Chapter 5:

135 12 23
                                    


I grew up being a sheeplike person and that my opinions don't matter. Pero kapag alam kong sobra na at hindi ko na maatim, tumatakas ako.

“Malapit na po kami, Ate Yolly,” ani Lucas sa kausap nito sa cell phone.

Nakatingin lang ako sa labas buong biyahe. Hindi naman kami nakakapag-usap dahil maya’t-maya naman itong may kausap sa kanyang cell phone.

Pagkagising ko kaninang umaga naabutan ko ito sa kusina na may kausap sa cellphone.
Pagkatapos kong kumain sinabihan niya akong magbihis dahil may pupuntahan kami. Hindi na ako nakapag-tanong dahil ibubuka ko pa lang ang bibig ko may kausap na naman ito. Mukhang hindi rin nito na alala iyong sinabi niya kagabi.

“May dadaanan lang tayo sandali bago tayo tumuloy sa orphanage,” aniya nang matapos itong makipag-usap.

Iyong orphanage siguro iyon na sinabi sa akin ni Ate Osang. Akala ko hindi niya ako isasama dahil wala naman itong sinasabi sa akin tungkol doon. Ni hindi niya ako tinanong kung gusto ko bang pumunta. Pala-desisyon ang isang ito sa buhay ng iba.

Itinigil nito ang sasakyan sa tapat ng isang clinic. Akala ko maiiwan ako sa sasakyan. Pero pinagbuksan niya ako ng pinto at nakaalalay pa ito sa pagbaba ko. Gusto ko sanang sabihin na hindi niya ako kailangang alalayan sa pagbaba kaya lang baka isipin niyang nag-iinarte ako. Hindi na rin nito binitawan ang kamay ko hanggang makalapit kami sa clinic.

Pagbukas pa lang nito sa pinto ng clinic sinalubong na kami ng doktor. Ngiting-ngiti ito pero bahagyang na wala ang ngiti sa labi niya nang makita ako at bumaba ang tingin nito sa magkahawak naming kamay.

“May kasama ka pala.”

“Yes, His—”

“Hintayin na lang kita sa sasakyan.” putol ko sa ambang pagpapakilala sa akin ni Lucas. Hindi ko na rin hinintay ang sasabihin nito at lumabas na ako ng clinic.

Hindi ko alam kung anong relasyon nila ni Lucas pero ayokong manatili doon. Nang mabawasan ang ngiti ng doktora kanina alam ko nang hindi ako welcome doon. Ayokong makasira ng araw ng ibang tao lalo na kung alam kong ako ang dahilan.

Mabilis ang lakad ko pabalik ng sasakyan. Pero hindi ko pa nabubuksan ang pinto narinig ko na ang pagtawag ni Lucas.

“France!”

“Ang bilis mo naman?” baling ko.

“Naghihintay na sila sa orphanage,” aniya saka binuksan ang pinto.

Gusto ko sanang itanong kung bakit umalis siya agad sa clinic. Pero hindi ko na tinuloy dahil wala naman akong kinalaman sa mga ginagawa nito.

Hindi na gaanong nagtagal ang byahe namin mula sa clinic hanggang sa orphanage. Pagpasok pa lang ng sasakyan sa bakuran ng orphanage napansin ko na agad ang mga bata at ilang matandang naghihintay sa amin. At pagka-tigil ng sasakyan agad ko ng inalis ang seatbelt ko at hindi ko na rin ito hinintay na pagbuksan niya pa ako ng pinto. Pero hinintay ko pa rin itong makababa bago kami lumapit sa mga naghihintay sa amin, o mas tamang sabihing naghihintay sa kanya.

“Kuya, Lucas!" tuwang-tuwang bati ng bata sa kanya ng makalapit na kami.

Ngiti ang naging bati ko sa mga nakakatanda at sa mga batang napapatingin sa akin.

The Rich Man's Love (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon