mali ng makita ko yun.

pagdating ko sa tapat ng bahay namin bigla namang umalis nun kotse! ang weird!!

"maaaa?" pagtatawag ko kay mama

"oh anak nanjan kana pala" sabi ni mama

"kararating ko lang po ma" sabi ko

"oh ano? nasarapan ba si kyle sa binake mong cookies?" tanong sakin ni mama

"opo naman ma! nasimot nga eh" pagmamayabang ko kay mama

"anak alam kong alam mo na nagkakagusto kana kay kyle, wag kang mahihiyang magsabi saakin ha?" sabi sakin ni mama! nagkakagusto na kaya ako sakanya?

niyakap ko na lang si mama

"ma! teka? napansin nyo ba yung kotse na nakaparada kanina sa tapat ng bahay natin?" pagtatakang tanong ko kay mama

"oo nga anak! kanina ko pa nakikita na nakaparada sa tapat ng bahay natin yun! di ko nalang pinapansin! nandyan pa ba?" tanong sakin ni mama

"wala na ma! kanina nung pauwi na ako dito bigla nalang umalis! nakita ata ako" sabi ko

"ganun ba? sige umakyat kana sa kwarto mo" sabi sakin ni mama

umakyat nalang ako 1:00pm na pala! makatulog ka muna! mamaya pa naman ako susunduin ni kyle

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

nagising ako ng 4:15! WHAT? 4:15 NA? may pupuntahan pala kami mamayang 5:00

agad akong tumayo sa kama ko at dumeretso sa CR para maghilamos at magbihis..

"ma alis po muna ako ha?" pagpapaalam ko kay mama

"san kayo pupunta anak? bakit bihis na bihis ka?" nagtatakang tanong sakin ni mama

"basta ma" sabi ko

"oh sya sige anak! ingat kayo" sabi ni mama

"kayo?" tanong ko kay mama

"oo anak! KAYO! kanina pa nagaantay si kyle sa labas eh" sabi sakin ni mama sabay ngiti

"si mama naman! hindi man lang ako tinawag! napaghintay ko pa tuloy sya" nakasimangot kong sabi

"joke lang anak! kadarating lang nya! sige na! pumunta na kayo sa pupuntahan nyo!" sabi saakin ni mama

hinatid ako ni mama sa gate at nakita ko ang napakagandang kotse na nakaparking sa labas ng bahay namin at sakto namang humarap saakin si kyle! napanganga nalang sya ng makita nya ako

"WOW monica! you look gorgeous today" nakangiting sabi sakin ni kyle! kung nakikita nyo lang yung mukha nya! as in amaze na amaze talaga sya ! naramdaman ko ang init saaking pisngi! WHAT! NAGBLUBLUSH AKO? GOSHHH! DAPAT DI NYA MAHALATA

"nambola kapa! ikaw din" sabi ko sakanya! hindi ako makatingin sa mga mata nya gosshhh

"uy nagblablush sya!" sabi nya saakin! sabi na nga na wag ipapahalata eh tsskk..

"tita monique mauna na po kami" sabi ni kyle kay mama

"o sige na! dapat 9:00pm nandito na sya ha?" sabi ni mama

"sige po tita hahatid ko nalang po sya dito mamaya" magalang na sagot nya kay mama

nagwave na ako kay mama at sumakay na sa kotse ni kyle

pumunta kami ng mall at!!!!

itutuloy.........

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ano kaya ang nakita nila monica at kyle? comment your anwer guys

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

hi sorry guys ngayon nalang ako nakapag update! busy ang lola nyo eh!
dont forget to vote and comment para ganahan ako sa pag uupdate!! avisala eshma 😘😘😂😂

The Nerd And Her Revenge (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon