Ally's PoV"Bilisan mo pa!"sigaw ko kay Lorayne
"Ito na ang pinakamabilis.Andami na nga nating traffic violations at isa pa,kotse lang 'to hindi ko 'to kayang paliparin!"sigaw din niya sa'kin.
"Manahimik ka na lang at mag-drive."
"Ikaw nga itong naunang sumigaw sa'kin!"
Hindi ko namalayang nasigawan ko pala siya kanina,Peste!
Kailangan na kasi talaga naming makarating sa simbahan bago pa siya ikasal sa iba!
Oo,ang lalaking mahal ko ay ikakasal na sa iba.
Hindi ko alam kung pano at bakit pero alam ko na mahal niya rin ako.Papalapit na kami sa simbahan kung saan kami patungo.Halo halo ang emosyong nararamdaman ko ngunit nangingibabaw ang kaba,nanginginig ang mga kamay ko at malamig rin ito.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pag nakita ko ulit siya matapos ang dalawang linggo na hindi manlang siya nagparamdam at ito pa,malalaman ko lang na ikakasal na siya!.
Nang nasa tapat na kami ng simbahan dali-dali akong bumaba kahit hindi pa lubusang napapahinto ni Lorayne ang kotse.
"Ally!"
"Ano ka ba?Hintayin mo 'ko"Hindi ko siya pinansin at tinakbo ko agad papunta sa malaking pintuan papasok ng simbahan.
"Mayroon ba sainyo ang tumu-"
"ITIGIL ANG KASAL!!!!!!"
hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ng pari at agad na sumigaw pagkatapak ko sa loob.
Lahat ng tao napalingon sa akin,hindi naman sila ganoon karami pero...Nagulat ako ng...
LUPA BUMUKA KA NALANG AT LAMUNIN AKO SA KINATATAYUAN KO NGAYON NA!!!!!
I-ibang tao ang nasa harap ng altar at..
Hindi si Hendrix.
"Shit!ano 'tong pinasok natin!"si Lorayne
"What the?"
Pero mas nagulat ako sa mga sumunod na nangyari...
Tumakbo papunta sa'kin ang lalake at yumakap?
"Billy..tara na!"tawag pa nito sa kasama.
"Ano bang nangyayari?"
agad naman niyang hinila ang kamay ko at tumakbo kami palayo sa lugar na 'yun habang nakasunod sa likuran namin si Lorayne at yung kasama nitong lalake.*bangggggg*
Napayuko ako ng makarinig kami ng putok ng baril.
"Dito!"turo ni Lorayne sa kotseng dala namin kanina.Agad pinaharurot ni Lorayne ang kotse palayo ng makapasok kami.
Wala munang nakapagsalita sa'min dahil lahat kami ay hingal na hingal sa pagtakbo.
"P*tangina ano yun?!!!"hindi na napigilan ni Lorayne mapamura,hindi siya palamura pero sa nangyari kanina hindi ko siya masisisi.
"Bakit kayo tumakbo papalayo sa kasal?"tanong ko
"Mamaya na namin ipapaliwanag,sa ngayon gusto lang namin kayong pasalamatan.Buti nalang talaga dumating kayo"anang lalaki
Bakit naman nagpapasalamat 'tong ugok na ito.
"Salamat..A-ako nga pala si Zark Harris Mendez"
"Hindi ito ang oras para magpakilala,ang gusto kong marinig ay kung bakit nangyari yung kanina..kasi ang gulo.Hindi naman dapat kayo ang nandun diba?"
"Akala ko kanina tinawagan ka ni Billy para ipatigil ang kasal, naguluhan ako kasi nakita kong nagulat din siya nung dumating ka bigla."
"Ipatigil?anong ipatigil?..Bakit ititigil?"
"Ewan ko,ikaw tong dumating kanina at nagsisigaw eh HAHA"
"Gago!pasalamat ka nga at dumating sila."sabi naman nung Billy
"Ganito kasi yun,pupunta lang sana kami dito sa Laguna para bisitahin yung kaibigan namin. Tapos bago umuwi nagdecide muna kaming maglibot hanggang sa nagstay kami sa isang bar,siyempre nalasing kaming dalawa lalo na 'tong gunggong na'to kaya hindi kami makakapagdrive pauwi at medyo malayo-layo pa yung bahay ng kaibigan namin.Nung nasa parking na kami may lumapit na babae sa'min mukha siyang mabait at inosente kaya noong inalok niya kami na dun daw muna kami tumuloy sa kanila kasi nga lasing na kami at malapit lang daw ang kanila pumayag naman agad ang 'to.Nung una siyempre nagdalawang isip pa ako kasi sino namang babae ang magpapatuloy ng dalawang lasing sa bahay niya diba?Pero pinilit ako ng gago sabi niya sayang daw ang chick,puta! ayan tuloy kinaumagahan nadatnan ng tatay niya na pulis pala ang anak niya katabi sa kama habang nakahubad itong bugok na'to.Ayan tinutukan siya ng baril at pinilit na ipakasal sa anak niya.""Tss..andami mong sinabi,hindi mo naman kailangan ikwento sa kanila lahat."si Zark
"Hindi ba kayo humingi ng tulong o ano?"si Lorayne
"Kinulong kami sa kwarto,yung cellphone naman naming pareho naiwan dun sa kotse.Hindi naman kami makatakas ng basta kasi may baril sila."
"Ay tanga.."si Lorayne
"Ikaw kaya tutukan ng baril? mahal ko pa ang buhay ko at sayang naman kung mababawasan ng poging tulad ko ang mundo di'ba?"
"Ayni,paki-check nga ulit yung invitation.Tama naman yung simbahan na pinuntahan natin diba?"tanong ko kay Lorayne.
"Hindi tayo nagkamali ng pinuntahan..eto oh"sabay abot sakin ng ng imbitasyon ng hindi inaalis ang tingin sa daan.
"Oo nga,sakto lang naman ang oras ng dating natin"
"Kinuha ko yan sa kaibigan niya kaya panong?"
"teka..saan ba tayo papunta?"
"Sa reception."
"Uhm..Miss?pwede niyo na kaming ibaba dito,malapit na dito yung pinagiwanan namin ng kotse.Salamat"
Nang makababa na sila ng sasakyan napansin kong nakatingin lang sakin yung Zark.
"Salamat ulit.Ako nga pala si Rhamvil Rodriguez, Billy nalang."iniabot niya ang kamay niya kaya naman tinanggap ko yun
Napatingin ako sa kasama niya na nakatingin parin sakin at kumindat pa ang loko.
Yung totoo? Guwapo ang isang to kaso medyo creepy."Basta sa sunod na makita namin kayo libre niyo kami ha?"si Ayni
"Ayni! Tara na nagmamadali kaya tayo!"
Habang papalayo kami hindi ko maiwasang hindi tumingin sa side mirror.
Kahit sa malayuan hindi maipagkakailang gwapo parin yung creepy na nilalang na yun.
BINABASA MO ANG
Almost Perfect
RandomNakilala siya ni Allison sa hindi inaasahang pangyayari, mamahalin din nila ang isa't-isa ng higit pa sa inaasahan. Pero paano kung dumating din ang di inaasahang delubyo sa buhay niya? Delubyong hindi niya alam kung paano lagpasan. Paano kung ang m...