Chapter 4:

123 16 34
                                    


“Hindi ka papasok sa trabaho?” tanong ko kay Lucas ng makita ko ito sa sala pagbaba ko.

Tinanghali na kasi ako ng gising at in-expect kong nasa trabaho na ito. Dalawang araw na rin niya akong sinasama sa trabaho niya, at wala akong ibang ginawa kundi tumunganga doon. Naririndi na rin ang tenga ko sa tunog ng mga gamit sa construction.

“I received a text message from my highschool friend a while ago. He’s reminding me to come to his wedding today, I totally forgot about it. Wala pa akong nabibili na pang-regalo,” aniya habang nakatingin ito sa cell phone niya.

Iyong cell phone ko ilang araw na doon sa bigasan niya. Mamaya titingnan ko baka sakaling mag-on na ito.

Tinabihan ko ito sa couch. He immediately wrapped his arms around my waist. Ipinatong pa nito ang baba niya sa balikat ko. If someone’s close to him sees him clinging at me at this early, hindi sila maniniwalang napaka-seryoso nitong tao lalo na kapag nagtatrabaho ito.

Hindi na rin ako nagulat katulad noong una niya iyong ginawa, hindi naman na rin bago sa akin ang ganoon. Iyong mga nakaka-table ko noon sa bar minsan gusto nila nakakandong pa ako sa kanila. Nagulat lang ako noong una niya iyong ginawa dahil hindi ko ini-expect na gagawin niya iyon lalo pa at kaharap namin noon si Ate Osang. Naging hobbit na rin niya ang paghapit sa bewang ko kapag magkatabi, hindi nga lang niya iyon nagagawa sa trabaho dahil magkahiwalay naman lagi kami ng upuan. At sinasadya ko rin naman talagang hindi kami magtabi.

“A kiss for your thoughts,” bulong nito.

Bahagya kong inilayo ang ulo ko dahil sa kiliting naramdaman ko sa mainit nitong hininga sa tenga ko.

“Wala ka bang na iisip na pwedeng iregalo.” pagbubukas ko ng usapan at pambabalewala sa sinabi niya.

Pasimple rin akong umuusog palayo sa kanya pero hinihila niya lang ako pabalik.

“Hindi pa ako nakapag-decide kung pupunta ako,” sagot niya.

“Pumunta ka.”

“Okay, but you're coming with me.”

“Hindi na. Ayos lang ako dito, hindi ako sanay sa magagarbong okasyon.”

Ayokong nakikihalubilo sa maraming tao lalo na kapag iyong okasyon ay para sa mga mayayaman, o kahit pa iyong sa mga ordinaryong mamamayan lang. Hindi rin naman ganun karami ang mga kilala kong tao. Kaya nga noong nagtatrabaho pa ako sa bar sa vip room ako nakatoka.

“Then I will stay here and make out with you all day.” He kissed my neck.

Para akong humawak sa open wire dahil sa pagdaloy ng kuryente sa buong katawan ko.

Tumayo ako at mabilis na lumayo sa kanya.

“Bakit ka nang hahalik?" tanong ko habang hawak ang parte ng leeg kong hinalikan nito.

Kung nandito lang si Gabby, baka binato na niya ako at sinabihan akong nag-iinarte. Hindi nga naman iyon ang unang beses na mahalikan ako sa leeg, minsan pa nga nag-iiwan pa sila doon ng kissmark. Pero iba ang pakiramdam ko sa ginawang paghalik ni Lucas, para bang first time  lang iyong mangyari sa akin, o baka dahil hindi ko expected na magagawa niya iyon.

Tang ina. Ang bilis ng tibok ng puso ko, para bang sumabak ako sa tuloy-tuloy at intense na bakbakan sa kama.

“Eat your breakfast." He said in a cold tone before getting up on his seat leaving me confused and sweating.

The Rich Man's Love (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon