Abandonado

19.1K 232 80
                                    

"Bibilhin mo pa rin ba ang bahay kapag malaman mong may nagbigti doon?"

Masaya ako na nagkaroon ng  isang healthy at makulit na baby girl. Now, she’s 3 years old and seeing her growing makes me a satisfied father. Kahit siya lang ang meron ako, I can say na masaya ako that somehow ay nagampanan ko ang mga tungkulin ko sa kanya despite being separated from her mother. Oo, nagkahiwalay kami ng mama niya 2 years ago at ako na ang gumaganap bilang mama at papa niya eversince we got separated. Siguro kapag meron akong hihilingin pa sa buhay ko? Iyan ay ang karagdagang oras na maibibibigay ko sa anak ko. Napaka stressful kasi ng work ko bilang isang call center agent. I’ve been working on a grave yard shift, from 10pm to 6am, kadalasan niyan may overtime kaya 10am na akong makakauwi sa bahay. Dahil sa sched kong ito kaya hinahabilin ko muna sa bahay ng  mommy ko ang anak ko tuwing gabi para may makatabi siya hanggang umaga kasi matutulog pa ako pagka uwi ng bahay, kinukuha ko siya pagkagising ko sa hapon upang kahit papano ay may oras kaming makapag bonding kahit kunti. Day off ko? Sunday lang. Being so busy at work na di ko namamalayan na may kakaiba palang nangyayari sa bahay ko which is so unusual.

Agad akong nakatulog pagka uwi ko ng bahay ng araw ng Linggong iyon. Bigla akong napabalikwat at nagulat na napaupo mula sa pagkakahiga. Linilingon ko ang kwarto ko, ba’t ang dilim? Anong oras na ba? Para akong lumulutang sa hangin na tumayo at naglakad, tumagos ako sa kabilang kwarto. Ito ang abandonadong kwarto na sinasabi ng mga kapitbahay namin na may babae daw na nagbigti. Mura lang ang pagkakabili ko ng bahay na ito at medyo hindi naman malakihan, swak lang sa naipon ko kaya di na ako nagdadalawang isip na kunin ito. Huli na nang marinig ko sa mga sabi-sabi mula sa mga kapitbahay namin ang tungkol sa nasabing kwarto na abandonado at may nagmumulto raw. Hindi ko naman ginamit ang nasabing kwarto na yun, ni hindi ko nga binuksan at sinilip ang loob nun pero di ko alam bakit andito ako ngayon. Napakadilim ng kwarto ngunit may kakaunting liwanag akong nakikita na parang galing sa katawan ko. Lumingon-lingon ako sa paligid. May nakita akong lumang salamin sa kwarto na inaalikabok. Tiyempong paglingon ko nang may napansin akong may dumaan sa salamin, napaatras ako. Parang kinakain ng dilim ang liwanag mula sa katawan ko at nagsimula akong makadama ng takot. Di ko alam kung sino pero biglang may humila sa akin pabalik ng kwarto ko. Nakita ko ang katawan kong nakahiga sa kama at tulog na tulog. Nagulat ako. Dahan-dahang gumalaw ang pintuan ng kwarto ko na para bang may bumubukas nito. Tumindig ang mga balahibo ko, nagmadali akong umupo upang humiga. Pagkalingon kong muli sa pintuan ng kwarto ay laking gulat ko nang mukha na ng isang babae ang tumambad sa harap ng mukha ko.

Naggising ako at naninigas ang buong katawan ko, di ko maigalaw ang mga kamay ko. Pinipilit kong gumalaw hanggang sa tuluyan akong makaupo mula sa pagkakahiga. Pawis na pawis ako. Bangungot ba yun? Natulala ako at kahit gising na’y nagsitayuan pa rin ang mga balahibo sa katawan ko. Mas lalo akong nagtaka nang makita ko ang pintuan ng aking kwarto na bahagyang nakabukas na.

Di ko na binigyang halaga pa ang bangugot ko kanina. I have to get my kid sa bahay ng mommy ko. Pinuntuhan ko ang baby ko, pumunta kami sa mall at dun na kami nag dinner kinagabihan. Alas otso na nang gabi nang makauwi kami ng bahay.

Nakasanayan nang matulog ni Joy (pangalan ng baby ko) as early as 8pm sabi ng mommy ko kaya pinalitan ko na siya ng kanyang damit pampatulog, pinahiga katabi ko at pinagtimpla ng kanyang milk. Hanggang sa tuluyan na siyang dinapuan ng antok. Medyo dim yung kwarto namin kapag gabi since lampshade lang yung ilaw na nandidito. Di ko mapigilang mag-isip muli tungkol sa nangyari kanina. Di ako mapakali at di ako makatulog. Naghanap ako ng mababasang libro mula sa shelf. Nang hinalungkat ko ang mga libro, biglang nahulog ang isang libro. Dinampot ko iyon. Na curios ako nang makita ang title ng libro. “Kaalaman Tungkol sa Astral Projection”

Binuksan ko ang mga pahina ng libro at binasa ito.

“Ang Astral Projection ay ang pagkakahiwalay ng Astral na katawan mo mula sa iyong Physical na katawan na kadalasang nagaganap sa pagtulog mo.”

Muli akong napag-isip tungkol sa nangyari kanina at nagpatuloy sa pagbabasa.

“Napupunta sa Astral Plane ang nahihiwalay na Astral Body mo. Ang Astral Plane ay ang tinaguriang Parallel World o ang Ikatlong Mundo kung saan naninirahan ang mga tinatawag na Entities”

Naputol yung pagbabasa ko nang biglang umiyak si baby. Kinuha ko siya mula sa pagkakahiga at niyuyugyog upang muling makatulog ngunit sa halip na tumigil sa pag-iyak ay mas lalo itong lumakas. Magtitimpla sana ako ng gatas niya nang makitang di ko pala nabitbit ng kwarto yung thermos. Binuksan ko yung pinto upang pumunta ng sala nang magulat akong walang ilaw sa hallway papuntang sala. Napakadilim dun. Kinapkap ko yung switch na andun sa labas at gilid ng pinto ng kwarto ko. Pagkapkap ko ay bigla nagsitayuan ang mga balahibo ko nang makapkapan ko ang isang kamay ng tao. Dali kong hinila pasirado ang pinto ng kwarto namin. Hiniga ko muna si baby sa higaan at daling ni-lock yung door knob ng pinto. May kung sinong biglang niyuyugyog yung doorknob ng pinto ng kwarto namin. May naririnig din akong mga malalakas na dabog mula sa kasunod na kwartong abandonado. Naggising si baby dahil dun at nagsimulang umiyak ulit.

“SShhhh, Joy, wag kang umiyak..” sabi ko sa kanya.

Biglang huminto ang mga dabog mula sa kasunod na kwarto at tumigil sa paggalaw ang door knob. Kinuha ko si baby at dahan-dahang binuksan ang pinto ng kwarto. Di na ako nag-abala pang kapkaping muli ang switch ng hallway. Dahan-dahan na akong naglakad ng hallway. Paglingon ko sa likod ay dahan-dahang bumukas yung kwartong abandonado. Binilisan ko ang paglakad ngunit naging maingat ako kasi napakadilim at kinakabisado ko lang ang bawat sulok ng hallway. Nang makarating na ako sa may hagdan, lumingon akong muli. Parang nagsitayuan ang mga buhok ko sa ulo nang tiyempong paglingon ko ay biglang may nahulog mula sa kisame sa tapat ng kinatatayuan ko. Gumiwang-giwang yung dalawang paa ng babae sa harap ng mukha ko. Nakabigti ito at di na ako nag-abala pang lingunin ang mukha nito. Nagmadali akong bumaba ng hagdan, iyak ng iyak ang baby ko dahil sa takot. Pagkarating ko ng main door,at di pa ito bumukas. Kahit anung pihit ko sa knob ay di talaga bumukas yung pinto.  Lumingon ako sa likod habang pinipit ang knob nang makita ko ang nakabigting babae sa itaas ng hagdan. Gumigiwang parin ang mga paa nito. Dahan-dahan itong gumalaw at lumulutang papunta sa amin.

Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakadama ng sobrang takot. Hindi lang takot dahil sa mga nakikita ko, ngunit takot para sa anak ko. Niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit. MInsan lang ako nagdadasal at sa mga oras na ito ay wala akong ibang makakapitan. Pinikit ko ang mga mata ko ang pinaubaya sa Diyos ang lahat. Naramdaman ko ang mga paa na nakadapo sa likuran ko at patak ng mga dugo sa may braso ko. Muli kong pinihit ang siradura ng pinto at bigla itong bumukas. Agad kaming lumabas ng baby ko. Nakalabas kami ng bahay. Niyakap ko ang anak ko nang mahigpit na mahigpit.

Kinabukasan nang malaman ko ang tungkol sa babaeng nagbigti sa abandonadong kwarto na iyon. Nagulat ako sa nalaman.

Two years ago kaming nagkahiwalang ng mommy ni Joy at simula noon ay di na kaming nagkitang muli. Marianne ang pangalan ng mommy niya. Sobra daw itong nalungkot nang di niya makuha ang bata mula sa akin. Nagpalayu-layo at namuhay mag-isa si Marianne hanggang sa matulungan siya ng kaibigan niyang dating may-ari ng bahay na nabili ko. Napapansin nilang mas lumala daw yung depression ni Marianne at hindi na lumalabas ng kwarto. Huli na nang makaamoy sila ng mabaho mula sa kwarto niya. At nang mabuksan nila ang pinto ay nakasabit na ito sa kisame.

Inalam ko kung saan nakalibing si Marianne. Nagsindi ako ng kandila sa puntod niya at humingi ng tawad sa kanya at nangakong aalagan ko si Joy nang mabuti. Nagresign ako sa trabaho bilang call center agent at nagtayo ng maliit na negosyo kung saan mabibigyan ko na nang malaking oras ang anak ko. Binenta ko na rin ang bahay ng kalahati ng pagkakabili ko dun.

AUTHOR'S NOTE:

Thanks for reading. You can also read my other horrifying stories by clicking my profile. Don't forget to hit star button and follow me ;) Paki suportahan narin yung kagagawa kong romantic comedy., nasa profile ko po.. :)

OTHER STORIES:

DoppelGanger (A Must Read)

Garbage Bag

Bahay (on going)

You can check and join our facebook group

Wattpad Philippines (Horror/Paranormal Guild)

https://m.facebook.com/groups/631095120273337?refid=27

AbandonadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon